57 - What he feels

40.7K 875 62
                                    

- Tinawanan n'ya ko dahil mali sagot ko 

- Binangga n'ya ko sa 7eleven kaya nagpatak yung donut ko 

- Sa harap ko s'ya nagsara ng payong kaya nabasa yung mga pina-xerox ko 

- Sabi n'ya nag-iba yung room sa isang GE class kaya naka-absent ako 

- Nagkagroup kami sa NASC3 pero di n'ya nilista pangalan ko 

- Madami pang ibang nakakabadtrip na nangyari dahil nung bwisit na Cheeno na yun pero kakalimutan ko

Dahil,

"(Nasa byahe ka na?)" tanong n'ya. 

"Yep" sagot ko habang nag-aayos ng gamit ko dahil kasasakay ko lang ng jeep papuntang crossing.

"(Ingat ka ha, aking mahal)" 

"Ok" sagot ko na pinipigilang ngumiti.

Tapos na rin sa wakas ang isang linggo! Wohoo----

Napatingin ako ng masama sa katabi ko dahil binangga n'ya yung siko ko kaya nagpatak yung cellphone ko @#%&

At hindi nga ako nagkakamali!

"Sabing paabot e" utos n'ya sa'kin habang binibigay yung P100.

Di na lang ako umimik at galit na kinuha yung P100 at saka pinaabot dun sa mas malapit sa driver.

Syempre, agad kong kinuha yung phone ko na nagpatak at tiningnan kung naka-call pa. Pero dahil mukhang akala ni Kyle ay nawala yung signal, ini-end n'ya @#%& bwiset kasi itong Cheeno na to eh!

"Sinong kausap mo? Mama mo? Grabe! Nagpapasundo ka pa? College ka na ah"

Napatingin naman sa'min yung ibang pasahero. Mukhang akala nga nila ay nagpapasundo ako dahil sa mukha nila. Bwisit!!! Hindi naman siguro masamang magsalita pabalik! Isang linggo na rin akong nagtitimpi dito eh!

"Ah? Baka nga ikaw yung nagpapasundo d'yan (insert sarcastic na tawa) Hindi ba't ang yong Mama pa yung nag asikaso ng SLB mo? Grabe! Di ka makapag bayad ng tuition mo mag-isa? At yung Mama mo pa dapat yung mag asikaso ng mga papeles mo? Hinayaan mo s'yang pumila kasama nung ibang mga estudyante? Kalalaki mong tao e. Yung Mama mo ata yung napasok?"

Napatigil naman s'ya. Ano ka ngayon!

"Heh! Eh ano ba yang dala mo? Mga labahin? Siguro yung Mama mo pa ang paglalabhin mo n'yan, no?" pang iiba n'ya ng topic.

"Nag iiba ka ata ng topic?" tanong ko sabay tawang sarcastic.

Di naman s'ya umimik. Hahaha! Talo!

Bigla namang nag vibrate yung phone ko kaya tiningnan ko yung screen at tiningnan kung sino ang natawag.

Kung sino? Edi si aking mahal @#%& landi no?

ClassmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon