HDDL 47 - Sick

69.5K 1K 47
                                    

Chapter 47

>>>Cleo's POV

"Masama po kasi ung pakiramdam ko. Sorry po talaga,"hinging paumanhin ko nang tumawag ako sa charge nurse namin. Duty na dapat ako ngayon pero nagsick call ako. Parang hindi ko pa din kayang magtrabaho sa estado ng emosyon ko ngayon lalo na at baka makita ko pa si Exer. Two days na ang nakaraan nung nangyari ung confrontation namin pero hanggang ngayon, kahit isang gahibla, hindi man lang nabawasan ung sakit. Mas lalo pa nga atang naging masakit dahil bukod sa mahirap matanggap na magpinsan kami, namimiss ko pa sya.

"Okay sige, Cleo. Magpacheck up ka na din. Lagot kami kay Doc Fuentes nyan,"sabi pa nya. "Or better yet, sa kanya ka na magpacheck up. Baka lovenat lang yan." Napangiti na lang ako nang mapait. Sana nga simpleng sakit lang 'to. At least kapag nainuman ng gamot, madali kang gumaling.

Tinext ko din si Tita Caroline na hindi ako makakapasok kasi nga sya pa din ung head nurse namin. Sinabi lang nya na magpagaling ako at wag pilitin pumasok sa mga susunod na araw kung hindi ko daw talaga kaya. Sobrang bait ni Tita Caroline kaya naguguilty ako sa pagsisinungaling na may sakit ako. Kailangan ko din palang magpresent ng medical certificate dahil nga umabsent ako. Valid kaya 'tong sakit ko? Sakit sa puso eh. Sana lang may naghohonor ng ganun. Napailing na lang ako sa sarili ko.

Hindi ko din naman gawain na basta na lang iwan ang trabaho ko, kaya lang kasi, mahirap magfocus sa trabaho kung alam mong maraming gumugulo sa isipan mo lalo pa at buhay ng tao ung hawak ko. Hinayaan lang din ako ni tatay na magmukmok muna dito sa bahay. Pero halatang nag-aalala din sya sa 'kin. Nagkausap na ulit kami regarding kay Exer. Humingi sya ng patawad. Kung naiba lang daw ang sitwasyon, matutuwa sya kay Exer dahil marunong ito na rumespeto sa magulang ng babaeng mahal nya at nakikita daw nya na mahal na mahal ako ni Exer. Isa pa, nakikita din nya na masaya ako. Kaya lang talaga, hindi talaga kami pwede sa isa't isa. Pero sinabi ko kay tatay na hindi naman nga kailangan humingi ng tawad dahil hindi naman nya un ginusto.

Nakatitig lang ako sa may binatana ng kwarto at pinipilit na wag mag-isip. Si Exer, sabi nya, wag daw ako sumuko pero kasi, parang sya nga sumuko na eh. After nung nangyarig confrontation, hindi na uli sya nagparamdam. Kahit text, wala. Pero siguro mas mabuti na din un para mas madali ko syang makalimutan. Naputol ang pag-iisp ko nang tumunog ung phone ko.

Sapphire calling...

"Cleo! Ano nangyari sa 'yo? May sakit ka daw? Asan ka ba? Magkasama ba kayo ni Exer?"sunud-sunod na tanong nya.

"Okay lang ako. Medyo masama lang talaga pakiramdam ko. Nandito ako sa bahay,"matamlay kong sabi.

"Gusto mo ba puntahan kita dyan? Ikaw pa naman kapag may sakit, parang hindi nurse, hindi marunong uminom ng gamot,"sermon ni inang reyna. Para talagang nanay namin yan si Sapphire. Ayoko kasing umiinom ng gamot at alam un ni Sapphire. Nakakasuka kaya ang gamot.

"Hindi na kailangan, Ire. Babalik din ako bukas. Pahinga lang kailangan nito,"tanggi ko sa kanya. Kailangan ko lang talaga mapag-isa para kumbinsihin ang sarili ko na kalimutan si Exer.

"Sige. Tawagan mo ko kaagad kapag kailangan mo kami ha? Pagaling ka,"bilin nya s kin.

"Okay. salamat,"

Pagkababa ko ng phone, si Jill naman ang sumunod. Saglit lang kami nag-usap dahil nasa duty pala sya. Gusto nya lang ako kumustahin. Ipinaalala nya din sa 'kin na uminom ng gamot.

Sumunod na tumawag si Candice.

"Cleo? May sakit ka daw?"sabi nya sa 'kin. Unang sabi pa lang un ni Candice, umiyak na ko. Akala ko ubos ko na ung luha ko kakaiyak ng dalawang araw. Hindi pa pala. Alam ni Candice na kahit may sakit ako minsan, pinpilit ko talagang pumasok.

"Anong nangyari sa 'yo? Sinaktan ka ba ni Exer?"may galit na sabi nya. "Sandali susugurin ko lang sya. Tatawagan uli kita mama---"

"Wala... Wala syang ginawa, Candice,"umiiyak kong sabi. Sana nga lang may ginawa na lang sya o kaya ako, at least mas madaling tanggapin.

"Anong nangyari? Ang tatay mo na naman ba? Akala ko ba okay na kayo?"

"Ayos lang kami ni tata. Pero may pinagtapat sya sa 'kin..."

"Ano?"

"Exer and I are cousins..."umiiyak pa ding sabi ko. Dahil si Candice nga pinakakaclose ko sa 'min, madali kong nasasabi ung mga problema ko sa kanya. I'm just wishing na sana nandito ung mga kaibigan ko.

"Ano???!!!!"

***

>>>Candice's POV

Hindi pa din ako makapaniwala sa sinabi ni Cleo. Hindi ko akalain na sa dinami-daming tao dito sa mundo, tito pa ni Exer ang magiging tunay na tatay ni Cleo.

Kaya pala masama ang kutob ko nung nakita ko ung picture nung tito ni Cleo at ni Tita Elena. Dahil pala dito. Kahit si Jill, iba ang pakiramdam nya nung nakita ung picture na yun lalo pa at alam namin na hindi tunay na anak ni Tito Francisco si Cleo.

Naaawa tuloy ako kay Cleo. Sobrang hirap ng sitwasyon nya ngayon. Nakita ko kung pano nya minahal si Exer. Si Exer lang din kasi ang minahal nya. Hindi ko yan nakita na may pinag-ukulan ng pansin na lalaki, si Exer lang talaga. Makikita ng kahit na sino kung gano nga kamahal si Exer. At si Exer, nakita ko din kung gano nya kamahal ang kaibigan ko. Isa ako sa saksi kung pano nila binuo kung ano man ang meron sila ngayon kaya nasasaktan ako para sa kanila.

Pero hindi ba nararamdaman mo naman ung tinatawag nilan lukso ng dugo? Hindi kaya nila un naramdaman. Nabobother din kasi ako sa klase ng pagmamahalan nilang dalawa eh. Hindi kasi sya basta basta lang.

Agad kong tinawagan ang Charlie's angels. Este ung mga kaibigan namin, kasama syempre sina Syrelle at Jewel. There must be a mistake somewhere. Hindi ko lang talaga alam kung ano kaya kailangan naming alamin kung ano man un. Si Cleo kasi minsan, may pagkasunga. Tatanggapin na lang kung ano ibabato sa kanya. Hindi man lang uso ang tanong at imbestigasyon. Conclude agad, wala pa ngang evidences.

"Girl, may bago tayong mission,"sabi ko kaagad kay Jewel pagkasagot nya ng tawag ko.

Napangiti ako pagkatapos kong tawagan silang lahat. Tsaka na kami magtutuos ni Exer. Naiinis din kasi ako sa kanya. Basta na lang nyang iniwan din si Cleo sa probinsya. Duh? Tanggap na agad nya pagkatapos ng lahat ng nangyari sa kanila? May kasama pa namang SPG dun.

>>>tnx for reading... ^___^
---till next time... ^___^

Comments please... ^___^ malay nyo mas madalas update kung madami akong mabasang nakakatuwa. At pag natuwa ako, pagbabatiin ko na sila. ^___^ pero comments muna. ^___^V

Hot Doctor's Destined Love(ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon