13 - Bond

290 4 0
                                    

Katelyn.

"Uhm...I-I w-want to help..." I insisted, pinipilit ding maging matatag matapos ulit ako kahihiyan ko.

Umiling siya, at Inalalayan ako papunta sa dinning table. Pinanood ko siyang ginagawa iyon. Ramdam na ramdam ko ang pag-iingat niya sa akin. Saglit siyang tumingin sa akin, at pumunta sa kusina para magluto. Tumayo ulit ako malapit sa mesa roon para mas makita ko siya.

Tumaas ang kilay niya sa ginawa ko, pero para parin siyang natutuwa sa nakikita niya sa akin. Hindi ko na pinansin iyon, at sumubok mag-salita. "What are you going to cook?" I smiled at him. Magiging plain ang araw na ito kung hindi ako mag-sasalita. I know he's trying talk, so should I!

"Vegetarian spag." Simple nitong sagot dahil busy na siya sa pag-aayos ng mga utensils. Wow! Favorite ko iyon ah...nabasa ko rin sa book na binili sa akin ni Liza na kung saan siya ang chef na featuring doon. Medyo naging comfortable ako na busy siya sa iba kaya itutuloy ko nalang ang pagiging madaldal ko para naman hindi maging boring para sakaniya.

Gusto ko sanang maraming sabihin pero hanggang makaupo na kami para kumain, wala na ako masabi sakaniya mula kanina. Medyo tahimik kaming nagkatitigan, medyo kumalma na ang puso ko pero ganon pa rin. Hindi pa rin naman normal ang ganitong tibok.

"Let's eat..." Tumikhim siya bago niya iyon nasabi.

"Uhm, thank you sa pagkain...Actually this is my favorite..." Hindi ko alam bakit sa itsura ng mukha niya hindi siya nagulat, at mukhang gusto niya na ituloy ko pa ang balak kong sabihin.

Sinimulan na namin ang pagkain ng spag, "Nakita ko itong recipe sa magazine mo...And if I'm not mistaken, I told you that I am a fan..." Masaya kong sabi. Nakatingin lang ito, at mukhang natutuwa sa sinabi ko habang kumakain siya.

"Tinry ko rin ito, akala ko masarap na iyong akin, mas masarap pala itong sa'yo..." It's true, he's a good cook kaya ito sumikat. Now I wonder why he became famous? Sabi lang sa libro ay ang wife niya ang pumilit sakaniya sa career na ito.

"You'll improve. I'll teach you." Masaya akong tumango sakaniya. Natapos ang pagkain namin sa mga pasulyap sulyap ko sakaniya. Kahit hindi nagsasalita, medyo komportable naman ako ngayon. Pinilit ko siyang ako na ang maghuhugas ng mga plato, at mabuti naman pumayag na siya.

Nakasandal siya ngayon sa lababo, at pinapanood ko. Medyo nakakaramdam na nga ako ng hiya kasi wala kaming pinag-uusapan. "I can do that, kate..." Pilit niya pa rin kahit naghuhugas na ako.

Umiling ako sakaniya, "Kaya ko rin po. Wala rin naman akong naitulong, kundi ito lang..." Ngumiti ako para mapilit kong muli siya. He sighed, at hindi na nakipagtalo. Matapos ang business namin sa kusina, sinabi niya sa akin na pumunta kaming living area at may pag-uusapan.

Mabilis akong sumunod dahil malalaki ang hakbang niya kaysa sa akin. He's a tall, and a buff man. Mukhang na-maintain niya ang katawan na mayroon siya, kahit pa may anak. Kasi ang mga lalaki, tumatabo rin kapag tumagal ang marriage. Well, it's not that I don't like it. As long as si Mr. Lucas iyon...

Shit, am I having a teenage crush at him? Pwede! You kissed remember? Hindi pa nga namin napaguusapan iyon!

