Chapter Twenty

4.1K 76 7
                                    

Vengeance Chapter 20

Secretary

---

"WINTER. Pinapatawag ka ni Sir Luke sa office nya. ASAP daw." Sabi ni Ma'am Kim habang nakatingin sa cellphone nya. Nag-text ata sa kanya.

"Bakit daw po, Ma'am?" I asked.

"I don't know. All caps pa yung message nya kaya baka sobrang urgent. Iwan mo muna yang pinapatype ko. Puntahan mo muna si Sir mo."

"Okay, Ma'am."

Tumayo ako at agad dumiretso sa elevator. Nung una, hindi panagsi-sink in sa utak ko... pero nung naalala ko yung CR Session nila nung babae kahapon, para akong nag-ice bucket challenge. Feeling ko ako pa ang mahihiya kapag nagkita kami ngayon.

Habang nasa loob ako, kabang-kaba ako. Ano na naman kaya ang sasabihin nya? Ang daming pumapasok na idea sa isip ko kung bakit ako pa ipinatawag nya. Baka tanggalin nya ako dahil nahuli ko sila? O baka tanungin sa mga nakita ko... wtf? Kasalanan nila 'yon dahil sa publc place nila napiling mag-putang inahan.

Baka update para sa promotion na request ni Ma'am na baka hindi rin ma-approved. Tss.

Nagbukas ang pinto sa 20th floor.

OFFICE OF THE PRESIDENT:

Mr. Luke Greyson Mercado Harrington
Chief Executive Officer

Sya na pala talaga ang CEO pero sa magaganap na event sa Saturday, 'nun palang i-aanounce nationwide.

I knocked three times at binuksan ang pinto.

Shit. Ganda nang office nya. Malawak para sa isang tao lang. May sofa and center table sa side, may couch, may makabagbag-damdaming view from the city dahil sa glass wall. Siguro ang ganda dito pag gabi, kitang kita yung city lights.

Sa table naman nya, napaka-organized nang ayos. Kahit maraming nakapatong na mga papeles at folders, maayos pa rin tingnan.

I saw him reading something on his throne.

"Excuse me, Sir? Pinatawag nyo daw po ako?" I formally asked.

Humarap naman sya sa akin at isinarado yung binabasa nya kanina.

Tang ina? Anong sabi ng nagmumura nya'ng eye glasses? Kinabog pa nya si Clark Kent ah? Natulala ako sa kanya dahil sa itsura nya at sa mata nya'ng nakatingin sa akin.

Hindi ito ang unang beses na makita ko sya'ng naka-eye glasses pero. YOLO! Ang sarap nya titigan maghapon. He's more hot today!

"Ms. D'Annunzio..."

"Sir?"

"You're manager wants you to be her assistant, right?."

"Nabanggit po nya yan sa akin kahapon, Sir."

"Kaya mo ba?"

"Sabi po ni Ma'am Kim, ganun pa din naman daw po ang gagawin ko. May madadagdag lang sa responsibilities ko. Pero I think I can do it naman, Sir. I can adjust myself." I smiled.

"You think you deserve to be promoted?" He asked. Hindi naman ako nakasagot. Hindi ko alam ang tamang isagot. Dapat ba sabihin kong 'oo' dahil kaya ko namang maging hard working kaso baka sabihin nya'ng nagmamagaling ako, wala pa akong experience.

Pareho lang kaming walang experience, duh?

"Paano kita ipo-promote kung ganito na kaagad ang kumakalat tungkol sayo?" He asked and removed his eye glasses. I wrinkled. Anong kumakalat na naman yan?!

Vengeance (COMPLETED)Where stories live. Discover now