Chapter Fourteen: Ang Nakaraan sa Kasalukuyan

1.4K 19 0
                                    

     Naging abala si Ginny nang mga sumunod na araw, nakapag-enroll siya sa isang online class para kahit hindi siya nakakapasok sa eskwelahan ay hindi pa rin siya mapag-iiwanan. Nagpalit na rin siya ng SIM card na dapat ay matagal na rin niyang ginawa. Ngunit kahit pa anong gawin niya ay hindi pa rin niya maiwasang isipin ang huling mensahe ni Lorenz, kung saan inamin na nito na wala talaga itong pamilya, na naduwag lang pala ito kaya nagsinungaling sa kanya. At ngayon daw ay handa na ito. Halos mabaliw siya sa kakaisip. Isipin pa lang niya na maghihiwalay sila ni Jordan ay nasasaktan na siya, dahil oo, mahal na niya ito. Mahal na mahal. Pero tama ba na manatili pa siya dito? 

     "May problema ba sweetheart?" anito sa kanya, isang umaga habang nagbibihis ito. Kagagaling lang nito sa may banyo, bagong ligo, nakatapis pa ang ibabang bahagi nito ng tuwalya. Lumapit ito sa kanya at saka siya hinagkan sa tabi ng labi niya. Sa halik na iyon ay tila ba nanalaytay na naman ang isang uri ng kuryente sa kanyang buong katawan. "Kanina ka pa tulala? Parang ang lalim ng iniisip mo."

     Hindi siya agad nakatugon, sa halip ay dinama ni Ginny ang braso nito, hinaplos mula sa taas hanggang sa baba. "Sino bang hindi matutulala sa katulad mo Jordan? Sa tuwing tinitingnan kita, para akong nasa langit. Ngayon ko lang na-realize na ang napakaswerte ko sa'yo."

     "Lumabas lang ako ng banyo, ayan na agad ang sinasabi mo. Ano, sabi ko sa'yo eh, mai-inlove din tayo sa isa't isa. I'm so glad we took the chance, I have never fallen in-love as hard as this."

     "Paano kung gaano tayo kabilis ma-inlove sa isa't isa, ganoon din tayo kabilis ma-fall out of love? Minsan, hindi ko maiwasan na mag-isip, natatakot ako." Dahan dahan siyang ihiniga ni Jordan sa may kama, habang ang kanang kamay naman nito ay tinanggal ang tuwalyang nakapalibot sa ibaba nito. 

     "Do you think I'm going to believe that? That day won't come sweetheart," bulong nito sa tainga niya. "We will grow old together, papatunayan natin na may forever. Magkakaroon tayo ng maraming anak, you know why? 'Cause we're going to make love every day of our fucking lives..." 

     "You're unbeliev-" Hindi na natapos ni Ginny ang mga sasabihin niya dahil sinunggaban na siya agad ng halik ni Jordan, halik na humihimay ng kanyang pagkatao. Lunod na lunod siya sa bawat halik at yakap ng asawa, at pansamantala ay nakalimutan niya ang kanyang mga problema. 


     Nang sumunod na buwan ay napagdesisyunan ni Ginny na bisitahin ang kanyang Lola Malyn. Abala si Jordan sa hacienda kaya naman labag man sa kalooban niya, ay pinayagan na rin niya si Ginny. Dalawang gabi lang naman mawawala ang nobya. Masayang masaya si Ginny dahil sa wakas ay makikita na niyang muli ang Lola, ang kanyang ate Nina at ang pamangkin nitong si Gigi na kahit halos araw araw naman niya nakakausap sa telepono, ay mas nanaisin pa rin niyang makita ito sa personal. Pinahatid siya sa driver ng hacienda na si Mang Kanor. 

     Nasurpresa nga ang matanda sa pagdating ni Ginny. Laking galak nitong hinagkan ang apo at kinumusta. "Mabuti naman at pinayagan kang bumiyahe dito apo. Sobrang na-miss kita!" 

     "Pasensya na po kayo Lola kung tumagal ng dalawang buwan na hindi ako nakakadalaw. Abala sa Hacienda si Jordan, habang ako naman ay nag-aaral online para hindi naman ako mapag-iwanan." tugon ni Ginny. Sa sala ay nadatnan niya ang kanyang Ate na kasalukuyang nagluluto ng turon, na siyang balak ilako nito sa hapon. 

     "Mabuting balita at nag-aaral ka nang muli!" 

     "Lumalaki na rin ang tiyan mo Ginny. Halatang halata na, aba!" masayang sabi ni Nina. "Kailan ka ba manganganak?"

     "6 months na siya ate, naka due siya ngayong September." nakangiting sagot ni Ginny. "Magkakaroon ka na rin ng pamangkin, sa wakas!" 

     "Magkakaroon na rin ng kalaro itong si Gigi."

Sakit ng KahaponHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin