20 - Barbie & Ken

104K 1.9K 182
                                    

"Aria, Neil" anunsyo ng Presidente namin habang ang lahat ay nakatayo.

4pm, Wednesday. Nasa may Gym kami ng school at kada-section ay may kanya-kanyang hati ng gym. Karamihan sa babae ay sa iba nakatingin. Hinahanap ata mga crush nila. Aminin!

"Jonas, Valerie"

Tinatawag ng presidente namin kung sino ang magkakapartner sa Parents' Day. Barbie Girl ng Aqua yung kanta na ni-remix para humaba at para ang lahat ay makaakyat sa stage tapos sasayaw.

At akala ko si Jonas kapartner ko! Aish!

Nakita ko naman yung ibang may partners na. Tagal naman! Antok na koooo!

"Kristel, Kyle"

Napatigil ako panandali pero di ko pinahalata. Tutal nakatingin naman sa kanila ang lahat habang pumupunta sa kabilang side, nakitingin na rin ako.

Uwaaaa. Classmate!!! Sus. Asa pa akong ayos ang partner ko. FYI. Common face ako at isa mga di napapansin. Lagi rin sa gilid at likod. What else is new?

8 na lang kaming nakatayo.

"Coleen, Ivan"

Napatigil ako. Whaaaaattttt! Uwaaa! Hindi naman sa ayoko ah.. Pero ayoko nga dito! Aish!!!

"Malas ni Col" rinig kong sabi nung isa.

See? Eh kasi.. Si Ivan yung pinaka-ayaw ng klase namin. Hindi naman sa nagmamagaling sya o masama ang ugali. Tahimik kasi at parang weirdo! Tapos sya yung nagtanggol kay Niña noon tapos mukha syang.. Tambay.

Sorry, I don't mean to judge! Pero why me?! Ganun ba ako ka.. *sniff* kapangit? Aruyyyyy! Sakit naman nun!!!

Pumunta ko sa kabilang side. Di ko na inintay yung Ivan @#%& Sorry Mama, pero di nyo na naman ako makikita sa Parents' Day.

You see.. Nung elem ako, sa likod na likod ako napwesto dahil di ako maka-catch up. At uso pa nun ang de-film na camera na di makapag zoom at once clicked, developed na later.

At ayun, sa almost 100+ shots na ginawa ni Mama, yung mga nasa unahan kong kaklase ang nakinabang. Kaya ayun, binenta na lang ni Mama yung pics. Mga solo shots ko bago kami magpresent yung tanging nasa'kin. At anim lang yun. Haruhjoskoh! Lagi na lang!

At ngayun naman ay gumagawa na ng first formation. Pumunta na ko sa may hulihan na likod. For sure dito naman kami. Syempre sumunod naman tong Ivan na to @#%&

Meron kaming tagaturo ng steps. At dahil wala pa kami sa unang part (dahil 2nd part pa labas namin), nakaupo lang kami sa sahig.

Sina Kristel, Jonas at Classmate, in short ay yung mga kapansin-pansin, ay ang pambungad. Syempre, that's what you call presentation. Present the best first.

"Balita ko, you talked back"

Napatingin ako sa may katabi ko. Ughh! Kinakausap ba ko nitong Ivan na'to? Tae nito! Di kami close eh.

Mehehe. Kayo naman. Syempre baka isipin nyo, masama ugali ko. Edi kausapin.

"Bakit? Masama?" sumbat ko sa kanya.

"Hindi naman" sagot nya saka nya inalis yung salamin nya para linisin yung lens.

"Pero kapag sinaktan mo sya--- masama" pagkasabi nya nun, nilamig ako. Ang sama ng tingin nya na parang papatay. Hala @#%&

"Gangster ka?" tanong ko na nangingilabot pa rin.

At saka nya ibinalik yung salamin nya.

"Ano yun? Tambay?" walang muwang nyang sagot.

ClassmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon