59 - Her past self

38K 833 39
                                    

Years ago

"Uy Coleen, ikaw na yung bahala ha?"

"Coleen, pwede bang ikaw na lang yung gumawa nung pinapasubmit ni teacher?"

"Coleen, hindi ko nagawa yung assigned sa group natin. Pwede bang ikaw na lang yung gumawa?"

"Coleen, pwede ipagsulat mo ako?"

"Uy Coleen, anung sagot mo sa number 3? Pwedeng patingin?"

"Coleen, pwedeng akin na lang yung project mo?"

"Pwedeng libre mo na lang ako nung xerox, Coleen?"

"Uy Coleen, paano ba yung ginawa mo? Pwedeng pagawa din ako?"

"Anung sinulat mo Coleen sa essay? Pwede pagaya? Irerephrase ko naman eh!"

"Coleen, akin na lang yung pagkain mo ha? Pwede ba?"

Marami pa yon... at.. lahat yun... sinagot ko ng "Ah sige".

That was back before -- nung elem ako. Kung kelan, ako.. Ay isang, "plastic". Isang.. Taong hindi maalam umimik pabalik. Taong hindi maalam mangatwiran. Taong hindi maalam tumanggi. Isang taong.. Ginagamit.

"Kay Coleen mo na lang yan ipagawa! Gagawin n'ya yun! Uto uto naman yun eh!"

Yan yung narinig ko nung papasok ako ng room nung grade 6 ako. Malapit ng ag graduation non. Nasaktan ako nun. Nakita naman nila ako nun na nakatayo sa pinto. Napatigil naman sila pero,

"Uy andyan na pala si Coleen! Coleen, baka daw pwedeng gawin mo daw yung kung anung ginawa mo sa lamp shade mo para umilaw? Ayaw umilaw nung kay Bea eh!"

Napahawak ako ng mahigpit sa strap ng bag ko. Gusto kong tumanggi. Kailangan kong tumanggi. Hindi ako uto-uto... Nakatingin sila sa'kin, hinihintay nila yung sagot ko,

"Ah.. Sige"

Pero yun pa rin yung lumabas mula sa bibig ko.

Napansin ko naman ang konting pagtawa nung iba sa kanilang mga labi. Siguro iniisip nila, oo nga.. Uto uto nga.. Ako.

Nung grumaduate naman ako ng elementary, sabi ko, magbabago na ako. Di na ko matatakot sabihin yung mga gusto kong sabihin. Pero, akala ko madali lang yun. Sobrang hirap pala.

Nagkaron ako ng babaeng seatmate nung 1st year ako. Si Hannah.

"Coleen, samahan mo ako sa CR! Pwede?"

Yan yung una n'yang request sa'kin. Akala ko gusto n'ya akong maging kaibigan.. Yun pala, gagamitin n'ya lang din ako.

Ako yung gumagawa ng assignments, projects at kung anu ano pang requirements n'ya habang s'ya ay laging excused sa klase dahil myembro s'ya ng Dance Troupe. Ako din yung kumokopya ng mga notes para sa kanya. At naranasan ko na ring habulin ang mga guro para lang mahabol yung project n'ya, na ginawa ko.

Pero... Ang hindi ko lang matanggap, ay naging Top 1 s'ya dahil exempted s'ya sa mga exams habang ako naman, top 8. Umiyak ako non. Nasaktan. Muntik ko ng sabihin kay Mama na may gumagamit sa'kin. Pero, parang hindi ko masabi. Ginagawa ko kasi eh, kasalanan ko.

ClassmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon