03 - Boss

393 7 0
                                    

Katelyn.

"Good morning, mga sis!" Saktong pag-akyat namin ni Liza, si Dianne agad ang nakita namin sa Locker room.

"Morning!" Sinagot din namin siya.

"Wala pa sila?" Si Liza.

Umupo muna siya habang inaantay kami ni Liza kunin ang mga gamit. "Wala pa! Pero hindi niyo ba nabasa sa gc na on the way na raw sila?"

"Anong kaganapan! Ang aga ng tsimisan huh!" Ang maingay na boses ni Ethan, ay bumulabog sa locker room.

"Ang dami mo namang dala!" Oo nga napansin ko rin.

"Si gagang Ria kasi sa bahay ko pinatabi 'tong paninda niya. Nasa parking lot na raw siya, parating na. Nakakaloka!" Maarte siyang nag-punas ng pawis, at nag-tawanan kami.

May ilang minuto pa naman para mag-ready, "Antayin na natin..." Anunsyo ni Dianne. Tumango lang din ako.

"Wow ang aga niyo naman!" Nag-tinginan kaming lahat dahil pumasok na si Ria dala ang mga iba pa niyang paninda. Lumapit ako para tulungan siya.

"Oo, ikaw ang late..." Natatawa kong sabi habang tinutulungan siya.

"Oo nga pala nalimutan ko, kumusta ka na pala bakla? Keri?" Ngumiti ako kay Ethan.

"Okay na salamat sainyo. Hindi naman kayo nakalimot, lagi niyo 'ko mine-message!" Humalakhak kaming lahat.

"Ang ingay natin, tara na. Kunin niyo na gamit niyo, sabay-sabay na tayo sa station natin..." Paalala ni Dianne.

Saktong pagka-dating ko sa pwesto ko, nandon si Christine, ang secretary ni Ms. Sy. "Good morning! Kumusta ka na, Kate?" Nabalitaan din kasi ng mga katrabaho kung anong nangyari

Well, 'yung iba lang. "Good morning! Ayos naman na, thank you sa pangangamusta..."

"Napa-rito pala ako kasi pinatatawag ka ni Ms. Sy sa office niya, now na raw. Nasabihan ka naman daw niya..." Oo nga pala! About the text!

Tumango tango ako, "Yes...yes. Hinihintay ko lang din na tawagin niya 'ko."

"Let's go..." Sumunod ako kay Christine papasok sa office ni Ms. Sy. "Ms. Sy...Good morning! Nandito na po si Kate."

"Okay, let her in. Thanks, Christine."

Tinanguan na ako ni Christine. "Thank you, Ms. Tawagin niyo lang po ako kapag may kailangan po kayo...Excuse me..." Umalis na siya, at ako naman ang pumasok.

"Good morning Ms.!"

Her face lit up when she saw me. "Finally!" Ngumiti ako sa maligaya niyang bati na parang may ibabalita siyang maganda. Medyo na-excite ako!

"How are you? I am so busy. Hindi kita nakausap. Please sit down."

"Okay lang po, nasabi naman po sa akin na busy ka...I understand. I am now fine...Thank you for the food, Ms. Sy! I appreciate them."

Masaya muli siyang tumango sa akin. "I wish your health will be maintained to be healthy. If you need anything, don't hesitate to ask." My heart felt comforted when she said that. Naalala ko ang mga bumabagabag sa akin, at naging magaan ito isipin.

People can really make you better.

"Thank you talaga, Ms..." Nahihiya kong ngiti sakaniya.

She's really nice to me, and all of the employees here. We are so lucky she's our boss.

Tumikhim ito, before she started speaking. "I have a proposal to make...I really hope you would take this." Tinitignan ko lang siya, waiting for her to continue.

Once A DaydreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon