15 // Talked Back to Death

204K 4K 1.4K
                                    

"Sometimes it isn't fighting that's brave, its facing the death you know is coming."
— Veronica Roth

~ ~ ~

“N-nababaliw na ba ako?”

Actually, unti-unti nang natatanggap ni Ces ang isang teoryang nabuo sa kanyang isipan—na nababaliw na siya ngayon mismo. Sino ba naman kasing hindi mababaliw kung nakakakita siya ng mga bagay na dapat ay hindi niya makita—lalo na't dalawa na tao—o kamatayan na nagpapahiwatig na wala na siya sa tamang katinuan.

“Ako yata ang nababaliw dito,” sambit ng isang batang lalaki na siguro ay nasa edad na pito na kasusulpot lang ilang minuto ang nakararaan. Hinihimas nito ang kanyang noo gamit ang kanyang kanang kamay na parang stressed ito habang ang kabilang kamay naman ay yakap-yakap ang isang teddy bear. “Paano niya tayo nakikita, Ash?” pagtatanong ng bata kay Ash.

“Aba, ewan ko! Sabi ko naman sa'yo nakikita niya ako, e,” pagpapaliwanag ni Ash. Sabay na tumingin sina Ash at ng batang tinatawag niyang boss kay Ces. Hindi nila ma-gets kung paano nangyaring nakikita sila ng isang tao.

Mas lalong hindi nage-gets ni Ces ang lahat ng pangyayari.

Iniayos ni Boss ang kanyang suot na pajamas na kulay pale green at may print na teddy bears. Tumingin siya kay Ces nang matalim ang mga mata na siyang nagpakilabot sa buong katawan ng dalaga. This boss had this cute face lalo na't mukha siyang seven years old lang pero kung makatingin ito—mas nakakatakot kay Ash. Parang mas. . .mas mukhang kamatayan.

Kaya siguro “boss” ang tawag sa batang ito.

Umikot si Boss sa kinatatayuan ni Ces, looking at her from head to toe na para bang ine-examine nito ang buong pagkatao ni Ces. Tumigil ito sa harap ng dalaga, hindi pa rin inaalis ang pagkakatitig sa kanya. Hindi naman malaman ni Ces ang dapat i-react dahil hanggang ngayon, pakiramdam niya ay niloloko pa siya ng kanyang mga mata.

Basta ang alam niya, kinikilabutan siya. . .for this scene right in front of her was beyond reality.

“Ash, kunin mo na kaluluwa ng lalaking 'yan para makaalis na tayo,” utos ni Boss nang hindi inaalis ang tingin kay Ces. Mula sa peripheral vision ng dalaga, nakita niya ang biglang pagliwanag ng kamay ni Ash at out of thin air, lumabas ang isang malaking scythe.

Nang itutusok na ni Ash ang talim ng kanyang scythe sa may bandang puso ni Lyle para kunin ang kaluluwa nito, nagulat siya nang hindi niya ito maipasok sa katawan ng binata na para bang may force field na pumipigil sa kanyang ginagawa. Ilang ulit niyang binalak ipasok ang talim sa katawan ng binata pero hindi talaga, ayaw talaga. Tumingin siya kay Boss na nakatingin lang sa ginagawa niya. “Hindi ko makuha 'yung kaluluwa niya!”

“Bitiwan mo na siya.” Mahinang bulong pero tila pumasok sa sistema ni Ces ang salitang binitawan ni Boss. Nakakaramdam pa rin siya ng takot pero nakikita ni Boss na hindi nagpapatinag ang dalaga. Nagtataka naman si Ash dahil ang nakikita lang niya ay isang Ces na umiiyak nang tahimik, pero bakit. . . bakit parang may kakaibang aura ang nababalot sa dalaga? “Kailangan naming makuha ang kaluluwa niya.”

That Twisted Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon