14 - You and me

246 5 0
                                    

Katelyn.

Ilang araw na ang lumipas, at ganon pa rin ang mga araw ko. I spent my days in work, my friends, and Chef's house. Hindi ko pa rin nakikita si Kath, and I cannot talk to him about that. Baka sa susunod?

I read my messages for today. Hindi ata ako nakatulog nang maayos kakaisip sa aming dalawa ni Chef. I can't open this up to Liza, and our friends.

Ugh, so hard!

Nakita ko sa GC ang kwentuhan ng aking mga kaibigan. Nag message lang ako na hindi ako makakasabay kay Liza dahil may appointment kay Chef. Nag0-inform din ako sa group chat at wala na naman silang tigil sa pangaasar sa akin. Mamaya ko na to marereplyan!

May mga message na sa akin si Chef.

'Good morning. See you later.' Kanina iyong 7 AM. mga 8:30 na ako nagising. Nagreply ako,

'Good morning! See you later, Sir...'

Mabilis akong natapos maligo, at mag-ayos. Pati ang gamit ko'y nakahanda na. Nagdala lang ako ng eksaktong gamit dahil malapit lang naman. Narinig ko na ang door bell, at mukhang siya na iyon.

Wearing his long sleeve white polo, and gray pants. With his brown shoes...It looks like slip on? I don't have any idea with shoes. But, the fact that he's wearing this he looks manly as ever. Almost everyday. "Are you ready?"

Ready to be with you ba? Yes...

Nang makasakay kami sa kotse, naalala kong dapat putulin ko rin pala ang masiyado kong kalandian. He has a wife, Kate! Medyo naasar ako sa naisip ko, hindi ko alam sa kung may asawa ba si Mr. Lucas. I shook my head, as a sign of removing my thoughts inside my head. I don't want to be a mistress as well... Saan nga ba kasi ang asawa nito?

But we kissed...I shook my head. Ayoko na nga isipin!

Maybe I should try to open a conversation with Mr. Lucas, so it wouldn't be too awkward. Sumilip ako sa banda niya, at diretso lang ang tingin nito sa kalsada habang nagmamaneho.

"Uhm...Hindi ko pa rin po namemeet si Kath ever since unang meeting natin saan na po pala siya? If you don't mind sir...." Saglit itong tumingin sa akin, at bumaling ulit sa kung saan siya naka focus kanina.

"In her grandparents...in Davao." Tumango naman ako. Our? So parents niya? And her wife?

Siguro, kailangan ko na maging normal sa pakikipag-usap sakaniya dahil magkakasama na kami sa iisang lugar. Masanay na dapat ako sa presensya niya, at hindi magpadala masiyado sa iniisip. Huminga ako nang malalim. Tama iyan, kate.

I smiled as I answered him, "Oh! That's nice! She's so lucky her grandparents are still spending time with her..."

I know their roots is none of my business, but I just want to know their history... "Yeah, my daughter is really fond of them...pareho sila."

Nakita kong lumiko siya sa may drive thru ng isang restaurant. "Let's eat, while we're on our way." Oh...Ngumiti ako, at nag abot ng pera ko sakaniya. "Sir, ito po..."

Tinignan niya lang ako, habang binuksan ang bintana. Bale nakikita na kami ng nag tatanong ng order. "Bayad ko po sa meal ko." Ayokong masanay na libre niya lahat. I have my own money, I can pay.

"What are you going to order?" hindi niya pa rin pinapansin ang pera na nasa kamay ko.

Pinili ko iyong burgersteak breakfast meal, sinabi ko rin na dagdagan ng sundae. Nakaramdam ako nang gutom nang makita ko kasi lahat ng nasa menu. "Anything else, Sir?"

Bumaling si Mr. Lucas sa akin, "May gusto ka pa ba?" Pinit kong pigilan sagutin na siya. Paano na ba ito?

Umiling na ako, at ngumiti. Pinatong ko ang pera sa may gilid na parte nya na lalagyan ng drinks. "I won't take it, Kate..."

"Iwan ko nalang po iyan...kaya ko naman po bayaran ang para sarili ko." Ngumiti ako. Magsasalita sana siya kaso kailangan niya na ulit buksan ang bintana ng kotse niya dahil kailangan niya nang kunin ang pagkain.

Hindi ko alam paano nya nagawang kumain habang nag ddrive, pero hanga ako sakaniya dahil mukhang sanay na ito. Tumulong din ako sakaniya syempre nakakahiya. 'Yung pera ko naman...Kinuha niya, pero inabutan niya ako nang mas malaking halaga. Sukli raw. Pinilit kong bawiin ang pera ko kaso ayaw niya na ibigay.

"What are you thinking?" Nagulat ako sa tanong ni Mr. Lucas sa akin. Umiling lang ako, at ngumiti.

Saglit pa siyang sumilip at nagdrive.

"Ang asawa niyo po pala, sir? Kung hindi naman po ninyo mamasamain." Ang bibig ko rin minsan di talaga mapigilan eh. Pero, I am really curious...but didn't you know kate, curiosity kills!

Sa mga mata niya kitang kita ang pagkalumbay don. Naku! Ang sama ko! "S-sorry sir, okay lang po kung hindi ninyo sagutin..." Tumango ito sa akin, at binalikan ang anak. Baka nga hiwalay na sila? Mahal niya pa kaya ito? But, what about the kiss...

Nalungkot din ako, pero ano nga ba kami? Ayoko na ngang isipin, baka mas masaktan ako!

Nakita kong tumigil kami sa isang magandang park, at mukhang presko ang paligid. Wala pa ring nagsasalita sa amin, at for sure alam niya kung anong nararamdaman ko! Hindi lang ako no!

Dapat pala ay kinausap ko muna ang mga kaibigan ko bago ako nagtanong ng mga ganito...Hindi ko nga rin alam, why are we spending time together kahit na ang anak niya dapat ang kasama ko.

Oh, Kate, bayad ka nyan.

Hay!

"You were asking about my wife?"

I was looking at him, at mabilis ko rin iniwas ang tingin ko. Pinanood ko ang view sa labas kahit parang matutunaw na ako sa tahimik naming dalawa ngayon. "Uh, sir, you don't have to say anything. I know masyado po ako naging pakialamera. I am really sorry."

I heard him sighed. "She left us..."

Oh. Napatingin ako sakaniya, "Naku, sir... sorry for triggering a memory..."

He smiled, but I saw the pain in his face. "No, you did not."

"I am really sorry sir..."

"No, if we are going to apologize, then I should be the one apologizing to you..."

Ano kaya iyon? Should I ask?

"Uh, sir, why should you apologize? Wala naman po kayong ginawa..."

He looked at me intently, "About the kiss. No worries, I have no intentions of making you my other woman. My intentions that day, and today are all sincere."

Kahit malamig sa sasakyan, parang butil nang bigas na dirediretso ang pagtulo mula sa katawan ko. Pinilit kong pinunas iyon, at hilaw na ngumiti. Heck, I don't even know what to say to this man about that night.

I felt his hand on the top of my hands, "Let's just enjoy this day, Kate."


Once A DaydreamWhere stories live. Discover now