Pangsampu.

3.1K 162 7
                                    

Pangsampu.

"Oh tama na yan!" Rinig kong sabi ni Louie kaya napabitaw na ako mula sa pagkakayakap ni Logan.

Damn. Did I really realized that while his hugging me?

"Pussies." Tumatawang sabi ni Blake and he's looking at us. Para bang nakakatawa kaming tingnan dalawa.

"Shut up dude." Sabi ni Logan.

"Kat." Tawag ni Louie sa pansin ko. Inaabot niya sa akin ang bag pack ko. Kinuha ko naman ito at sinukbit. Napansin kong lumapit ito kay Blake.

"My gun asshole." At inilahad ni Louie ang palad niya kay Blake na nginisihan muna ito bago ibinigay ang baril ni Louie.

"Saan kayo tumutuloy?" I heard Rona asking Logan.

"Sa subdivision na malapit dito." Sagot naman nito.

"You can join us pare. Kung kayong dalawa na lang." Sabi ni Jeremy na nakapagpalingon sa akin sa kanya. Yeah! That sounds really good. That means hindi na namin kailangang lumayo sa isat isa.

"What do you think Blake?" Tanong ni Logan sa pinsan niyang nakangisi. Parang may saltik laging nakangisi.

"For the sake of your heart dear cousin then we will join them." At tumatawang tinapik nito ang balikat ni Logan. Heart? Whats with his heart? Anong kinalaman non sa pagsama sa amin?

"It settled then!" Pumalakpak ng isang beses si Jeremy bago kinuha ang malaking plastic bag na hawak ni Rona at Louie. I think yung mga damit for the boys iyon. "You have a car right? Just follow us." Dugtong nito at naglakad na palabas ng department store kasunod si Alex at Louie. Naglakad na rin ako kasabay si Rona sa kanan at si Logan sa kaliwa. Yung pinsan naman nito ay nasa likuran namin.

"Hey! Logan's girl!" Napahinto ako sa paglalakad at nilingon si Blake. I assumed that he's calling me since Rona is Jeremy's girl. And Louie is no ones girl.

Napapikit ako ng hinagis niya sa akin ang espada ko buti nasalo ko. Inabot din nito ang baril ko. Damn how can I forget about this things?

Nagumpisa na ulit kaming maglakad. Nang makarating kami sa pinagparkingan ng van agad sumakay si Louie, Alex at Rona. Binalingan ko naman si Logan.

"Sumunod na lang kayo." I said to him. Tumango siya. Nagulat ako ng yakapin niya ako. Bigla akong nahiya magkikita naman kami mamaya hindi niya naman ako kailangang yakapin pa. Na para bang nagpapaalam siya.

"I missed you really." Oh! So he's hugging me because he misses me not because the other way around.

He let's me go. Nahihiyang tiningnan ko siya at tinanguan bago pumasok ng van. Sheet! Kinikilig ako.

"Haba ng hurrrrr!" Maarteng kanta ni Louie na tinawanan ni Rona at Alex. Baliw talaga.

"Your boyfriend Kat?" Tanong ni Alex. Umiling lang ako. Natawa ako ng marinig kong magsabi ito ng: 'Soon.'

Soon. So pwede maging kami soon dahil parehas na kami ng nararamdaman. Pwede ba yun? Maging kami kahit napakakomplikado ng sitwasyon? Napabuntonghininga na lang ako. Malalaman ko ito, soon.

Umandar na ang van pagkasakay ni Jeremy. Nakita ko sa rearview mirror na nakasunod na ang kotse nila Logan. Isa iyong black SUV. Anong nangyari sa van na dala niya before?

Hours later nakarating na rin kami sa street kung saan matatagpuan ang motel. Pero nagulat ako ng ihinto ni Alex ang kotse hindi pa man kami humihinto sa tapat nito.

"Guys! Look!" Sabi nito. Tinuturo niya ang direksiyon ng motel kung saan may nakahintong army truck. May mga lalaki sa labas ng army truck na may bitbit na mga armalite.

Left.Where stories live. Discover now