Pangapatnapu't-pito.

2.2K 110 2
                                    

Pangapatnapu't-pito.

Nakalimang sayaw kami ni Logan. Bago umupo sa mga round tables na meron sa party.

Nagoobserve na lang kaming dalawa. Binabantayan ang mga kaibigan namin.

Kanina nga nong pangalawang sayaw namin ni Logan nakita ko si Rona na isinasayaw ni Jeremy. Buti nagkita na sila.

Nong pangatlong tugtog na namin ni Logan, yung mga boys naman ang nakita kong may mga kasayaw. Napailing pa nga ako ng makitang may kahalikan si Michael sa dancefloor. That guy!

Nong pangapat doon ko nakita si Louie sa dancefloor kasayaw si Blake. Sobrang intense pa nga ng titigan nong dalawa eh. Kaya hindi na ako nagulat ng bigla silang mawala nong panglimang tugtog na namin. I wonder where they went. At hindi ko na aalamin. Tyaka hindi ko kailangan magalala para kay Louie she's with Blake.

"Nawawala si Jacko." Bulong sa akin ni Logan.

Agad kong nilibot ang tingin ko. Looking for Jacko. Hindi ko siya makita. Si Ulysses, Michael, Jeremy at Rona lang ang nakita ko. Shit. Saan na yun?

"Hanapin ko." Tumayo si Logan.

"Kay Ulysses mo na lang ipahanap."

Tumango naman ito.

"Lalapitan ko lang." Lumapit nga ito kay Ulysses at may sinabi. Mayamaya lang bumalik na ulit ito sa tabi ko.

Ako naman tiningnan pa rin sila. Dapat siguro magsama-sama na kami sa table. Para hindi kami mahirapan maghanapan. Mahirap na.

Kaya pinatawag ko sila Rona, Michael at Jeremy para maupo sa table namin.

Buti nagsimula na yung program para sa birthday celebrant. Naspeech speech pa ito. Nagblow ng candle parang bata at isinayaw pa ang asawa nito. Bago kami sinabihan na mag enjoy sa party.

Marami ng nangyari pero hindi pa rin bumabalik si Ulysses kasama si Jacko. Even Blake and Louie. Ah! Baka kung ano ng ginagawa ng dalawang iyon.

Kung ano-anu ng pinapatugtog ng DJ ng party. Be it slow dance music or party party music pero wala pa rin yung apat.

Naguwian na lang yung ibang bisita wala pa rin yung apat.

Nagpaalam na sa amin sila Angelina na mauuna na matulog and we continue to enjoy our night cause her husband is already tired, wala pa rin sila.

Kami na lang ang tao sa venue, wala pa rin sila.

Naglilinis na yung mga crew, wala pa rin sila.

Putangina! Nasaan na sila?

Napagpasyahan naming umuwi na sa bahay ng yung table na ginagamit na namin ang lilinisin. Baka naman kasi umuwi na yung apat. Pero sabi kasi ni Logan sabay-sabay kaming uuwi.

Bago umalis nilibot muna namin ang buong lugar baka nakasiksik lang sa kung saan yung mga yun pero wala talaga.

Kaya umuwi na kami. Good thing na inantay kami ng chauffeur namin.

"Excuse me po." Tawag ko sa pansin ng chauffeur. "May naihatid ba kayong kasama namin kanina?"

"Wala po miss."

"Okay." Shit! Nasaan kaya yung mga yun. Dapat kasi hindi kami naghiwa-hiwalay.

Nang makarating sa bahay na tinutuluyan namin. Tinawag agad namin sila kasi baka nasa loob na sila kaso walang sagot. Chineck na rin namin yung mga kwarto, wala pa din sila.

"Lalabas ako." Logan said.

"No bro ako na lang." Jeremy said. Sumama kasi siya sa amin. "Its better kung ako na lang ang lalabas. Para hindi sila maghinala."

Left.Where stories live. Discover now