26 - In thesis way

96.4K 1.7K 196
                                    

February 12 ngayun. Malapit na ang Parents' Day. Papalapit din ng papalapit ang Single Awareness Day! Yey! Ang dami kong karamay!

Syempre ganyan ang kadalasang sinasabi ng mga babaeng single. Pero deep inside, iniisip nila kung bakit wala silang kasintahan. Meh

"Ei Guys! Ang mga 4th years ay in-assigned ng mga admins para mag organize ng Valentine's event. At ang section natin ang na-assigned sa booths" sabi nung Presidente namin.

"Ehhhh"

"Gastos yung na-assigned sa'tin! Ba yan!" reklamo nung iba.

"Ang may reklamo'y iparating sa Admins" nakapamewang na sabi ng Presidente.

Nag iingay naman yung iba habang nagbibigay ng suggestions ng booths at pwedeng performances. Unlike sa ibang schools na ginagawang Examination day ang Feb. 14 para walang umabsent, sa school namin, isa syang special day at no-classes day!

"Marriage booth, Chocolate cafe.. Love Delivery - yung nandedeliver ng letters sa crushes, Love Radio - yung nakakapagrequest ng song with dedication, Chocolate tree - yung pwedeng sabitan ng hearts ang isang malaking chocolate na plastic with message.. Ano pa?" anunsyo at tanong ng Presidente namin.

"Gagawin ba natin yan lahat? Wala tayong budget" sabi nung isa.

"Wala ba si Ma'am?" tanong ng isa.

"Sabi nya ay gawin na lang daw natin 'to" sagot ng Presidente namin.

"Magkano ba ang budget natin?"

"Mag fufund raising tayo"

"Bukas na kaya ay 13!"

"Ba yan! Dapat 3rd year na lang!"

"Oo nga! Meron pa kaya tayong practice ng Parents' Day! Hello?"

"Dalwa lang naman yung sa section natin"

"Yun naman pala" sabi ng karamihan.

"Pero kahit pa!" sabi naman ng iba.

"So botohan na! Dalwang beses lang kayo maaaring tumaas ng kamay. Taas ang kamay sa..."

Nagsisimula na ang botohan. Ako naman, iniintay ko yung sa Love Delivery at Love Radio. Yung yung bet ko eh! Di pati magastos!

At yun nga, ang majority ay Love Delivery (17 votes) at Love Radio (22 votes) *two times pwedeng tumaas, 30 kami sa class*

Habang nagplaplano sila, tahimik lang naman akong nakaupo sa aking upuan kasi wala pa rin si Kristel. Yun talaga, naka-set na ata sa calendar nun kung kelan walang klase!

Taimtim naman akong nakatingin sa kawalan ng makita kong nakatingin si "Classmate" este si Kyle sa'kin.

Okay.

Okay Coleen.

Wala lang yan. Wala lang syang matingnan. Siguro'y nagkataon na nagtama lamang ang aming mga paningin. Okay Coleen? Wag bigyan ng kahulugan. Tandaan mo yung nangyari nung binigyan mo yan ng kahulugan: drama.

ClassmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon