Pangapatnapu't-dalawa.

2.7K 123 11
                                    

Pangapatnapu't-dalawa.

Tahimik.

Sobrang tahimik ng biyahe. No one's talking. Ang maingay na si Michael ay tahimik lang na nakaupo sa passenger seat ng van. Si Jacko na kasi ang nagdadrive. Nag volunteer siya eh, na pabor naman kay Michael dahil pagod na raw siya. Hours na rin kasi kaming tumatakbo bago namin nakita sila Jacko.

Si Louie rin tahimik na nasa unahang upuan. Katabi si Rona at Ria na natutulog. Nasa likuran naman kami nila nakaupo. Katabi ko si Sam na nasa bintana pinapagitnaan nila ako ni Logan na buhat ang kapatid kong tulog.

Nasa likuran naman namin si Ulysses na katabi si Rodmar at Mia.

Hindi ko alam kung bakit kami tahimik. Siguro dahil sa nahihiya silang magingay dahil may bago kaming kasama. O sobrang draining lang ng araw na ito para sa aming lahat.

"Hoy! Grabe ka magpatakbo! Hindi eroplano to kaya wag mo paliparin!" Basag ni Louie sa katahimikan.

Napansin kong mabilis nga magpatakbo si Jacko.

"Oo nga para kang hinahabol ng demonyo!" Michael said.

"Hindi niya alam yung demonyo katabi niya." Tumatawang sabi ni Louie.

"Tangina mo Louie!" Mura ni Michael kay Louie.

"Inaano kita?!"

"Sabi mo demonyo ako!"

"May binangit akong pangalan?"

"Wala!"

"Wala di ba! So feelingero ka ganoon!"

"Eh ako katabi niya eh!"

"Eh ikaw naman kasi talaga ang tinutukoy ko." At tumawa ng malakas si Louie. Napangisi na lang ako. Mga siraulo.

"Kahit saan na tayo tumuloy Jacko. Malapit ng mag gabi." Sabi ni Logan. Hapon na kasi. Kaya kailangan naka settle na kami sa isang lugar bago dumilim.

"Okay." Jacko said.

Mayamaya hininto ni Jacko yung kotse sa tapat ng isang malaking gate na itim.

Lumabas si Ulysses, Michael at Logan na binigay si Jayjay sa akin para buksan ang gate. Nag over the bakod pa si Michael para mabuksan yung gate mula sa pagkakasarado sa loob. May tao kaya diyan? Sarado sa loob eh.

The black gate opened. Revealing a small compound. Sampung bahay. Lima sa left side at lima sa right side. Sa gitna ng bahay ay basketball court. Napapalibutan ang compound ng batong pader. Mukhang safe kami dito. And again I wonder kung may tao ba rito. Mukhang safe rito eh.

The boys checked the whole place. Pinasok naman ni Jacko yung van sa loob at pinark sa gitna ng basketball court. Bumaba rin ito para isarado yung gate at katulad nila Logan eh nagcheck din ito sa paligid.

Mayamaya bumalik na sila sa van.

"Clear!" Michael said.

"Yes!" Louie shouts. Nauna na itong bumaba. Kasunod si Rona at Ria na nagising na. Sinalubong naman ako ni Logan nang ako na ang bababa at inalalayan ako. Kinuha niya rin si Jayjay at siya na ang nagbuhat.

"Okay tigiisa tayong bahay!" Louie excitedly squeal.

"Doon tayo sa sky blue Louie!" Rona said. Tinuturo yung left side na kulay sky blue ang pintura ng bahay. Yung right side naman orange.

Tumakbo si Rona at Louie doon sa hilera ng mga skyblueng bahay. At pumasok sila sa unang bahay. Sumunod kami ni Logan.

Maganda ng pumasok kami sa loob. Spacious yung loob. Sala agad at kita yung kusina. May dalawang pinto rin, nang buksan ni Rona ay kwarto pala.

Left.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon