36 - More than words

67.6K 1.4K 137
                                    

Nagsimula na yung prom (Seniors' Ball). Nakaupo lang naman kami ni Kyle sa pang animang upuang pabilog habang nagsasalita yung mga MCs.

Tingin lang naman sa'kin ng tingin si Kyle. Nagnanakaw ng mga tingin sa'kin. Natatawa na lang ako dahil napaka-obvious nung mga ginagawa nya. Di ko na lang pinapansin at hiyaan sya sa ginagawa nya.

Hanggang sa tumugtog na't isa-isahang nagsisitayuan na ang mga lalaki upang alukin ang kani-kanilang iniirog para isayaw. Nakaupo lang naman ako't pa-kemeng kunyari'y di ko sya tinitingnan. Hanggang sa marinig ko na lamang ang pag-isod ng upuan nya't ang pa-simpleng pag ubo.

"Pwede ba kitang isayaw?" tanong nya sa'kin habang nakalahad ang mga palad nya.

Dahan-dahan kong inabot yung palad nya at tumayo. Mabagal din kaming tumungo sa kung saan nagsasayawan ang mga iba kong mga kamag-aral. Siguro alam nyang nahihirapan akong mag high heels.

Patapos na yung kanta na tumutugtog ngayon kung kaya'y iniayos muna namin yung pwesto namin bago sumabay. Habang hinihintay yung sunod na kanta'y napapansin ko ang pagtitig nya sa'kin ng matagal kung kaya'y tinitigan ko rin siya.

Matapos yon ay napatawa kami sa isa't isa kaya nawala yung pwetong iniayos namin kanina. Hanggang sa tumugtog na yung sunod na kanta:

(Now Playing: More than words - Extreme)

♩♪ Saying I love you 

Is not the words I want to hear from you ♩♪

Kinuha nya yung kamay ko't inilagay nya sa kanyang mga balikat habang nakatingin sa'kin. Di rin naman mawala ang tingin ko sa kanya.

♩♪ It's not that I want you 

 Not to say, but if you only knew ♩♪

  

Ini-hakbang nya yung paa nya kung kaya'y sumabay ako. Tahimik kaming sumasayaw ngayon habang nakatingin sa isa't isa.

  

♩♪ How easy it would be to show me how you feel 

More than words is all you have to do to make it real ♩♪

"Saktong sakto yung kanta.. sa nararamdaman ko.." panimula nya.

♩♪ Then you wouldn't have to say that you love me 

'Cause I'd already know ♩♪

"M-mukha nga.." nahihiya kong sagot.

Natahimik ulit kami habang patuloy na tumutugtog yung kanta.

♩♪ What would you do if my heart was torn in two 

More than words to show you feel ♩♪

♩♪ That your love for me is real


"Kung sasabihin ko ba ulit na.. mahal kita.. makakarinig ba ako ng tugon?" tanong nya.

♩♪ What would you say if I took those words away

Then you couldn't make things new ♩♪

♩♪ Just by saying I love you

"Kung tutugunin ba kita.. maipapangako mo bang iingatan mo ang puso ko?" tanong ko sa kanya.

♩♪ More than words ♩♪

Tinitigan namin ang isa't isa.

♩♪ Now that I've tried to talk to you and make you understand 

All you have to do is close your eyes ♩♪

"Oo." sagot nya.

"Talaga?" tanong ko.

♩♪ And just reach out your hands and touch me 

Hold me close don't ever let me go ♩♪

"Ayoko lang ipangako ngunit isasapuso ko na ikaw lang ang tanging babaeng mamahalin ng puso ko, ang tanging mamahalin ko.. totoo yan, sana maniwala ka" sabi nya.

♩♪ More than words is all I ever needed you to show 

Then you wouldn't have to say that you love me ♩♪

♩♪ 'Cause I'd already know 

Natahimik kaming dalawa habang sumasayaw pa rin kami.

"Maari mo ng sabihin ulit" nakatungo't nahihiya kong sabi.

Tumigil sya sa pagsayaw kaya napatingin ako sa kanya. Nilapit nya yung mukha nya sa'kin at bumulong: "Mahal na mahal kita"

Akala ko'y haharap na ulit sya sa'kin ngunit niyakap nya ako at pinuwesto yung ulo ko sa may dibdib nya kung kaya'y rinig na rinig ko ang malakas na pagtibok ng kanyang puso.

♩♪ 'More than words ♩♪

ClassmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon