HDDL 46 - Cousins?

68.9K 1K 65
                                    

Chapter 46

>>>Exer's POV

Hindi ako nakatulog nang maayos kagabi dahil sa kakaisip kay Cleo. Kanina pa din ako nag-aantay ng oras. She said that we would meet at 6pm. 5pm pa lang sa orasan pero parang pakiramdam ko sa susunod na taon pa ang aantayin ko.

I really don't have any idea what happened to her. Talaga bang ayaw ng tatay nya sa 'kin kaya ganun na lang ung sabi nya kagabi sa tawag? I can prove to both of them that I love her so much. Malinis ang intensyon ko sa kanya at tanging kasal ang gusto kong ioffer sa kanya. But something is really bothering me. Cleo is not a type of person that can be persuaded easily. She got her own damn beautiful mind to decide what she wants. So, I know that there's a big reason why she acted that way.

5:30 pa lang umalis na ko sa hotel kahit na malapit lang naman ung restaurant. I need to see her not only because I wanna know her reasons but because I miss her so much. I want to see her gorgeous face that can easily make me lose my breath.

Pagbaba ko ng sasakyan, pumasok agad ako ng restaurant. Sinalubong naman ako ng maître d'. I said my name and she immediately assisted me.

Agad kong nakita si Cleo kaya nagpasalamat lang ako dun sa babae at tumalikod na.

Her beautiful face is full of sadness. I can see that she's just holding her tears. Naglakad ako sa kanya at hinila sya patayo. I can't bear seeing her like this. "I miss you,love" I said before claiming her lips in a passionate kiss. Every time I taste her lips, I feels like God really bless me. He gave me one of His precious bleessing, Cleo. How I miss her kahit na kahapon lang kami huling nagkita. I opened her mouth to deepen the kiss. Napatigil ako sa paghalik sa kanya nang bigla syang hindi tumugon. Pinilit kong wag masaktan sa inakto nya. She doesn't want my kisses anymore?

Inilayo ko sya sa kin at tinitigan,"What happened, love?"

Lumayo sya sa 'kin at umupo sa silya. Pinaupo nya din ako sa silyang katapat nya. Nagtataka na talaga ako sa mga ikinikilos nya. May nagawa ba akong mali?

I saw that she took a deep breath before she looked at me directly in the eye. "Kailangan na nating tapusin kung ano man ang meron tayo,"

Pain and shock instantly clouded my mind because of what she said. What the fvck did she say?

Hinampas ko ang mesa. "What the fvck, Cleo?"

"Sorry, Exer. Sorry,"sunud-sunod na sorry ang narinig ko sa kanya habang umiiyak sya.

Gusto ko syang aluin at punasan ang luha nya pero hindi ko magawang lumapit sa kanya. I can't understand how can we end this wonderful thing between us. We love each other. And that's what important. O ako lang ba ang nagmamahal?

"May iba ba ha?"pinipigil ko ang galit at sakit na nararamdaman ko. "O dahil lang ayaw ng tatay mo sa 'kin? I thought you're better than that Cleo?"sarkastiko kong sabi. Iyon lang naman ang dahilang kaya kong isipin.

"Hindi. Hindi sa ganun,"umiiyak nyang sabi.

"Hindi sa ganun? Sabihin mo sa 'kin kung bakit! Ipaintindi mo sa 'kin kung bakit bigla biglang gusto mong tapusin kung ano man ang meron tayong dalawa na parang ikaw lang ang nasa relasyong ito!"

"Dahil magpinsan tayo!"sigaw nya sa 'kin.

Parang bombang sumabog sa tenga ko ung sinabi nya. What? We're cousins? Ampon ako?

***Cleo's POV

"What the fvck, Cleo?"

Gusto kong mapangiwi dahil sa sigaw nya. Masakit din na tinawag nya ko sa pangalan ko. I'm used to his endearment and sweet voice. Gustong gusto ko pag tinatawag nya ko gamit ung endearment namin.

"Sorry, Exer. Sorry,"sabi ko sa kanya. Kung sana kaya kong ako na lang umako nung sakit para sa 'ming dalawa. Ang hirap makita syang ganyan.

"May iba ba ha? O dahil lang ayaw ng tatay mo sa 'kin? I thought you're better than that Cleo?"sarkastiko nyang sabi. Alam ko namang sinabi nya lang un dahil sa sakit.

"Hindi. Hindi sa ganun,"sabi ko sa kanya. Ayoko isipin nya na kaya kong syang ipagpalit. Kung hindi ganito ang sitwasyon, hinding hindi ko iaattempt na ipagpalit sya. He's always more than enough for me.

"Hindi sa ganun? Sabihin mo sa 'kin kung bakit! Ipaintindi mo sa 'kin kung bakit bigla biglang gusto mong tapusin kung ano man ang meron tayong dalawa na parang ikaw lang ang nasa relasyong ito!"

"Dahil magpinsan tayo!"Sigaw ko sa kanya. Parang bigla akong kinapos ng hininga pagkatapos kong isigaw un. There, I said it.

Halatang natigagal sya sa sinabi ko. Ilang segundo bago nagkaroon ng emosyon ung mukha nya.

"What? Is this your way of saying you're done with me? With us?"

"No, Exer. It's true. We're already done even if we doesn't want to,"mapait kong sabi. Bakit kasi napakalupit ng tadhana sa min?

"How, Cleo? How can you be my cousin?"

"Alam mo namang namatay ang nanay ko pagkatapos kong ipanganak, hindi ba?"paninimula ko. Pinipilit kong hindi umiyak. Tumango lang sya kaya ipinagpatuloy ko. Ikwinento ko sa kanya kung pano hindi magkaroon ng anak sina nanay dati hanggang sa isang araw, makita ito ni tatay na may kasamang lalaki. Pagkatapos, nalaman nya na buntis si nanay. Ikwinento ko din kung pano inihabilin ako ni nanay kay tatay. "Si Tito Leandro ang lalaking kasama noon ni nanay. Ang sabi ni tatay, si Tito Leandro ay dating kasintahan ni nanay bago nya nakilala si tatay. Mahal na mahal daw nila ang isa't isa pero may isang malaking gulo na nangyari kaya sila naghiwalay at nakatuluyan nga ni nanay si tatay."

"Pero..."

"Pero panong nangyari na hindi ako binigay ni tatay sa tunay kong ama? Hindi ko din talaga alam. Exer, kamukhang kamukha mo si Tito Leandro kaya nang makita ka ni tatay kahapon, tinanong ka agad nya ng pangalan mo. Doon nya nakompirmang magkamag-anak kayo ni Tito Leandro. ayaw na sana nyang balikan pa ang nakaraan pero nang makita ka nya na hawak ang kamay ko, parang bigla daw bumalik sa kanya ang lahat. Ayaw ka ni tatay para sa 'kin, hindi dahil sa 'yo kundi dahil sa koneksyon ko sa pamilya mo,"mahaba kong sabi. Bakit ganun? Parang lalong bumigat ung dibdib ko pagkatapos kong sabihin sa kanya ang lahat.

Tumayo sya at hinila ako palabas ng restaurant.

"Teka..."

Hindi nya ko pinansin at dire-diretso lang syang pumunta sa sasakyan nya.

Pinilit kong hinila ang kamay ko mula sa kanya. "Exer, ano ba?"

Hindi nya ko pinansin at basta na lang nya ko isinakay sa passenger seat bago sya lumikod sa driver's seat.

"Exer! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?"singhal ko sa kanya.

Niyakap nya ko nang mahigpit. "Don't you ever decide for both of us, Cleo,"

Nagsimula na namang mamasa ung mata ko dahil sa sakit na naririnig ko sa boses nya. "Don't make it hard for both of us, Exer,"

Inilayo nya ako at ikinulong nya ung mukha ko sa dalawa nyang kamay. Doon ko nakita na umiiyak na din pala sya. Bakit kasi kailangang sa 'ming dalawa pa nangyayari 'to? Hindi ba alam ni destiny kung gano namin kamahal ang isa't isa?

"Shhh. What I feel for you doesn't count as family love. Please, please, Cleo. Don't you just give up easily. Hindi pwedeng magpinsan tayo,"

"Pero kamukha mo si Tito Leandro at sya ang tunay kong ama,"

"There must be a mistake,"

"Please, Exer. Mas nasasaktan at nahihirapan ako sa inaakto mo. Tanggapin na lang natin na hindi talaga tayo para sa isa't isa,"

"I can't,"matigas nyang sabi. Hinalikan nya ako sa noo at bumulong."I'm sure that we're not cousins. I don't know how but my heart tells me that you'll always be my wife and I'll make sure that it will happen,"

"Exer, no. You'll just hurt ourselves,"umiiyak kong sabi at kumalas sa kanya. Dali-dali akong bumaba ng sasakyan nya at pumara ng tricycle.

Bakit ba hindi nya maintindihang magpinsan kami?

>>>tnx for reading... ^___^
---till next time... ^___^

Vacation Leave ko kaya may time magsulat. Pero magulo pa din ang utak ko kaya pasensya na sa lame updates. Samahan nyo ko gumala dahil VL ko. XD

Hot Doctor's Destined Love(ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon