HDDL 60 - Positive

73.8K 1.2K 258
                                    

Chapter 60

>>>Cleo's POV

"Anak, ayokong ako ang maging dahilan kung bakit tatanggapin mo ung sinasabi ni Leandro. Tanggapin mo un para sa sarili mo,"sabi sa 'kin ni tatay nang kausapin ko sya tungkol sa pinagtapat ni Tito Leandro.

Nandito ako sa ospital. Nasa private room na si tatay. Naging maayos ang operation at kondisyon ni tatay. Pero kailangan pa ding ingatan lahat ng kakainin nya. He needs to leave a healthier lifestyle.

"Pero, tay, malaking tulong un sa pagpapagamot mo,"katwiran ko sa kanya. Hindi naman kasi mahalaga sa 'kin ang ganun kalaking pera. Pero kailangan ko un para sa tatay ko.

Nakangiting umiling si tatay at hinaplos ung ulo ko. "Ikaw pa din ang magdedesisyon sa huli nyan. Hindi mo alam kung kelan mo kakailanganin yan para sa sarili mo. Basta ang tandaan mo, susuportahan kita kung ano man ang gusto mo,"

***

Pagkatapos kong kausapin si tatay, dumiretso ako sa pharmacy. Bumili ako ng tatlong pregnancy kit. Malakas talaga ang kutob ko na buntis ako. Regular ako magkaroon kaya laging may nakahandang sanitary napkin sa bahay. dahil sa dami kong iniisip, nakalimutan ko na hindi ko pala nagamit ung nakahanda nung nakaraang buwan. Idagdag pa na lagi akong inaantok at nasusuka. Hindi pa naman ako nagcecrave sa isang specific na pagkain.

Pagkagaling ko sa pharmacy, dumiretso ako sa bahay. Sinalubong ako ni Fibbie, ung anak ni Sapphire. Sila lang kasi ni Tita Sandra ung nandito sa bahay dahil may pasok sina Sapphire, Jill at Candice.

"Hello po, Tita Cleo. Magaling na po ung daddy nyo?"sabi ni Fibbie sa 'kin pagkapasok ko pa lang ng bahay. Sobrang bibong bata talaga neto. Maswerte si Sapphire at nagkaroon sya ng anak na tulad ni Fibbie.

"Opo, aleng madaldal. Okay na po si tatay,"nakangiting sabi ko at umupo sa sala. Napagod kasi ako at medyo nahihilo.

Tumalon sya habang pumapalakpak. "Yehey! Buti po okay na si Daddy mo,"sabi nya. Pagkatapos, tumabi sya sa 'kin at bumulong. "Tita, si Daddy ko po ba, pwedeng pumunta dito? Sabi po kasi ni Mommy, hindi nyo daw po pinapayagan na pupunta si Daddy ko dito,"

"Daddy?"

"Opo. Si Daddy Blake po. Pumayag na po syang maging Daddy ko eh. Kaso po si Mommy, hindi naman po pinapapunta dito. Pano ko po makakasama si Daddy? Dapat po di ba, kasama ng baby ung daddy nya?"

Nakangiting ginulo ko ung buhok nya. "Ayos lang sa 'kin. Pero kailangan si Mommy po pa din ang pumayag, okay?"

Alam ko kasi, iniiwasan ni Sapphire ngayon si Blake. Hindi ko lang alam kung bakit. Hindi din naman kasi nagkwekwento si Sapphire eh.

Excited na kong alamin ung result ng pregnancy kit kaya iniwan ko na si Fibbie na nanonood ng TV.

Inilabas ko ung tatlong magkakaibang brand ng pregnancy kit na binili ko at sinundan ung instruction.

Kinakabahan ako habang nakatitig dun sa kit at nag-aantay ng resulta. Pagkaraan ng ilang minuto, dalawang guhit ung lumabas dun sa tatlong pregnancy kit na binili ko.

***

Malawak pa din ung ngiti ko habang papunta sa bahay nina Exer. Tumawag kasi ako sa secretary ni Exer, wala daw si Exer sa ospital kaya napagdesisyunan kong pumunta na lang ng bahay nila. Ayoko kasi syang tawagan dahil baka masabi ko sa kanya ung magandang balita. Gusto ko kapag sinabi ko sa kanya un, nakikita ko ung mukha nya. Gusto kong makita kung masisiyahan pa ba sya o ano. I want to treasure his reaction when I tell him about our first-born.

Kaya eto ako ngayon, nagtaxi na lang papunta sa bahay nila. Kinapa ko ung tatlong pregnancy kit na nasa loob ng bag ko. Sobrang saya ko talaga kanina nung makita ko ung resulta.

Nung makita ko ung supot ng sanitary napkins, malakas talaga ung kutob ko na buntis ako dahil regular ako magkaroon. Lagi akong nagstock buwan buwan ng sanitary napkins. Nawala lang sa isip ko na hindi ko pala ung nagamit dahil maraming nangyari these past few weeks. Hindi ko pala sya nagamit last month. Kaya pala lagi akong inaantok at nahihilo. Akala ko dahil lang sa stress. Pero hindi pa ko nagcecrave sa certain foods.

Naramdaman ko na lang na huminto na pala ung taxi. Hindi ko na namalayan na nandito na pala kami sa bahay nina Exer dahil sa dami kong iniisip. Agad akong nagbayad at bumaba ng taxi.

Ung guard ung nagpapasok sa 'kin pero pagpasok ko ng mismong bahay nila, nasa sala si Tita Yuriko. Nakangiting sinalubong nya ako.

"What brings you here, hija?"nakangiting sabi nya pagkatapos nya kong yakapin.

"May sasabihin lang po kasi ako kay Exer, tita,"sabi ko sa kanya pagkaupo namin.

"Naku. Wala sya dito ngayon. Did you try to call him?"

Napangiwi ako sa sinabi nya at umiling. "Hindi po. Gusto ko po kasi syang personal na kausapin. Wala po daw kasi sya sa ospital so I thought na nandito sya,"

Kinuha ni tita Yuriko ung phone nya. "Wait. I'll call him up. Mukhang importante ung sasabihin mo sa kanya eh,"nakangiting sabi ni tita yuriko.

Pagkatapos nyang kausapin si Exer, malawak ang ngiting bumaling sya sa 'kin. "He said that he's just buying something important. For the meantime, tulungan mo kong magprepare ng dinner for all of us. Pauwi na din kasi si Syrelle,"

Nakangiting tumango ako sa kanya at sabay kaming pumunta sa kusina. Pero dahil clumsy ako, nasanggi ng bag ko ung table kaya nahulog ung bag ko. Agad kong pinulot dahil nakasilip ng konti ung isa sa pregnancy kits ko. Pagkatapos kong ayusin ung bag ko, nilingon ko si Tita Yuriko. Mukhang hindi naman nya nakita dahil nakatingin sya sa ibang direksyon.

Tinulungan ko si Tita Yuriko sa pagprepare at paghiwa nung mga ingredients.

Pagkasalang pa lang ni Tita Yuriko ng ginigisa nyang bawang, parang bumaliktad ung buong sikmura ko. Dali-dali akong pumunta sa sink at sumuka.

Naramdaman ko na lang na hinahagod ni Tita Yuriko ung likod. Inalalayan nya din akong umupo.

Niyakap ako ni Tita Yuriko pagkatapos sumigaw sya. "Alexander, honey! Alexander, halika dito. Bilis!"

Medyo nahihilo pa ko kaya kahit nagtataka ako, hindi ko tinanong si tita Yuriko.

Agad na humahangos na pumunta si Tito Alexander. "Bakit, hon? May sunog?"

Pinakawalan ako ni Tit Yuriko at nilapitan ang asawa. "Oh my God, honey. We're going to be a grandparents soon,"

Napatingin ako sa kanilang dalawa at nanlaki ung mata ko.

"Don't deny it, sweetheart. I know that you're going to tell my son that he's going to be a father and besides nakita ko ung pregnancy kit,"nakangiting sabi ni Tita Yuriko sa 'kin.

Wala na kong nagawa kundi tumango. Hindi ko intensyon na mauna silang makaalam kesa kay Exer.

Nilapitan ako nilang dalawa. Niyakap ako ni Tita Yuriko. "Congratulations, hija. Thank you for this gift. And from now on, you should call me 'Mama,"

Pagkatapos si Tito Alexander naman ung yumakap sa 'kin. "Congratulations, hija,"

Nakangiti lang ako sa kanilang dalawa. Nawawala na ung hilo ko.

"But hija, wag mo munang sabihin kay Exer ngayon ang tungkol sa pagbubuntis mo,"

"Ano po?"nagtatakang sabi ko. "Bakit po?"

"I have a better plan,"she said and then she winked at me.

>>>tnx for reading... ^___^
---till next time... ^___^

Hot Doctor's Destined Love(ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon