Chapter 22

173 8 0
                                    

Jan’s POV

Kahapon, sinabi ni Inna na gusto niya rin ako. Kaya ngayon, di ko mapigilan ang ngiti sa mukha ko. Para na kong baliw na tumatawa na walang kasama.. hahaha…

I saw my friends on the way.. sina, Joax, Ivan at Andy. Tagal ko ring di naka-usap ang mga toh.

“oh tol! Kamusta!” pa sigaw na sabi ko sa kanila. Nabigla sin sila.

“ah.. okay naman.. teka nga..” sabi ni Joax habang papalapit na tinitingnan ang mukha ko. “ba’t parang ang saya mo ata!?”

Ah..sinagot ako ng CRUSH KO! LOL!! “ah.. wala lang.”

“pare, IT’S LIKE YOU’RE BLOOMING..” sabi naman ni Ivan.

“pare, in love ata.. KANINO KAYA!? Hmmm… teka.. hindi eh.. SINAGOT NA ATA TOH! SINAGOT KA NA NOH!?” sabi naman ni Andy.

“ah.. pare, sige.. alis na ako. Haha..” patakbo kong sabi sa kanila. Di pa nila pwedeng malaman..

Napahinto ako ng may naramdaman akong kamay na nakapatong sa balikat ko.

“Jan?” nang tiningnan ko kung sino, si Kuya Ian pala. Patay! Nakalimutan kong sabihin sa kanya.

“ah? Kuya, siya nga pala..”

“hali ka rito!” hinila niya ako sa isang sulok. Tapos ipinatong niya ang dalawa niyang kamay sa balikat ko. Shet, siguradong sisigawan ako nito. Masyado pa naman tong protective kay Inna.

“ah, kuya.” Di ko makita mukha niya, nakayuko kasi. Patay na talaga ako. Diyos ko po, sana naman ay di mabasag mukha ko.

“Jan,” unti-unti niyang itinaas ang mukha niya. Napapikit ako sa takot. Ngunit na bigla ako nung niyakap niya ako.

“Jan! salamat naman at napaamin mo na kapatid ko. Tagal ko na kayang inaantay na maging kayo no!” nabigla ako sa reaction niya. akala ko nga eh, bubugbugin niya ako. >.< kuya talaga.

Teka, kami na ba talaga? So ibig sabihin eh, Girlfriend ko na si Inna? Teka, ba’t parang di namin napag-usapan ito!?

“Kuya! Teka lang, asan si Inna!?”

“ha? Malay ko ba.”

“ah, sige aalis ho muna ako.”

Tumakbo ako papalayo. Hinanap ko si Inna. Tatanungin ko siya and I’ll make it clear kung kami na nga ba talaga. Inikot na lahat ng spots kung saan siya pwedeng pumunta, wala siya sa bahay, sa graden o kaya sa classroom san kaya siya pumunta!? Lumapit ako sa mga babaeng nakatayo sa may hallway.

“excuse me.” sabi ko, nagtilian silang lahat. “ah, nakita niya ba si Inna?”

“si Ms. Inna ba? Nakita ko siya sa cafeteria.”

“salamat ha.” Napangiti siya. Tumakbo na lang ako sa cafeteria. Pero, masyadong maraming tao. Asan ba siya? Di ko makita. Walang choice.

Sumigaw na lang ako. “INNA!? ASAN KA BA!?”

Biglang nagtinginan lahat ng tao sa cafeteria sa kin. Yung iba nagbulungan na, bakit ko daw hinahanap si Inna.. PAKE NYO!? Nang biglang, may tumakbo papunta sa kin, at hinila ako papalayo.

“ano bang ginagawa mo ha!?” ang boses na toh..

“INNA?”

“oo, sino pa kaya? Problema mo?”

“mag-usap tayo. Tara, sa garden tayo.”

Ako naman ang humila sa kanya. Napaupo kaming dalawa sa damuhan.

“Inna, me itatanong ako.”

“ano yun?” shet, tinitigan niya ako, >////< ano ba yan, ba’t parang mas gumanda pa siya!?

“ah.. eh..” napalunok ako, “diba gusto mo ko,”

Bigla siyang napatingin ng malayo. “at gusto din kita.. so.. ah.. ibig bang sabihin nito… tayo na?”

“sa tingin mo?” di parin siya nakatingin sakin.

“so, ano nga.. girlfriend nakita? At boyfriend mo na nga ako?” di pa rin siya kumikibo. Nakatingin pa rin siya sa malayo.. nang biglang, narinig kong,

“oo.” Kahit mahina lang, narinig ko ang sabi niya.

“TALAGA!? SO TAYO NA NGA!” bigla niyang tinakpan ang bibig ko.

“Huwag ka ngang maiingay.” Di ko napigilan ang ngiti ko. At the same time, nakita kong ngumiti si Inna. 

WHEN Bad Girl becomes Good GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon