Pangatlo.

4K 198 33
                                    

Pangatlo.

Waking up because of something warm blowing in my face is not my thing in the mornings. Napansin ko ring may nakadagan sa tiyan ko. I opened my eyes. Only to be welcomed by a beautiful sight.

Logan's peacefully sleeping face. And his arm is around me. Just realized na masarap talaga magising sa ganitong tanawin lalo na't sobrang lapit nito sa mukha mo. Tapos yung hininga bakit ganun hindi mabaho! Unfair! Samantalang sa akin amoy cup noodles pa yata. Tapos yung buhok niya pa parang isang beses mo lang pasadahan ng kamay maaayos na samantalang yung akin kailangan mo pa gumamit ng suklay. Tapos ang bango niya pa rin.

My eyes widened when I feel his arms pulling me towards him, I ended up smashing my face on his chest. Bango. This feels like forever.

Papikit na sana ulit ako para matulog ng may kumalabog kasunod ang boses ni Mark.

"Mas lalo silang dumami." Wika nito.

Naramdaman kong natangal ang braso ni Logan na nakayakap sa akin. Inangat ko ang tingin ko sa kanya. Gising na ito at nakaawang ang labi na nakatingin sa akin. Nagtataka siguro siya kung bakit siya nakayakap sa akin.

"I'm sorry Kat." Nahihiya niyang sabi at bumangon na siya, umupo naman ako at isinuot ang jacket niya. Ang lamig kasi. Tiningnan ko ang wrist watch ko alas sais na ng umaga.

"Six na." Sabi ko at tiningnan siya, pinasadahan niya ng kamay ang buhok niya at voila ayos na. I knew it isang pasadahan lang.

"I'll just check on them." Sabi nito. At nawala na sa aisle kung nasaan kami.

Tumayo na ako at kumuha ng walong cup noodles, this again for breakfast. Napansin ko ang sword ko sa gilid at kinuha ito para isabit sa likod ko.

Pagkalabas ko sa aisle kung nasaan ako nakita kong gising na sila at kumakain ng slice bread at kape habang nakaupo sa sahig. Napansin ko ring mas marami ng lefters sa labas.

"Kain na Kat!" Tawag ni Ana sa pansin ko. Umupo naman ako sa tabi ni Vj na nakapikit pa, mukhang napuyat.

"Kumuha ako ng cup noodles baka gusto niyo." Sabi ko at nilapag sa sahig.

Tahimik kaming kumain at maya't mayang napapalingon sa glass wall sa bawat hampas na ginagawa ng lefters. Nakakatakot na baka mabasag nila pagsabay sabay sila sa paghampas.

"Paano ka natutong gumamit ng baril Sehun?" Tanong ni Vic na nagpatingin sa aming lahat kay Sehun.

"Nagmimilitary training kasi kami sa Korea alam niyo na to prepare for the war." Oo nga pala taga Korea siya kung saan tinetrain sila sa giyera na maaaring maganap.

"Nakita kong may isang bag ng baril sa may cashier counter baka kay Mang Matias yun." Sabi ni Vj na ngayon eh mukhang gising na. Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa tabi ko at may kinuhang bag sa gilid na may logo ng PNP. Bumalik ito sa tabi ko. Binuksan niya ito at tumambad sa amin ang limang armalite, limang 45 caliber pistol, tatlong 35 at pitong grenade. May mga bala pang kasama.

"You should teach us how to fire a gun." Sabi ni Ana kay Sehun. Tumango naman si Sehun.

Tinuruan niya kami kung paano mag aim at mag fire. Tinuruan niya rin kami kung paano maglagay ng bala sa isang magazine. At sabi niya pa dapat daw sa handle muna ng baril kami humawak bago sa gatilyo dahil baka aksidente naming maputok. Tinuruan niya rin kami kung paano magtanggal ng pin sa bomba.

Isa isa niya kaming binigyan ng baril. Binigay niya sa aming mga babae ang pistol. Tigdadalawa naman silang mga lalaki, isang 45 at isang armalite. Tigiisa rin kami sa granada pwera lang kay Ana. Kulang kasi ng isa pero since ayaw niya rin naman okay lang daw. Sinukbit ko sa likuran ko ang baril at ang granada ay nasa harap ko lang. Nakakatakot galawin dahil baka biglang mabuksan ang pin.

Left.Where stories live. Discover now