08 - Restaurant

254 8 0
                                    

Katelyn.

"We expect full participation just like our last year's anniversary party. We will handout the invitation after 2-3 days for all the details we have discussed here in our meeting. Thank you so much guys! Have great lunch!"

Halos lahat ng mga tao sa board room ay nagpasalamat kay Ms. Sy kasama na rin ako ron, at umingay ang board room dahil sa kwentuhan kung ano anong mga isusuot namin. Ito yung nabanggit sakin ni Ms. Sy na party.

"Naku, naaexcite talaga ako!" Sabi ni Dianne.

"Kabog talaga ang party ni boss, noh?" singit ni Liza sa aking tabi.

"Ireready ko na ang powers kong maghanap ng outfit!" Sagot naman ni Ethan.

"Sakto ang paninda ko, marami akong masks na pwede nyong icheck para mabagayan ang outfit niyo!" Masayang sabi ni Ria, napakabusiness minded nya talaga!

"Naisingit mo pa talaga ha!" Halos sabay nilang sabi at tawa kami nang tawa kay Ria.

Ngayon na inaanounce ni Ms. Sy ang party namin for anniversary. Super active kaming lahat dahil galante talaga ang boss namin magpaparty may mga pa-raffle rin and recognitions. But more than that, it is just a night full of enjoyment for us.

Nauna nang lumabas si Ms. Sy, at ang saknyang secretary na nakasunod sa likod nito. Nagsunuran na kaming mga empleyado para sa lunch namin.

"Sooo! sabay sabay na ba tayong magshopping?" Tanong ni Ethan sa min.

"Tinatanong pa ba yan?" Pabirong sagot ni Dianne sakaniya, at sabay tawa ni Liza sakanya na nakahawak sa braso ko.

"Sesend ko sainyo yung mga colors na meron ako sa GC natin, tapos tumingin tayo ng mga gown! Maraming mura sa Divisoria!"

Nakakatuwa talaga itong event namin kasi nga lahat ay join, tapos nakakatuwa rin dahil lahat kami magaayos para sa pupuntahan. Sino nga naman ang hindi matutuwa kapag nakita mong nakaporma ka para sa isang magandang event na sosyal palagi?

Puro rin babae, or gays ang mga empleyado kaya hindi talaga mahirap ang makisama sa lahat kasi nga lahat ay go sa pagaayos. Napakasafe place ng company namin dahil sa dominant na feminine energy araw araw.

"As usual no? Kasama yung mga clients natin kasi marami rin talagang nag sponsor sakanila, bukod sa mayaman ang boss natin mayaman pa ang karamihan sa kleyente natin." Sabi ni Ria.

"Galing nga eh! Yung iba ron from the start palang nandito na sa company." Sagot naman ni Dianne.

Naglalakad kami ngayon palocker room para bumaba at kumain ng lunch.

"Speaking of clients! For sure pupunta si poging chef!" Sigaw ni Ethan.

"Ayiieee!' Nanguna naman si Liza sa pangaasar sa kin, at hinampas nila ako nang mahina.

"Nananahimik ako ah!" Sagot ko sakanila, at nagtawanan ito! Naku, simula kanina pa yang umaga nangaasar, kung hindi lang nag meeting hindi na sila natigil. Si Liza naman kagabi pa ako kinukulit hanggang sa nakatulog nalang kami sa paulit ulit nyang pangaasar. Tuwang tuwa pa siya na nag good night si Chef sa text! Normal lang naman yon kasi magkausap naman kami need namin ng relationship na maganda for our clients. Para balikan kami, syempre!

"Sus! di ba! Plan natin dumaan sa restaurant ni Chef! Malapit lang naman yon dito! Pwede tayong mag Cab papunta!" Kanina pa yan at si Dianne ang nagsuggest na naman ngayon. Ito na nga ba ang sinasabi ko paano to nakakahiya naman kung nandon siya!

Huh? pano naman din nakakahiya kakain lang naman kami? Pero kasi!

"Oo nga! Halika na!" Sabi ni Ria.

"Truly! Makakabalik naman tayo after an hour!" Pag payag ni Ethan.

Once A DaydreamWhere stories live. Discover now