Chapter Twenty Five: Tuluyang Paghilom

1.8K 42 7
                                    

Ginny POV

Sa tuwing pinagmamasdan ko ang anak kong si Martin, pakiramdam ko ay ako na ang pinakamaligayang tao sa mundo. Kay sarap niyang titigan, at malaman kung ano ang susunod niyang gagawin, ano ang susunod niyang hakbang. Mahigit isang taon na ang nakakalipas mula nang iniluwal ko siya sa mundong ito, hindi ko akalain na ang taong magdudulot sa akin ng matinding sugat at sakit, ay siya ring magbibigay sa akin ng biyaya. Isang taon na lang at magtatapos na rin ako sa kursong kinukuha ko, hindi madali ang pagsabayin ang pag-aaral at pag-aaruga ng pamilya, pero laging buo ang suporta ni Jordan kaya tila wala na rin akong mahihiling pa. May kolehiyo sa Nueva Ecija kung saan ko pinagpapatuloy ang pag-aaral ko. Bumibisita lamang ako ng Cavite kung kailangan kong bisitahin sina Lola at si ate Nina. Sa kabilang banda, natuloy naman ang pagluwas ni Mama patungo sa Amerika. Miss ko na siya, pero aabutin pa raw ng isang taon bago siya makakuha ng leave para makapagbakasyon muli sa Pinas. Nakikita kong masaya naman si Mama dahil nung isang araw na tumawag siya ay nagkuwento siya sa akin na meron siyang nakaka-date. Siguro pakiramdam niya ay mas malaya na siya dahil hindi na rin niya ako kailangan pag-aralin, sinasagot naman ni Jordan ang pagpasok ko sa kolehiyo kahit pa sinabi ko sa kanya nung una na hindi naman kailangan. Sinisikap ko na lamang na tulungan siya sa pamamalakad ng hacienda kapag may libreng oras ako. 

Hindi naging madali ang makisamang muli sa pamilya ni Jordan pero nakikita ko naman na pinipilit nila para magkaroon ng kapayapaan dito sa bahay. Masaya sila sa pagdating ni Martin, aliw na aliw ang mga kasambahay at manggagawa ng hacienda sa kanya, pero kung meron mang tumatakbo sa kanilang mga isip ay hindi naman nila napapahalata. 

"Sweetheart, magpahinga ka na. Ako naman dito kay baby," sabi ni Martin pagpasok niya ng kwarto. Alas otso na ng gabi at katatapos lang namin maghapunan. 

"Huwag kang mag-alala, napatulog ko na naman si baby. Ikaw ang dapat na magpahinga dahil buong araw kang nasa labas, kumusta ang harvest?"

"Hindi pa rin kami tapos hanggang ngayon, mukhang kakailanganin namin bukas ng mas maraming tao." Lumapit ako sa kanya at tinulungan siyang tanggalin ang puting polo niya na balot ng pawis at alikabok. Kinuha ko ang basang tuwalya at pinunasan ang kanyang likod. Nang magdami ang aming mga balat ay nagbigay ito ng kakaibang sensasyon, isang pamilyar at mainit na sensasyon. 

"Sa tingin ko ay oras na para mag-shower ka. Diyan ka lang at bubuksan ko ang heater at pupunuin ang bath tub." Tumungo ako sa banyo at ini-on ang heater. Binuksan ko ang shower at pinakiramdaman ang tubig, saka ito tinapat sa tub. 

Mula sa labas ay narinig ko siyang magsalita, "Sweetheart, you don't need to do all of these. Pagod ka na kay baby, and besides I can do this by myself." Lumapit ako sa kanya at ipinalibot ang aking mga braso sa kanyang leeg, malumanay ko siyang isinayaw habang nakatitig sa mga mata niya. Hindi siya umimik at sa halip ay ginantihan rin ako ng titig. Bakit ba ang amo ng kanyang mga mata? Tila pinaghalo ang kapilyuhan at pagiging maginoo ang kanyang mukha, tila diyos naman ang kanyang pangangatawan na siyang naging epekto ng pagtulong sa mga manggagawa ng hacienda. At kahit pa kupas na ang kanyang pantalon ay hindi niya ito alintana, para sa akin ay isa siyang anghel na naligaw dito sa lupa. Maya maya at nagsalita siyang muli, "Tell me what's on your mind?"

"Iniisip ko lang na kung gaano ako kasuwerte dahil ikaw ang narito sa tabi ko. Ikaw? Anong iniisip mo?"

"I'm thinking the same. How I'm so lucky to have this wonderful woman in front of me right now. You are my lucky charm, ever since you came into my life, life has given me the meaning and motivation to push through."

"Minsan, ang tadhana mismo ang nagtutulak sa atin para magkasama tayo."

"How can I forget those eyes when I saw you in the library? How can I forget those lips when I bumped into you in the bus? God, I love every inch of you," napatawa ako sa sinabi niya. "And why are you laughing?"

Sakit ng KahaponWhere stories live. Discover now