Hindi natatanggal ang tingin namin sa isa't isa. I watch his eyes blink, and scanned his face...There's something familiar with him...Medyo sumakit ang ulo ko kaya ako napapikit at humawak sa sentido. "Kate!"

Punong puno nang pag-aalala ang kanyang boses...At sa tunog non ay nasa gilid ko na siya, hanggang sa naramdaman ko ang braso niyang yumakap sa akin. His warmth relaxes me, like my anxieties will go away if he just holds me like this. Huminga ako nang malalim...

Ramdam ko ang frustration niya sa pag-aalo niya sa akin. Naramdaman ko ang isang kamay niya ay kinuha ang cellphone. "Hello...Doctor Trinidad." Inangat ko ang ulo ko dahan dahan, at napatingin siya sa akin na parang nasasaktan siya sa nakikita niya.

"No...Mr. Lucas...I can manage. Please, the least thing I wanna do right now is getting medical attention." Ganoon nalang ang sinabi ko para maniwala siyang kaya ko, at nagsasawa na sa laging pagpapa-ospital. Nang hingi siya ng paumanhin, at nagpaalam sa kausap.

Mabuti naman, at nakinig siya.

Ang halos nakayakap niyang braso sa akin, ay inalalayan akong sumandal sa sofa.

Inayos niya ang buhok ko, at nakita kong nakatingin parin siya sa akin habang hawak ang aking kamay at pinipisil pisil ito. Sana'y 'wag na siyang tumigil.

"What can I do to help you ease the pain? hmm?" Para akong nahihilo, at nawawala sa sarili habang ginagawa niya sa akin 'yon. Dagdag pa ang boses niyang malambing, at ang maamong mukha na nakasilip sa akin.

Umiling ako, "I'll go get some water..." Hindi siya napatayo agad, dahil nahigpitan ko pala ang paghawak ko rin sakaniya ng kamay. Our eyes met again, and there was this electricity that connects our system.

Dahan dahan akong bumitaw, at umayos ng upo. Iniwas ko ang tingin ko, at mabilis siyang nakakuha ng tubig. "Here..." Abot niya ng warm water sa akin. Uminom ako ron, at ipapatong ko sana ang baso sa mesa, pero nakuha niya iyon.

Mabilis namang natapos ang araw, at ang ganap kay Chef ay sa susunod ko na ikukwento kay Liza, at sa mga kaibigan namin. May pasok na ulit ako bukas kahit dito lang naman sa building na ito.

Naisip kong hawakan ang cellphone ko, at nakita ang maraming text ni Mr. Lucas. Medyo gumanda naman ang pakiramdam ko sa nakita ko.

'I hope you already ate your dinner. I just finished mine.'

'I'll pick you in the front of your door. 11 AM.'

'Are you busy?'

I smiled, and typed a reply.

'Hello, Mr. Lucas. Good evening! Ngayon ko lang nahawakan ang cellphone ko. See you tomorrow. (:'

Nagulat ako dahil tumunog ang cellphone ko,

'Okay. Are you on bed?'

Uminit ang pakiramdam ko dahil sa tanong niya. What am I thinking?

'Yes. Trying to sleep. Are you sleepy?'

That reply isn't too much, right?

Biglang nag flash sa screen ang pangalan ni Sir. Tumatawag.

"Hello..."

"y-yes...Hello?" Ako. My mind went blank. I am speechless.

"I just want to say good night..." He said huskily. Ano kaya ang pakiramdam kung kaharap ko siya sa kama na sinasabi iyan? Fuck, I need to control myself.

"O-okay...Good night..." Narinig ko lang ang buntong hininga niya.

"Is there anything else, Sir?" I asked. Baka kasi he will find it rude kung i-eend ko ang call.

"None."

"Okay, sir...Thank you, and Good night...I'll end this call." Hindi na siya sumagot, at nagbilang ako ng five seconds bago ibaba iyon.

Why am I doing this?

Once A DaydreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon