HDDL 17 - Story

193K 2K 111
                                    

A/N:

For MariaCorazonLacap... Tnx po sa mga comments sa previous chapters... ^____^

>>>Sapphire's picture on the right side... ^____^

Chapter 17

>>>Cleo's POV

"Dinadaya mo naman ata ako eh,"nakalabing reklamo ni Harry sa kin. Kanina pa kami naglulucky-9. Lagi akong nananalo. Pahid ng pulbo ung parusa. Halos mapuno na ng pulbo ung mukha nya. Kami lang naglalaro dahil nasa kusina pa si Sapphire at kausap si Tita Caroline. Nalaman kasi naming classmate pala ng Mama ni Sapphire si Tita nung elementary sila. Small world talaga. Sina Exer at Jewel, hindi ko alam kung nasan. Baka gusto nilang magsolo.

"Malas ka lang talaga. At pano ako mandadaya eh ikaw ang bangka?"natatawang sabi ko. Para syang batang inapi ng mga kalaro.

"Malas pala ha?"sabi nya. Tapos ung nakalabi nyang itsura naging pilyo. Bago ko pa mahulaan ung gagawin nya, nahilamos na nya ung kamay nyang puno ng pulbo sa mukha ko.

"Harry!!!"sigaw ko sa kanya. Pero tinawanan lang nya ako. Feel ko mukha na kong espasol sa ginawa ng lalaking 'to. "Aba, ganyanan ah,"

Naglagay ako sa dalawang kamay ko at pinahid sa mukha at katawan nya. Tawa ako nang tawa sa itsura nya. Dahil kasi sa tumatawa sya nang nilagyan ko sya, pati ung labi tuloy nya, nalagyan rin ng pulbo. Mukha tuloy may lipstick sya na puti.

"You're really asking for it, huh?"sabi nya. Kinuha nya ung lagayan ng pulbo.

"Joke lang,"sabi ko na unti-unting tumayo dun sa bench na kinauupuan namin.

"Jokes are half-meant, Ginny,"nakangising sabi nya at tumayo na rin.

Nagsimula akong lumayo at tumakbo. Hinahabol naman nya ko. Napuno ng tawa naming dalawa ung buong garden. Puro na rin kami pulbo.

"Ayoko na, Harry. Awat na. Pagod na ko,"hinihingal na sabi ko. Nakaupo na ko sa bermuda grass. Matagal na kong hindi tumatakbo kaya pagod na pagod ako.

"You're still beautiful despite the powder and sweat,"mataman nyang sabi habang masuyong nakatingin sa mata ko nang diretso.

Nag-init ung buong mukha ko dahil sa sinabi nya kaya napatungo ako. This is the second time a man actually says that I'm beautiful and meaning it. The first is him, my first on everything.

"Ahmmm,"sabi ko. Hindi ko kasi alam sasabihin.

Mahinang natawa si Harry. "You're really one of a kind,"

Humiga sya sa tabi ko.

"Close talaga sa inyo si Exer no?"tanong ko maya-maya. Kanina ko pa gustong malaman kung ano meron kay Exer at sa kapatid ni Harry.

"Yes. Exer is the brother I never had. We're classmates since preschool. Both accelerated at the same time kaya hanggang pre-med magkaklase kami. Sa specialization lang kami hindi nagkasama. I like being with kids but I don't have a lot of patience dealing with him unlike Exer. Kahit ata batang makulit na lang kasama nun 24/7, hindi sya maiinis. That's how patient Exer is. Malapit din sya sa mga kapatid ko. Krystal, my older sister, want him to be her real brother. Pero syempre, hindi pwede. Pero mas malapit si Jewel kay Exer kaysa kay Krystal. They've been each other's savior,"pagkwewento nya. Huminto sya at huminga nang malalim.

Magtatanong na sana ako kung anong ibig sabihin nya nang magsalita ulit sya.

"Ever since we're kids, takot si Exer sa dugo. According to him, when he was just three years old, nasaksihan nya kung pano pinatay ung unang yaya nya. May nanloob kasi sa bahay nila. Nagkataong wala sa bahay ang mga magulang nya dahil manganganak si Tita Yuriko sa brother ni Exer. Naitago sya ng yaya nya sa loob ng cabinet but not enough to shield him from witnessing the event,"

Hot Doctor's Destined Love(ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon