Chapter 20

168 10 0
                                    

Jan’s POV

It’s been days since we heard the bad news. Hanggang ngayon, di pa rin naka-imik si Inna. Nakatingin lang siya sa isang sulok. Si kuya Ian naman ang nageentertain sa guests. Andito ako ngayon sa bahay nila. Si Timmy, naka-kabit sa mama nila.

After that happened I came to the hospital with Inna, nandun narin sina kuya Ian at Timmy pati si mama nila. I left them and went outside of the room to give them some privacy. Di nagtagal, lumabas na sina Kuya Ian at ang mama nila at pina kilala ako.

“Ma, this is Jan, Jan Bryans siya yung pinaenroll ni daddy sa school. yung special student.”

Bigla akong napatayo ng diretso. “it’s nice to finally meet you Mrs. Maurice. I’m really sorry for your loss.”

“it’s nice to finally meet you as well, thank you for being there for my daughter always, Ian has told me a lot of things about you. Anyways, I’ll leave you two here, I have to go back inside.” Sabi niya habang hinahawakan ang pinto. Tinitigan ako bigla ni Kuya Ian.

“Jan, are you okay?”

“opo, okay lang ako, it’s just, I can’t stop Inna from crying when she found out. It seemed like, sinisisi niya ang sarili niya sa pagkamatay ng Daddy niyo.”

Bigla siyang napayuko at napaupo sa benches sa labas ng room. Sumunod ako at umupo na rin.

“she blames herselffor everything. Sa lahat ng bagay, pag maynangyayari, sinisisi niya ang sarili niya.”

“bakit kuya?”

“it all happened before. When the previous Chairman was still alive. It was our grandma. Birthday ni Inna at that time and out of no where a fire started. Silang dalawa na lang ang naiwan sa bahay. Grandma died at that incident, she died saving Inna’s life. and ever since then, she blamed herself. Kaya nga she never oposes anything that our dad said. Kaya nga sinusunod niya lahat ng pinapapagawa ni daddy sa kanya. Natatakot siyang baka mangyayari na naman.”

Then I thought to myself, baka yun ang rason kung bakit na fre-freeze up siya pagnakatingin sa kanya ang lahat, like that one time nung lumabas kami. She can’t have anyone go and stare t her.

“Has she always been that way? You know, has she always been a loner?”

Biglang napatingin si kuya sa kin. Tapos tumawa. “loner? Yun ang tingin mo sa kanya?”

Napatigil ako. “noon, ganun, pero nung nakilala ko na siya kung sino talaga siya, umiba na ang tingin ko.”

“ah, sa totoo lang, hindi si Inna ganyan noon. Masayahin nga yan, tapos mahilig sa gulo. Makulit. Pero dahil sa pagkamatay ng lola namin. Kung minsan ko na lang siya nakikitang ngumiti. Di katulad ng dati. Pero ngayong nakilala ka niya, isa lang ang masasabi ko. Bigla siyang nagbago.”

Napatigil ulit ako, nagbago? Dahil sakin? Di ako makapagsalita. Gusto ko sanang ngumiti pero parang wrong timing naman pag ganun. Kaya, kahit masaya ako, pinigilan ko.

“kinikilig ka ano?”

“ha?”

“wala. Anyways, please be there for my sister. Kailangan ka niya ngayon.”

“opo. Di ko siya iiwanang mag-isa.”

Days passed at inilibing na ang Daddy ni Inna. It seemed like Timmy, her mom, and kuya looked better than the last time. Nakakangiti na sila, ang problema ay si Inna. Ilang buwan na ang nakalipas, pero it seemed like she wnet back to who she was before she met me. di na nga siya naging accompanist ko sa concert. Ning di niya nga ako pinapansin. Di na rin siya pumapasok, nagpapass na lang siya ng assignments niya tulad ng dati. Lunch break ngayon at nagdesisyon akong maglakad-lakad muna, hanggang sa napunta ako sa garden. Nakita ko siyang nakahiga na naman sa damuhan. Nilapitan ko at nakitang gising pala siya.

“Inna.”

Bigla siyang napaupo. “ano?”

“wala lang. salamat naman at pinansin mo na ako.”

“wala akong oras ngayon. Pwede bang iwanan mo muna ako?”

“Inna,”

“please.”

“di ko magagawa yan, kasi, di kita pwedeng iwanan. Kasi mahal kita.”

Yun na, umamin na ako. I know I can’t do anything for her, pero, it’s been months she should’ve moved on already.

“I’m sorry, pero, hindi kita gusto.” Napatigil ulit ako. Masakit. “so pwede bang, iwanan mo na ako?”

Sa sobrang sakit wala akong nagawa, napatayo na lang ako at umalis. Bumalik ako sa bahay at dumiretso sa kwarto. Ayoko munang pumasok. Naramdaman ko na naman ang sakit sa braso ko. Napahiga ako at di nagtagal nakatulog na lang. Masakit na naman ang braso ko, pero mas nasasaktan ang puso ko.

WHEN Bad Girl becomes Good GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon