09 - Party

258 6 0
                                    

Katelyn.

"Ladies, we would love to hear your reviews about the meal, and the overall impression of the restaurant.

"Naku, Chef nakakababae ang ladies!" Malanding sagot ni Ethan.

"Perfect lahat, chef!" Si Ria.

"Napakasarap ng mga pagkain, and ang ganda ng restaurant niyo Chef!"

"Thank you, chef! Sana nagustuhan din ni Kate, noh?"

Sa gitna ng mga tawanan at hiya ko bigla silang nakatingin sakin, kahit kanina pa naman sumisilip ang mga ito sa akin para mang-asar! Hindi ko na talaga kinakaya ang mga sinasabi nila sakin!

"O-oo naman! We loved everything, thank you Chef!"

Nakita ko naman na ngumiti si Chef sa akin, "Since all of you loved the restaurant, all the meals are on the house."

"Aaaaah!" Ang apat kong kaibigan ay sabay sabay napatili at ako n aman nagulat imbes na matuwa! Pero ang bait ni Chef!

"Thank you, Chef!" Sabay sabay nilang sabi.

"Thank you po." Halos bulong nalang iyon na mukhang narinig niya pa rin dahil tumango siya sa akin.

"Babalik kami lagi rito chef kapag pesta de peligro!" Si dianne talaga!

Nagtawanan na naman sila at ako parang mapapaupo na sa hiya. Okay lang naman sana kaso ako ang palagi niya makakasama, pero palagi nga ba kasi si baby kath lang naman di ba?

"Napakabait naman talaga ni Chef tapos gwapo pa! Di ba kate?"

Halos maginit ang pisngi ko sa tanong ni Ethan sa akin! Lagot talaga ito sa akin, napakakukulit nila. Nakakahiya kay Chef naririnig kami ng mga tao. Tawa lang sila nang tawa. Hindi ba sila napapagod?

"Ladies, let's not tease kate anymore. I am doing this as well because you'll be taking care of my daughter. I am happy to know all of you because I know she will be in good hands." Tumingin ito sa akin.

Nakakatuwa naman yung sinabi ni Chef, kahit nahihiya ako I admire him as a father din talaga. He will be one of the best example of a father.

"How was your trip here?" Si Chef pa talaga ang nagserve ng tea sa akin. Tumayo ako para salubungin yon "Ako nalang po..." Umiling siya at inilapag pa rin sa bandang mesa kung saan ako uupo.

"Thank you po sa tea. Maayos po ang byahe since pinasundo niyo po ako. Hindi na nga po sana kailangan pero salamat pa rin."

"No problem, that will be our set up every time you'll visit us here." Napatango ako.

Hindi ko naman talaga inexpect as in bago palang ako umalis dito pagbaba ko ng condo nakita ko na agad si Sir Benjamin na nagaantay sa akin. Ang dami pala talagang perks while working for Chef. I will not take advantage of this, kaya nga nahihiya ako dahil sa mga kaibigan ko dahil sa mga pangaasar nila sa akin.

Kahapon nga hindi na natapos ang conversation kahit pinagsabihan ko sila. Mukhang wala talaga silang balak tumigil kaya nga napapailing nalang ako.

"Understood, sir. By the way, saan po pala si Baby Kath so we can have our screening as well para may familiarity kaming dalawa."

Syempre ang dahilan naman talaga ng pagpunta ko rito dahil kay sa anak ni Chef, at gusto kong maging maayos ang trabaho ko.

Nakatingin lang si Chef sa akin, kaya hindi ko rin alam anong ifofollow up ko.

Gusto ko na umiwas ng tingin pero hindi ko rin magawa. Something about him feels...safe. Even though my thoughts are loud, but he keeps them quiet now.

Once A DaydreamWhere stories live. Discover now