02 - The chef

405 10 0
                                    

Katelyn.

Lumingon ako sa kung saan siya galing, at nakita kong may nagtatakbuhan na mga tao. Nag-sisigawan pa sila! "Chef! Chef! Chef!"

Napa-atras ako dahil mamaya maging cause ito ng stampede! 'Yung mga tao sa paligid namin, nagtinginan na rin sa banda namin. He looks tired, base sa pawis niya.

"I'm sorry!" Pinanood ko 'tong tumakbo. I can't believe it. Nakakita ako ng sikat na tao? Pero bakit hindi ko siya kilala?

'Yung kakainin pala namin! Kailangan ko na bumili!

"Maraming sikat na Chef, kaya hindi ko sigurado kung sino 'yon." Si Ethan. Kumakain na kami ngayon sa favorite table namin, at napa-tanong ako sakanila sa sobrang curious. I mean, pwede naman 'yon dahil magiging proud ako kung sikat talaga siya...Bihira lang 'yon sa buhay.

"Gwapo ba? Sana ako nalang pala bumili ng Lunch natin..." Binatukan ni Ria si Liza dahil sa sinabi, nagtawanan naman kaming lahat.

"Parang kanina lang halos mag-misa ka na para lang manalo ka sa laro natin..."

"Don't talk when your mouth is full!" Ang sakit na ng tyan ko katatawa dahil sumagot si Dianne sa sinabi ni Ria!

Madali lang kami nag-kwentuhan dahil mabilis lang din ang naging Lunch namin. Siguro, ittry ko nalang siyang i-search kapag naka-uwi na 'ko.

"Oh! Mr. Yuan! Kayo po pala, bibisitahin niyo po si Ms. Sy?" Ito 'yung pamangkin ng boss namin, kilala siya rito dahil nakiki-halubilo siya sa mga ka-trabaho namin.

Napa-kamot ito ng batok, "Naka-daan na. Actually, hindi siya ang sadya ko. Ikaw..." Huh? Ba't ako?

"Ihahatid sana kita sainyo..." Hindi na 'ko naka-sagot kanina, mas lalo naman ngayon. Ilang beses na siyang sumubok nang ganito, pero hindi ko pinapayagan.

"Sis...Sabay-" Napalingon ako dahil dumating pa si Liza!

"Sige kita nalang tayo sainyo, may sasabihin ako..." Natatawa siya habang sinasabi 'yon, "Good evening, Sir!"

"Hello...Good evening! Pwede ka namang sumab-"

"Nako! No thanks po! Kaya ko na pala mag-isa bigla!" Huh? Seryoso ba siyang hindi niya ako iligtas sa sitwasyon na 'to? Nilakihan ko siya nang mata, pero ngumiti lang sa'kin si Liza.

Ayoko lang kasi na umasa siya kapag pumayag ako sa gusto niya. Ayoko naman talagang magpa-ligaw...

"'Wag mo isipin na ginagawa ko 'to para sagutin mo 'ko...Kaya sana pumayag ka na..." Umalis na si Liza, nahihiya akong tanggihan siya kahit ilang beses ko nang nagawa. Syempre Tita niya ang boss ko sino bang magiging comfortable?

Huminga ako nang malalim, "Pasensya ka na...Mas gusto ko na umuwi nalang mag-isa...Salamat po ulit sa offer, Sir...Ingat po." Nilampasan ko na siya para pumuntang locker room. Nakaka-guilty pero hindi talaga, ayoko.

Out na namin kaya kailangan ko nalang kunin ang mga gamit ko dito. Lagot 'to sa'kin si Liza, iniwan ako!

Naka-hinga ako nang mas maayos nung wala na rin si Sir Yuan...Aba't talagang umalis na rin sila Ethan?! Hindi man lang ako inantay!

Narinig kong tumunog ang ringtone ng message ko,

Ria: Ingat sa date, dzai...

(Photo.)

Nag-send pa ng groupfie nila. Kainis!

Me: Iniwan niyo 'ko!

Dianne: Mahaba naman hair mo!

Ethan: Vhaklang thwo!

Liza: See u hihi

Me: Anong klase kayong mga kaibigan?

Once A DaydreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon