15 - Free

313 4 3
                                    

Katelyn.

"Akala ko busy ka..." Lagi kasi niya ako sinusundo kapag kaya ng oras niya. Basically, that's almost everyday. Hindi ko nga alam bakit kailangan niya pa gawin 'yon okay naman na siguro na ako nalang mag-isa.

"Naka-abot naman ako 'di ba?" He slightly smiled. Natawa na rin ako.

Sabi ni Lucas may ipapakita raw siya sa'kin. Pinapanood ko siya ngayon buksan ang likuran ng sasakyan niya at bumungad ang napakaraming nursing uniform. Nagulat ako sa dami no'n. "Huh? Para saan 'to?"

"Kailangan mo ng uniform 'di ba?"

I mean..."This is too much..." Hindi niya ako pinakinggan, at binigyan ng maliit na box na may magandang ribbon. What...

Nakatitig lang ako ron, kaya siya na ang nag-open. "This key is for your new condo." Lumaki ang mga mata ko sa gulat. Kailan pa ako bumili ng condo?!

"Bakit mo binibigay sa'kin ito? Hindi ko naman kailangan..."

"No, you need it. Mas safe ka rin dito kaysa pabantayan kita sa mga bodyguards na nahire ko."

WHAT?!

I can't believe it. Hindi ko naman gustong pabantayan niya ako. I know he's generous pero kasi..."I like you, Kate...I really do, I am trying my best to give you what you deserve."

Para akong nahilo sa confession niya, but if he likes me sa tingin niya ba dito niya ako makukuha? I sighed, ayokong magalit sakaniya. He's good to me.

"I am sorry Lucas...Oo kailangan ko nito, pero I can support myself. You don't have to give these gifts para lang mapatunayan kung gaano mo ako kagusto." I can see the sadness in his eyes habang sinasabi ko 'yon.

"That's not-"

"No, Lucas. Go home. Pag-isipan mo ito nang mabuti. I am grateful that you can do everything for me, but I did not ask you na gawin mo lahat iyon para iimpress ako." Tumalikod na ako dahil nasasaktan ako sa itsura niya ngayon. Ang hirap tanggapin ng mga binigay niya. Ayoko naman magka-utang na loob, at hindi ako umaasa sa kahit na sino.

Binilisan ko ang lakad ko para hindi niya na ako kausapin kasi natatakot ako na hindi ko mapanindigan mga sinabi ko.

Habang pasakay ako ng taxi may napansin akong sumusunod sa'kin, siguro sa nararamdaman ko ngayon lumakas ang loob kong lapitan sila. "Why are you following me?"

Hindi nagsalita ang kausap ko, pero lumapit ang isa pa niyang kasama. "Gusto lang po ni Mr. Lucas na safe kayo." Ito ang sinabi niyang body guards?

"Tell him that I can be safe on my own."

Mabilis akong pumara ng taxi, at sumakay na. Hindi ko gustong gawin sakaniya 'to, pero sana malaman niya na kaya ko naman.

Ilang araw ang lumipas hindi siya nagparamdam, at tuloy pa rin ang buhay. I even saw the bodyguards around my house, tinext ko pa siya na paalisin 'yon. Hindi niya ako nireplyan, at hindi siya nakinig sa'kin. Though, I feel safe dahil alam kong may nagbabantay sa akin.

Ganito pala pakiramdam nang may nag-aalala sa'yo. Still, ayoko pa rin masanay na lagi siyang nand'yan.

Off ko ngayon, at lalabas ako para magtapon ng basura. "Kate..."

Nagulat ako dahil bumungad siya sa may gate. "Gusto ko lang sana mag-usap tayo..." Sobrang bilis lumambot ng puso ko. Tumango ako agad, "Sandali lang ilalabas ko lang 'tong basura..." Parang nagliwanag ang mukha niya, at ngumiti sabay na kinuha ang plastic bag na nasa kamay ko.

Nilagay ko ang kape, at tubig sa mesa. Ang aga niyang dumating kaya wala pa akong pagkain. "Iyan lang mayroon ako, mamaya pa ako makakabili ng pagkain...pasensya ka na." Nagkibit balikat lang siya, at uminom ng kape.

Once A DaydreamWhere stories live. Discover now