18 - Ayos nga lang ba?

99K 1.9K 123
                                    

Nagpatuloy naman ang buhay este ang klase. Ang lalim naman ng buhay, pang matanda.

  

Nasa may harapan ng silya ko ngayon yung dalwang Rilakkuma.. at tinititigan nila ako @#%&!!!

  

"Yes Ms. Velasquez? Is there a problem?"

  

Napatigil ako at saka ko nginitian si Ma'am at sinabing "Wala po Ma'am" habang nakatingin lahat ng kaklase ko sa'kin.

  

Nagpatuloy naman si Ma'am sa pagdidiscuss hanggang sa may kumatok sa pintuan naming nakasarado (baka lumabas ang aircon).

  

Nung makita namin kung sino ay agad kaming tumayo at binati sya.

  

"Good morning Principal" bati namin ng sabay sabay.

  

Ngumiti naman si Ma'am at saka tinanong yung problema. Busy pa rin ako sa pag iisip. Si Kyle ba kasi nagbigay?! Eh kasi, lumabas sya kanina tapos nung magtitime na, saka sya pumasok. Errr!

  

Ikaw ba kasi Classmate ang nagbigay nito sa'kin?!

  

"It's me, Ma'am."

  

Halos lumabas yung puso ko sa rib cage ng marinig ko ang boses ni Kyle tapos "It's me" pa ang sinabi @#%&! Ano ba yun?!

  

Napatingin ako sa unahan. Ano bang nangyayari?

  

"If we can excuse.. then," sabi nung Principal habang katabi si Kyle.

"Sure Ma'am. I shall excuse you both" sagot naman ni Ma'am at saka lumabas yung principal pati si Kyle. 

Uhh anyare?

  

Dahil naguguluhan ako, kinulbit ko yung nasa unahan ko.

  

"Anyare?" tanong ko na parang nakikichismis lang.

"Tinanong ng principal kung sino daw yung nagsira ng pinto natin sa may likod.. It turns out to be na si Kyle pala. So ayun, magrereport sya sa office." sagot nya.

"Ahh.." dagdag ko na lang.

"Sana di sya ma-detention." sabi naman nung katabi nya.

"Detention?" tanong ko.

"Di ba ayon sa handbook ng school, ang magsisira ng property ng school ay madedetention ng isang linggo?" sagot nya naman.

"Eh? Talaga?" may ganun? Di ko pa ata nababasa ang handbook!

"Ms. Velasquez, Macatangay and Macalalad.. What's the chit-chat while I'm discussing?" nakapamewang na tanong ni Ma'am.

"Nothing Ma'am! She's just asking what is the word you wrote in the board.." medyo hirap na sabi with Filipino accent nung nasa unahan ko.

  

ClassmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon