9 - Sino nga ba yun?

106K 2.2K 331
                                    

"Nasaktan ka kaya pinipilit mong paniwalain ang sarili mong gusto mo sya"

Tiningnan ko si Kristel. Nasa library kasi kami ngayon at sinabi ko sa kanyang baka gusto ko na si Jonas at naka-move on na ata ako kay Kyle though di kami naging mag-bf-gf.

"Hoy asawa" narinig ko si Jonas habang hawak yung notebook nya.

"Di ka ba tutulong sa paggawa ng research?" tanong nya sa'kin.

Ngumiti ako kay Kristel at saka tumayo na. Ba't kasi ibang group si Kristel? Oo, siguro dati gusto kong maka-group si Kyle pero parang ayoko na.

Hinawakan ako ni Jonas sa may balikat habang napunta dun sa table kung nasan si Kyle.

Ba't kasi itong group na napuntahan ko ay ito?! Ba't tatatlo lang kami? At totoo nga kayang.. Kaya ko medyo nagugustuhan si Jonas ay dahil gusto ko ng kalimutan si Kyle at pinipilit ito?

Walang umiimik. Si Jonas ay nagsusulat para sa Related Literature habang si Kyle ay nagbabasa ng iba pang libro. Ako naman ay nagbabasa din. Buti na lang katabi ko si Jonas pero sana pala, pinili ko na lang na katabi si Kyle para hindi awkward lalo na dahil kaharap ko sya.

Nagtataka lang ako sa sarili ko kung nakit ko ba pinahihirapan sarili ko. In the first place, wala syang gusto sa'kin.

"Ok! Finished! May nahanap pa ba kayo?" si Jonas na nag stre-strech ng braso.

"Wala" sagot naman ni Kyle.

"Wala din" sagot ko.

"Humanap na nga lang ulit kayo ng libro habang ini-iscan ko ulit tong mga to" sabi ni Jonas sabay kuha ng mga libro at pinalapit sa kanya.

Unang tumayo si Kyle at pumunta na sa may bookshelves.

Tatayo na sana ako ng hawakan ni Jonas ang kamay ko. Nabigla ko dun dahil ang lamig ng kamay nya.

"May gusto ka ba kay Kyle?" tanong nya sa'kin na ikinabigla ko.

"Hi papa!"

Napatingin kami ni Jonas dun kay Vanessa.

"Etong mga to! Makatingin!" dagdag naman nya.

"Alis nga Von!" inis na sabi ni Jonas.

"Tsk tsk! Pinapaalala ko lang kay Coleen yung utang nyang CD ng Super Junior!" Vanessa sabay flip ng hair kahit wala syang hair. If you know what I mean.

Thanks kay Vanessa! I was saved! Phew.

"O sya, hanap ka na lang dun. Ayoko marinig yung sagot."

Nagsusungit ba sya?

"Eh Jonas.. May.. Gusto ka ba sa'kin?" tanong ko.

Ang bilis ng tibok ng puso ko habang inaantay yung sagot. Mahal ko ba sya o dahil first time ko itong tanungin sa lalaki kaya ganun?

ClassmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon