29 - Love Radio Pt. 3

91.9K 1.8K 416
                                    

Seth: "(DJ, andyan ka pa ba?)"

Napa-snap ako matapos ang halos 10 seconds na katahimikan.

Naalala kong naka-on air nga pala.

Ako: "Oo naman. Ahm, advice ko is.. sabihin sana nung friend mo yung gusto nyang sabihin talaga dun sa babaeng gusto nya kasi yun lang talaga ang naiisip kong solusyon. Sabi ko nga kanina, komunikasyon! So, Seth, anong irerequest mong kanta sa Love Radio?"

Seth: "(Hmm..)"

(. . .)

Seth: "(Yung kantang..)"

Pa-suspense?

Seth: "(Classmate ng Hambog)"

"Classmate"

"Classmate"

May kantang "Classmate"?!

Seth: "(Pwede ba yung, DJ?)"

Ako: "Uhh, di ko alam kung meron nun e" (pilit na tawa)

Kyle: "May kantang 'Classmate'"

Ako: "Oh.. so, Seth, anong radio station ang number 1 sa araw na ito lamang?"

Seth: "(Love Radio 2013, the best! Pft)

Ako: "Sige, salamat Seth! I-enjoy ang V-da---"

Seth: "(DJ pwedeng may sabihin pa? Para sa kaibigan ko, sana.. sana.. alam mo na yun pre. Yung pinoproblema mo, sana ikaw na ang lumutas. Nasa sa'yo na yun kung malulutas mo yan. Andyan na pre, kaya mo yan! Bromance ba? Hahahaha! Sige, salamat DJ!)"

Ako: "Salamat din Seth! At para naman sa request ni Seth, eto na ang kantang "Classmate" (tingin kay Kyle ng mabilis) ng Hambog!"

Ibinaba ko na yung headphones at ini-off ko yung mic ng hindi natingin kay Kyle.

Nagsimula namang tumugtog yung music.

(♩♪ Unang araw palang minahal na kita ♫♬)

(♫♬ Bakit ba ganito ang aking nadama ♩♪)

(♩♪ Di man kita lubusan pang kilala ♫♬)

(♫♬ Eh ano naman basta mahal kita ♩♪)

Tahimik lang naman akong nakatungo habang kinukutkot yung kuko sa kaliwa kong kamay ng marinig kong umubo si Kyle. Sumilip ako ng mabilis pero nakita ko syang nakatingin sa'kin.

(♩♪ Unang araw sa school ako'y nasa eskwelahan ♫♬)

(♫♬ Uniporme ay cool baka may maeksenahan ♩♪)

(♩♪ Syempre meron bagong chicks ngayon nagenroll ♫♬)

ClassmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon