Chapter Sixteen: Isa pang Pagkakataon

1.2K 37 7
                                    

     Hindi malaman ni Lorenz kung ano ang dapat niyang gawin. Ilang araw na siyang naglalasing at hindi lumalabas sa loob ng kanyang kwarto. Ilang beses na rin niyang nasuntok ang pader dahil sa galit at pagsisisi sa kanyang puso. Nasa kanya na si Ginny noon, bakit siya naduwag na ipaglaban ito sa kanyang sarili? Ilang kaha ng sigarilyo na ba ang naubos niya, at ilang tawag sa telepono ni Ginny ang kanyang nagawa, paulit ulit din niyang naririnig ang boses ng operator na nagsasabing nagpalit na ng numero ang may-ari ng numerong kanina pa niya dina-dial. 

     Sino ba kasi ang lalakeng 'yon, at bakit kay bilis naman niya akong ipagpalit?  Magkakapamilya na sana kami, pero pinakawalan ko pa siya. Wala kang kuwentang tao Lorenz!!!

     Nasa ganoong pag-iisip siya nang katukin siya ng kanyang ina sa kwarto. "Anak Renz, okay ka lang ba diyan? Papasukin mo muna si Mommy." Hindi umimik si Laurence. Bakit sa pagkakataong ito ay tila nagkakaroon na ng pakialam ang kanyang Ina sa kanya? May kaya sa buhay at may pangalang inaalagaan ang pamilya ni Lorenz. Ang pamilyang Morales ay kilala sa mundo ng politika, ang kanyang Ina ay isang senadora, samantalang ang kanyang Ama naman ay isang congressman. 

     "Mom, I want to be alone, please," maya maya ay tugon ni Lorenz. 

     "Bakit sabi ni Joana sa akin ay ilang araw ka nang hindi lumalabas ng kwarto mo? Please, let me see you, my son. Open the door," mahinahong sabi ni Belinda. Wala nang nagawa si Lorenz kung hindi ang pagbuksan ng pinto ang kanyang ina. Pinapasok niya ito sa kanyang malawak, ngunit magulong silid. Pinilit itago ni Belinda ang pagkadismaya sa nakita, sa pagkakataong ito ay hindi niya pagagalitan ang kanyang anak. Mas kailangan ng anak niya ang kanyang tulong, at hindi ito ang tamang oras para pagalitan siya dahil sa magulong silid. Niyakap niya agad ang anak at tiningnan ng mabuti ang mukha nito. Kitang kita niya ang namumugtong mga mata at nalanghap niya agad ang alak na siyang ininom nito. "Now, what's the problem of my unico hijo?"

     "I fell in love Mom, and I made a mistake. I let her go and now that I want to take her back, pero ayaw na niya." Napaupo ang mag-ina sa gilid ng kama. "I have made  a big mistake." Kinuwento ni Lorenz ang buong pangyayari habang tahimik lamang na nakikinig si Belinda. Inaamin ni Belinda na hindi sa lahat ng oras ay lagi siyang naroroon para sa kanyang anak, ngunit kung may isang pagkakataon man na gusto niyang patunayan sa kanyang anak na mahal niya ito, ay ito na iyon. Napabuntong hininga siya nang marinig na nakabuntis ito, subalit nanlumo rin siya nang malaman ang sinapit ng relasyon. "And it's too late that I have realized that I do love her." pagtatapos ni Lorenz. Sinubukan niyang lumagok muli ng alak pero pinigilan na siya ng Ina. 

     "Stop it hijo. Alcohol will not help you take her back. Ang dapat mong gawin ngayon ay ayusin ang sarili mo. You have to show Ginny that you really love her, because so far sa mga kinuwento mo sa akin, you have not really proven anything to her yet at kahit ako man ang nasa kalagayan niya ay tatanggihan din kita. You have to tell her the truth, ang tunay na dahilan kung bakit ka naduwag, na may inaalagaan kang pangalan."

     "Mom, what if the media finds out? Pagpipiyestahan nila ang pangalan natin."

     "No hijo. They can say whatever they want, but you should not care what other people think. You have to do what is right and claim your right as the father of the child. Hindi ko akalain na lola na pala ako," tugon ni Belinda na may ngiti. 



     Isang katok ang nagpagising kay Ginny nang umagang iyon. Napatingin siya sa may orasan at nakitang alas diez na pala, tinanghali na naman siya sa paggising dahil sa pagpupuyat kaka-review kagabi. "Ma'am Ginny, si Agatha po ito. Pasensya na po sa paggising ko sa inyo, may bisita po kayo sa baba." Napakunot ng noo si Ginny, nag-unat at saka naglakad patungo sa may pintuan. Malaki na nag kanyang tiyan kaya naman medyo hirap na rin siya maglakad. Pagbukas niya ng pintuan ay bumungad ang mukha ni Agatha na tila nag-aalala. 

Sakit ng KahaponWhere stories live. Discover now