Panglabing-anim.

2.7K 139 1
                                    

Panglabing-anim.

Pauwi na kami sa bahay. Natatawa nga ako kay Louie na parang madre na nakatalukbong ng tuwalya sa ulo niya habang naglalakad. Hindi bagay sa kanya dahil dirty minded siya. Kausap na naman nito si Alex at Blake at mukhang seryoso na naman ang pinaguusapan nila. I wonder kung anong seryosong bagay ang pinaguusapan nila. Kaya naman sumabay ako sa lakad nila para alamin.

"Bakat yung kulay black mong bra Louie anong brand niyan Victoria secret?" Tanong ni Alex kay Louie na basa pa. At dahil nga basa na yung bag na pinaglagyan ng susuotin dapat naming damit. Heto kami basang naglalakad pauwi pati si Jeremy rin, nakabihis na kasi ito kanina pero dahil nga sinagip niya si Rona nabasa rin siya at dahil wala na siyang dalang damit. He walks with us wet too.

"Gago Avon lang yan yung tig one hundred ninety five."

"Ah yung mga walang bakal?"

"Paano mo nalaman? Gantong bra din ba ang binibili mo?"

"Gago! Ganyang bra binibili ng kapatid ko."

"Ah akala ko gantong bra din ang sinusuot mo." At nagtawanan sila. Akala ko pa naman kung anong seryosong bagay ang pinaguusapan nila.

Lumipat na lang ako sa tabi ni Rona na inaalalayan ni Jeremy maglakad. Mukhang natrauma ang itsura nito. Sabagay ikaw ba naman mahulog sa ilog na may kailaliman pala at di ka pa marunong lumangoy matatakot ka talaga at isa pa may phobia siya sa tubig.

After ilang minutes nakarating na rin kami sa bahay. Yung mga bihis na dumiretso sa likod ng bahay para daw magsampay ng mga basang damit. Kaming apat na basa sa kwarto imbes sa cr.

At ninja moves kami sa pagbibihis. Naunang matapos si Jeremy.

"Okay ka na Ron?" Tanong ni Jeremy. Tumango lang si Rona. "Sure?"

"Sure." Mukhang nakampante naman si Jeremy sa sagot nito at lumabas na ito bitbit ang basa nitong damit.

Natawa ako kay Louie ng makita kong mukhang pamilyar ang outfit nito na hanging blouse at high waist shorts.

"Saan galing yung shorts?" Tanong ko.

"Isa to sa mga binigay sa atin nila Luke dati."

Biglang bumukas yung pinto at pumasok si Blake at Alex buti tapos na kaming magbihis.

"Where Louie?" Tanong ni Blake and I saw him look at Louie from head to toe at ngumisi pagkatapos.

"Just next door."

"Wow Louie your ootd looks familiar!" Tumatawang sabi ni Alex. Tumawa lang si Louie at lumabas ng kwarto. Sinundan ko sila pumunta sila sa tapat ng pinto na kasunod ng kwarto namin. So sinabi ni Louie sa kanilang dalawa yung narinig niya mula sa kwarto at mukhang pati ang hinala niya na may lefters sa loob.

Inilapat ni Blake ang tenga niya sa pinto at pumikit si Alex naman ay inaaninag ang loob mula sa siwang sa ibaba ng pinto.

"No strange sounds."

"No lights too Blake."

"Promise guys I really heard the creepy noise there."

"That's enough guys mahuli na naman tayo ni Ria." I said.

"We will listen again sa susunod na araw Louie." Sabi ni Blake.

"Yeah, for now let's go to the barn." Alex excitedly says at nauna na itong bumaba. Sumunod si Blake at Louie. Bumalik naman ako sa kwarto at kinuha ang basang damit ko at ni Louie at inaya si Rona na nakaupo pa rin sa kama sa likod bahay para magsampay.

Left.Where stories live. Discover now