Panglabing-lima.

2.9K 141 3
                                    

Panglabing-lima.

"Kat wake up dinner na." I open my eyes when I heard the word dinner. Nakatulog pala ako. After kasi ako tanungin ni Blake humiga ako sa tabi ni Rona at Louie at nakatulog pala ako. Gusto ko sana lumabas kaso naoawkwardan ako kay Logan. I just said that I like him.

Umupo ako mula sa pagkakahiga at tiningnan ang mga katabi ko wala na sila. Ako na lang at si Logan na nakatayo sa harapan ko. Siya pala ang gumising sa akin. Kunwari walang pake kong inayos ang buhok ko na paniguradong magulo at kinapa ang mata ko para sa muta. Kakahiya. Nandito yung crush mo tapos may muta ka sa mata. Eew.

"Let's go?" Inilahad niya ang kamay niya sa akin na inabot ko naman. Tumayo ako at sabay kaming lumabas ng kwarto para pumunta sa dining room.

Michael whistle when he saw us, particularly on our clasped hands. Nahihiyang binawi ko ang palad ko at tumikhim napatingin kasi sila sa aming dalawa.

"Mga apo kain na." Anyaya ni Aling Rosanna.

Umupo na ako sa tabi ni Louie at umupo naman si Logan sa tabi ko.

Nagbigay kami ng maikling pasasalamat para sa pagkaing nakahain ngayon sa aming harapan.

Sasandok na sana ako sa kanin ng maunahan ako ni Logan sa pagkuha ng sandok hinayaan ko na lang pero nagulat ako ng sandukan niya ako ng kanin pati ulam. Adobo? I wonder where did they get the chicken?

"Thanks." I said at nginitian lang ako nito. Nagumpisa na akong kumain habang tinitingnan ang mga kasabay ko sa lamesa. Nakita kong buhat ni Jeremy si Jayjay at pinapakain ng kanin. Okay lang naman kasi isang taon na siya.

Tahimik na kumain lang kami parang may unwritten rule na bawal magsalita habang kumakain. At nang matapos ako sa pagkain ay agad kong kinuha ang kapatid ko kay Jeremy at ako na ang bumuhat para makakain siya ng maayos.

Nagpunta kami ni Jayjay sa sala at naupo sa sofa. Tahimik lang ito na naglalaro ng laway.

"Jayjay wag bad don't play your laway eew."

"Hayaan mo na Kat naglaro ka rin naman ng laway noong bata ka." Si Louie na umupo sa tabi ko. Nakasando na lang ito at litaw ang benda sa balikat.

"Kamusta yung sugat mo?"

"Napakasakit Kuya Edie!" She dramatically says. Crazy.

"Uminom ka na kasi ng gamot. Panigurado di ka patutulugin ng sakit niyan mamaya pag patulog na tayo."

"Oo nga no pero alam mo namang hirap ako uminom ng gamot."

"Water lang." Tumango lang ito.

"Water then. Tyaka I need to take a bath na rin. Nangangati na ako pati yung sugat ko."

"Tomorrow." I said.

Tumayo na kami para umakyat sa kwarto. Nadaanan ko pa si Jeremy na nagpupunas ng lamesa.

"Sinong magwawash ng plates?" Tanong ko kay Louie.

"Si Luke at Michael nagprisinta, eh alam naman nating injured sila kaya si Alex at Logan na lang." Tumango ako at pumunta na kami sa kwarto. Naabutan naming nagtutulong tulong na magbanig sa sahig sila Luke, Michael at Rona.

"Where's Blake?" Tanong ni Louie.

"Outside. Checking the surrounding." Luke said.

"Papasok na rin yun hindi naman kailangan magmatyag sabi ni Lolo Makoy kasi isasarado at ilalock lang daw ng mabuti ang mga pinto pati ang lock ng kwarto natin bago matulog. Yun lang daw ang ginagawa nila." Michael said. Mukhang kampante sila masyado na walang makakapasok na lefters. Safe na safe ang feeling nila.

Left.Where stories live. Discover now