05 - Awkwardness

276 5 0
                                    

Katelyn.

I saw the text from the company na hindi muna ako papasok ngayon. I wonder why? They assured me na mag-pahinga lang ako, at with pay naman daw. Medyo weird siya pero naka-receive rin kasi ako sa mga kaibigan ko na mag-pahinga lang daw ako?

Sinabi kaya ni Liza kung anong nangyari sa'kin?

Nag-text din si Liza na mag-jo-jogging lang siya. Bakit hindi siya pumasok? Huminga ako nang malalim, dahil ang dami ko na namang iniisip.

Mag-luto nalang ako ng pagkain namin ni Liza.

I tried to distract myself from my thoughts. Baka masobrahan na naman ako.

"Mabuti naman at nakauwi ka na. Katatapos ko lang mag luto." Liza kissed my cheek, as a greeting. Tinignan ko siya nang mabuti, saan kaya nagpunta ito?

"Wow! Nilaga! Favorite! Thank you, sis!" Humalakhak siya.

"Sinabi mo ba sa opisina ang nangyari sa'kin?" Napatigil siya sa pag-inom ng tubig, at umiling.

"Kila Ethan lang..." Tawa tawa pa siya e...

"Mag-aalala lang lalo 'yon...."

Ngumiti siya sa'kin, "Kaya nga nandito ako. Hindi ko lang sigurado kung bakit pati ako hindi na pinapasok ni Ms. Sy." Nagkibit balikat siya.

Sige na nga, pasasalamatan ko nalang sila kapag pumasok na ako ulit. "Kumusta ang nararamdaman mo?"

Thank God Liza came, hindi niya na ako pinilit mag-kwento, at hinayaan ako mag-pahinga. "Ayos na...About yesterday."

Kumakain siya, at sumilip sa'kin, "Si Chef Lucas ang parent nung baby na aalagaan ko."

Halos maluwa niya ang kinakain niya dahil sa narinig, "Wha-"

"Ang galing nga e. I am so shocked yesterday kaya hindi ko kayo nabalitaan."

Dinaldal niya pa ako, at sinabi sa GC na may pag-uusapan kami kapag free na ako. Natuwa ako dahil na-distract talaga ako sa pag-iisip ng mga kung ano-ano.

Meeting your idol is the best feeling ever, but I never expected that i would have a chance to work for him! Kaya hindi talaga ako makapaniwala!

"I am so proud of you. Balang araw you will have a segment on tv! Nakikilala ka na paunti-unti sa ibang bansa dahil sa pagluluto mo...You are doing great." Malambing kong sabi sakan'ya.

He kissed my lips, "Love...You are turning me on in the way you say your praises for me."

We both laugh, and continued kissing.

Ang bilis ko na naman nakalimutan kung ano 'yung napanaginipan ko...May oras pa naman ako 'di ba? Baka kasi I am missing out on things dahil nakalimutan ko ang isang parte ng buhay ko. I shook my head.

Kanina ko pa iniisip 'yan simula pagka-gising ko. Hayaan ko na nga, baka malate ako.

Ngayon ang first day ng under observation ko. Papunta ako sa Bahay nila Mr. Bautista. Hindi ko naman alam na Mansion pala 'to...Ano pa bang i-eexpect ko sa sikat na Chef?

"Good morning, Ma'am..." Bati ng lalaking nagbukas ng gate sa akin.

Mukhang expected ako rito, dahil hindi sila nagtanong. Nonetheless, I told him my intention, "Good morning!" I happily greeted him. "I am from Baby Inc." I showed him my ID. "I will be the one who'll handle Mr. Bautista's daughter, Kath..." Tumango lamang ito.

"This way ma'am..." Hindi ko alam pero may isa ulit sumalubong na babae, na nasenyasan ni kuyang taga bantay, at iniwan ako sakan'ya. "Ma'am Good morning po..." Ako sana ang unang babati, nauna na siya. Binati ko rin ito pabalik.

As usual, I said my intentions, about going inside this house. Sa lahat ng mga taong nakasalauha ko. Wala pang lumalabas na kath, and Mr. Lucas. Though he left a message earlier na male-late siya sa dami niyang kailangan gawin.

The interiors inside this house is exactly my style. Knakabahan nalang if I'll be able to do my job well. Kadikit ko ang pangalan ng kompanya namin. I need to be at my best.

The modern style of the house, relaxes my mind. Ganitong ganito ang gusto kong itsura ng magiging bahay ko. Mukhang naghahanda ang mga tao sa pagbaba ng babaeng anak. Wala akong nakitang ibang tao bukod lang sakanila.

Lalapitan ko sana ang mga litrato sa dingding nang may marinig akong pamilyar na boses na nagpatibok ng puso nang malakas. "Good morning, Kate..." In a low voice he greeted. Medyo malayo pa siya sa akin, nang lumingon ako.

I made myself ready to formally smile at him, but my exaggerated self was too excited to see him so I can't help to smile widely. "Good morning, Mr. Bautista!"

"It's nice that you're early...Did you have a nice sleep?"

I nodded at him, "I really looked forward for this day, Sir." And, suddenly I want to compliment his house. "You have a nice home..." I don't know if it's just me, but I saw a brief pained expression on his face. Still, he put on a straight face, and smiled.

"The design, and almost everything was my wife's idea." Ang sinabi nyang iyon ay parang pamilyar na pamilyar sa akin...

Na naging dahilan ng pag sakit ng kaunti ng ulo ko, pero hindi iyon ang ikinabahala ko, kung hindi ang malakas na tibok ng puso ko. Nag-seselos ba ako?

Sinabi ko naman sakan'ya na may boyfriend ako 'di ba... Hindi ako magiging halata...

"Would you like to eat?"

Narito na kami ngayon sa filipino restaurant upang mag breakfast gaya ng sabi ni Lucas, gusto niya raw akong itreat. I don't understand why did he made me come in to his house, if her daughter is not around? He said that her daughter is in their mansion in Leyte. Where her grandparents are living. Namiss daw gaya ng sabi nya.

But, my conscience said that maybe he'd like to see you first before interacting with her daughter inside their house. For what though? Well, I understand.

Ang magulang natural lang maging protective sa anak nila.

"Longsilong, with a glass of milk...Plus water." He watched me, as I say my order. Hindi ko rin alam paano niya ako napapayag, dahil din siguro wala ako sa sarili pagkalabas ng bahay sa nasabi niya sa akin. What is happening to me?

After he said our order, kahit maingay sa loob ng kainan, nanatiling awkward at nakakabingi ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Lalo na ngayon, nakatingin lamang siya sa akin. Pakiramdam ko pati ang paglunok ko, sinusundan niya nang tingin. Ako naman Diretso ang ayos ng upo ko paharap sakan'ya, ngunit ang mata ko sa gilid nakatingin.

Pagkatapos mahatid ang order sa amin, at habang ginagawa iyon, doon lamang ako nakahinga! Whew! Come on, kate...Speak to him, kaso ano namang sasabihin ko?

"Salamat po sa pagkain..." Mahina kong bulong na mukha namang narinig niya habang kumakain din siya. Tumango lang ito sa akin.

Eh ayaw naman niyang sumagot...

Hanggang matapos ko ang pagkain hindi pa rin kami naguusap.

Once A DaydreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon