HDDL 67 - Lost Love

124K 2.4K 2.2K
                                    

Chapter 67

>>>Cleo's POV

"You're here,"bulong nya. Pagkatapos, hinawakan nya ko sa pisngi at pinunasan ung luha ko. "Tell me, Cleo, ano bang kulang sa 'kin?"malungkot na sabi nya 'kin.

Agad namuo ung luha sa mata ko. Umiling-iling ako. I don't want him to doubt himself that he's lacking something.

Umayos sya ng upo sa kama at tinignan ako. "Then why did you that? You know I can provide for you. hell! I can even give you the world if you want it. Pero bakit kailangang gawin mo yun?"

"Hindi---"

He cut me. "Is it pride?"nagtatagis ang bagang na sabi nya sa 'kin. Mula sa lungkot, galit na nakikita ko sa mukha nya. At ikinakatakot ko yun. "Or I'm not satisfying you enough that you bitch youse----"

This time, I was the one to cut him by slapping his face.

Tuluy-tuloy ang pag-agos ng luha sa mata ko. Pano nyang nagawang masabi iyon. Tumayo ako at tinitigan sya nang mabuti. "Know what Exer? Akala ko iba ka sa lahat. Siguro nga nakilala mo ako dahil sa pagbebenta ko ng sarili ko sa 'yo pero hindi ba naging enough sa 'yo na ikaw ang nakauna sa 'kin? Ang sama mo. Ang sama sama mo. While I'm thinking the future for us, you're taking my past against me,"umiiyak pa din sabi ko. Sobrang sakit ng nararamdaman ko. Akala ko kung papalipasin ko ang isang gabi, babalik ung maunawaing Exer na mahal na mahal ko. Akala ko makikita ko ung Exer na kayang tanggapin ako. Hindi pala. Maling-mali ako.

Hindi ko kilala ang Exer na nasa harap ko ngayon. Panong ang isang lintik na video, nagawang baguhin ang Exer? siguro nga, mahina ang pundasyon na meron kami kaya ganito kami.

He looked at me again. His face is void of emotions. "I just need you honesty, Cleo. But you failed to give it. Nung isang beses na tinanong kita kung nasan ka, sabi mo nasa apartment ka. Pero alam mo kung san kita nakita, nasa ospital ka at pasakay sa isang kotse,"

Naalala ko ang sinasabi nya. Hindi ko sinabi sa kanya agad dahil iyon ang gusto ni Uncle Leandro. "Sana tinanong mo ako!"

"You already lied in the first place. Sa tingin mo papaniwalaan kita sa susunod?"

Huminga ako ng malalim at pinilit pakalmahin ang sarili. "I know I lied about that but it's too simple to take against me,"

"But it can ruin us!"

"No, Exer. Your lack of trust ruined us. You can ask Uncle Leandro kung ano nangyari dun,"sabi ko sa kanya. "Hindi ako ang babae sa pangalawang video. Bahala ka na kung gusto mong paniwalaan iyon. Napapagod na ko, Exer dahil alam kong kahit anong gawin kong paliwanag, hindi ka makikinig. You've already judge me. Napapagod na akong patunayan na mahal na mahal kita, na espesyal ang meron sa 'ting dalawa. Bahala ka kung gusto mong pagsisihan na minahal mo ko,"pinipilit kong wag pumiyok ung boses ko. Ang sakit sakit kasi. I know I'm too coward to fight for us but I can't bear the pain knowing that he's not trusting me, not trusting what we have. I'm too emotional and too tired to think of fighting. This pregnancy hormones can affect my thinking.

Nang hindi sya nagsalita pagkatapos ng ilang minuto, impit na umiyak na lumabas ako sa condo nya.

'There goes your Daddy, baby. I'm sorry I can't fight to give you a whole family. Pero promise sa 'yo ni mommy, mamahalin ka nya ng sobra kahit na dalawa lang tayo' sabi ko sarili ko pagkalabas ko.

Hindi ko alam kung pano ako nakarating sa lobby. Nagulat na lang ako nang yakapin ako ni Syrelle at hinagod ung likod ko. Napahagulhol ako ng iyak.

"Don't stress yourself too much, ate. My idiot brother doesn't deserve you and your baby,"

Inalalayan nya ko palabas ng condominium unit at hanggang sa makarating kami sa kotse. Nag-aantay sa labas si Thunder. Nakita kung pano nagtagis ang bagang nya pagkakita sa 'kin. Lumapit sya sa 'kin at niyakap ako ng mahigpit na lalong nagpaiyak sa 'kin. Bakit ang ibang tao, kaya akong pagkatiwalaan?

"Sorry. Sorry, Cleo,"sabi nya sa 'kin.

"Wala kang kasalanan,"

"But that idiot happened to be my brother,"

***

Diniretso nila ako sa bahay nila. I know I look like a mess. My emotions are all over the place. Ni hindi ko alam kung pano ako natigil sa pag-iyak. Ang alam ko lang, nakatulala ako sa buong byahe namin. Kung hindi pa binuksan ni Thunder ung pinto ng kotse, hindi ko pa matatauhan.

Sinalubong ako ni Mommy Yuriko na puno ng pag-aalala. Nagsimula na namang mamuo ung luha sa mata ko at niyakap nang mahigpit si Mommy Yuriko. I guess I should call her Tita. "We're done,"bulong ko sa kanya.

Hinagod lang ni Tita ung likod ko at hinayaan akong umiyak. Nang medyo mahimasmasan ako, doon sya nagsalita at inilayo ako sa kanya "Alam ba ni Exer na buntis ka?"

Umiling ako.

"Good,"sabi nya tapos tinawag nya si Syrelle. "Bunso, pack Cleo's things," tumango lang si Syrelle

Nagtataka akong napatingin sa kanya.

"Don't stress yourself too much, hija. Ilalayo muna kita dito. Let that bastard son of mine to realize his mistakes. Kapag nangyari iyon, ayokong maging madali ang lahat para sa kanya. Gusto kong paghirapan nya na makuha ka para malaman nya kung gano ka kaespesyal at gano sya kaswerte na sya ang minahal mo. You're wonderful, Cleo and I'm afraid my son took advantage of it. Mas mabuting hindi nya alam na may anak kayo. Hindi sya deserving nalaman iyon hangga't hindi nya nakikita ang tunay mong halaga sa kanya. For now, I'll bring you and your father somewhere while I'm fixing that bitch on the video,"

Parang umiikot at paningin ko sa mga nangyayari. All I know is that I'm aching inside, aching for my lost love.

>>>tnx for reading... ^___^
---till next time... ^___^

Sorry ang sabog at ang tagal. Sobrang busy kasi. At nagawa pa ko ng thesis while working. Kapagod.

Anyways, merry christmas and happy new year ulit! ^___^

Thank you sa lahat ng bumati sa birthday ko. Hahaha! Love lots! Ano regalo nyo? Lol.
#HDDLLostLove

P.S. Nasa tagaytay ako bukas, sama kayo? Lol.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 03, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hot Doctor's Destined Love(ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon