Pangsiyam.

3.3K 175 36
                                    

Pangsiyam.

"Day seventeen." Napatingin ako kay Louie ng magsalita siya at may sinulat sa salaming pader ng kwarto na tinutuluyan namin. She use to count the days when it started. Halos kalahating buwan na pala ang lumipas.

Today is day seventeen. Thirteen days na rin simula ng makauwi ako galing america at ten days na rin ang nakalipas simula ng huling pagkikita namin ni Logan. I just sighed. Counting the days that have passed since his departure has been my hobby. Until now I'm still hoping that he will come back for me. That he will fulfill his promise. But I know better. I sigh again.

Tiningnan ko ang kabuuan ng kwarto. Limang araw na ang lumipas simula ng makarating kami dito. Nagkanya kanya na rin kami ng kwarto. We occupy five rooms here at matatagpuan ito sa third floor. The first room na malapit sa hagdan is ginagamit ng Lin brothers. Kasunod ang room nila Michael, Bryan, Luke at Alex. Sunod naman ang kwarto nila Calum, Marco at Frederick. And the fourth room sila Shane, Aron at Ashton at kami naman ang sa fifth room na nasa dulong bahagi.

For five days we clean the whole area na maaaring pagsiksikan ng lefters. Jeremy decided na we will live here temporarily. Hanga't hindi pa ganon karami ang lefters dito sa bayan dito muna kami. This is the safest place so far to live.

Bumukas ang pintuan ng kwarto revealing Jeremy and Alex. Today maghahanap kami ng store. We need more food dahil tantsa namin na siguradong magtatagal kami dito. Hindi pa naman ubos ang supplies pero para makasigurado magiimbak kami ng mas marami pa. At maghahanap din ng damit. Para sa aming mga babae. For five days kasi puro shorts ang suot namin gusto na rin naming magpantalon kaya sasama kami nila Louie at Rona para makakuha ng tamang sukat ng pantalon.

"You guys ready?" Alex asked. Tumango lang ako. Si Louie naman sumigaw ng 'Yes!' So far okay naman na kami. Natangap na namin ang nangyari kay Nick.

Bitbit ang bagpack at espada ko eh lumabas na ako ng kwarto kasunod nila Louie. Nasalubong ko pa si Luke na bitbit si Jayjay. Kausap nito si Rona. Sa loob din ng limang araw mas naging close kaming mga babae kay Luke, masarap kasi itong kausap at higit sa lahat sobrang bait na pag namatay eh pwede mong pagawan ng rebulto.

"Kat! Sabi ni Luke wag na raw natin isama si Jayjay para di tayo mahirapan siya na raw ang magbabantay sabi ko naman sumama na lang siya sa atin para nakikita mo pa rin si Jayjay eh kasi di ba ayaw mo na nalalayo sa paningin mo ang kapatid mo, sabi naman niya wag na raw para hindi raw mapagod si Jayjay sa biyahe." Mahabang sabi ni Rona.

"Hinga Ron." Tumatawang sabi ni Louie. Huminga naman ito. She even clutched her chest for the effect.

"What you think Kat?" Tanong ni Alex. I look at Luke. He look at me too. I trust him. Maybe I could trust my baby brother's life with him.

"I will take a good care of him." Luke said assuring me. And thats it! Tumango ako sa kanya. He smiled at me widely, I think too wide that I saw his whole gums.

"So let's go!" Sabi ni Louie at nauna pang bumaba sa hagdan pagkatapos ikiss si Jayjay, ganun din si Rona. Nang makatapat ako kay Luke I kiss Jayjay too.

"Please take care of him." I said. He just smilingly nod at me. What a cute guy.

Nang makababa I saw the other boys scattered all over the place doing some things. Nagpaalam kami sa kanila.

Papalapit na kami sa van ng makita ko ang itsura ni Louie. Natawa ako ng malakas kaya napatingin sila sa akin. May mga why-are-you-laughing face silang lahat. Nginuso ko si Louie. They looked at Louie and laughed too.

"We really badly need clothes." I said. Paano si Louie di ko alam kung anong fashion sense ba ang meron siya sa suot niya ngayon. Naka short shorts na kulay black, naka green na sando at naka colorful na knee high socks plus the pink rubber shoes.

Left.Where stories live. Discover now