12 - Ano bang ibig nyang sabihin?

98.8K 1.9K 381
                                    

"Uy alam mo ba? Yung kakapasok na babae kanina ay may gusto kay Kyle?"

Napatingin ako dun sa babae. Nakatingin rin sya sa'kin habang nakataas ang isang kilay. Tumingin din sa'kin yung kausap nya at tinaasan rin ako ng kilay.

Wag mong pansinin Coleen. Wag. Makapunta na nga sa upuan.

"Oh my! Talaga? Nakakatawa naman yun!"

"Oo nga eh. Tingnan mo naman yung itsura nya. Mapapansin ba sya ni Kyle? Hindi di ba?"

"Walang wala sya kay Niña. Umasa pa kasing meron eh."

"Nakakagulat nga eh. Sya? Umasa? Di na nahiya!"

Umupo ako sa upuan ko ng may magbukas ng pinto.

"Hi Kyle!" bungad nung babae.

"Uh yeah?"

"Alam mo ba na may umiyak noong naging kayo ni Niña?"

"O? Talaga? Sino?"

"Ayun oh!" sabi nung babae sabay turo sa'kin.

Nakita kong tumingin sa'kin si Kyle at saka napa-smirk.

"Sus. Akala ko maganda. Di naman eh. Balak ko pa namang humiwalay kay Niña kung maganda. Eh kung si Coleen nga lamang pala, wag na lang"

At nagtawanan sila. Lahat na lang sila, sinasaktan ako. May karapatan din akong lumigaya noh! Meron!!! Huhu

"Andyan na si Ma'am!"

"Coleen! Coleen! Coleen? Coleen?!"

Napamulat ako dun. Nakita ko si Kristel sa harap ko at napatingin sa may unahan. Panaginip pala yun. Buti na lang.

Ang bilis ko naman atang makatulog? Siguro ganun talaga pag sinabi mo sa isip mo na kailangang kalimutang lahat. Charewt lang.

Pero di nga? Nakatulog ako?

"Mag move on ka na lang Col dahil taken na si "Classmate" mo. Daming ka-ibig ibig sa paligid! Wag mawalan ng pag-asa. Di yan mauubos!"

"Ang pera natin hindi agad-agad mauubos, pero ang mga tunay na lalaki konting-konti na lang!"

"Haruy Coleen! Andyan na nga si Ma'am at may balak ka pang gayahin yung nasa One More Try. Imperness, malapit na! Konting arte na lang, kuha na!"

Pinalo ko yung balikat nya kaya tumawa sya habang nabalik sa upuan nya.

Di nga pala panaginip yung pagiging sila ni Niña. Leche! Sana sinama na lang yun! Protesta!!!

"Ok class, I hope na maipapakita niyo sa'kin yung draft nyo para sa Research. 10 groups with 3 members right?"

Leche! Kami nga pala ni Classmate at ni Jonas magkagrupo dito. Kainis!!! Ba't ito pang subject na ito ang kauna-unahang subject ngayon?

At ayan na nga, na-rerecognize na ng radar kong papalapit na sila sa'kin. Bakit kasi ako ang nagprint nung draft eh? Yan tuloy!

"Ui Classmate, na-print mo ba?" bungad naman ni "Classmate" na hanggang "Classmate" na nga lang yata.

Drama ko naman. Ba yan!

"Oo, na-print yan ni Classmate! Si Classmate pa! Di ba, Classmate?" sabi naman ni Jonas na may pagtabi pa sa'kin.

Kinuha ko yung draft sa may attach case at binigay kay Jonas. Talagang kailangang i-emphasize na "Classmate" lang ang tawagan namin ni Classmate? Haruuuy!

"Ipapasa ko na ah" sabi naman ni Kyle.

Dahil 10 groups, nakapila si Kyle. Pang anim sya sa pila. Kita ko namang binabasa nya yung draft habang nakapila.

"Oi Asawa"

Tiningnan ko si Jonas.

"Yoko na ng tawag na yun." dagdag nya.

"Kaw nga tong unang tumawag ng ganyan sa'kin eh" sabi ko naman.

"Ganun? Gusto ko lola na tawag ko sa'yo."

"Nye? Sama naman nito. Mukha ba kong lola?" tanong ko.

"Di" sagot naman nya agad.

"Eh yun naman pala eh" sabi ko habang nakatingin sa kanya.

Napatingin din sya sakin.

"Pero I wanna make you smile kasi" sabi nya ng nakatingin pa rin sa'kin.

Natigilan ako dun.

"Coleen, I wanna grow old with you"

Iniwasan ko sya ng tingin. Pag iwas ko ay nakita ko si Kyle na nakatingin pa rin sa draft. At naramdaman nya atang nakatingin ako kaya napatingin sya sa'kin.

"Coleen.."

Tiningnan ko si Jonas.

"Jonas.. Alam mo naman, di ba?" sabi ko.

"Oo.. Pero.. Coleen, can I be your.."

Tumingin sya sa'kin. Tumingin din ako sa kanya. Di ko alam pero nakaramdam ako ng kaba.

"Classmate"?" dagdag nya.

- - -

(Author: Ongoing pa ito.)

ClassmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon