HDDL 49 - Fashion Show

76.1K 1.1K 64
                                    

Chapter 49

>>>Cleo's POV

"Kailangan ko pa bang sumali sa fashion na 'to? Pwede bang si Candice na lang pumalit sa 'kin?"sabi ko kay Jewel. Ilang beses ko nang tinanong si Jewel about dito pero ayaw nyang pumayag. "Alam mo naman ang sitwasyon namin ni Exer diba?"

Nandito kami sa dressing room ni Jewel. Nakahiwalay kasi ung sa room ni Jewel kasi nga sya ung designer. Bale eto na din ung pinagamit nya sa 'min. Nauna kaming dumating dito compared sa ibang models and ibang staff. May aasikasuhin pa daw kasi si Jewel bago magsimula ang show.

"Alam ko pero kung babaliin mo lang yung pinag-usapan natin, I won't talk to you for one month,"nakasimangot na sabi nya sa 'kin. "Tsaka hello? It's been a week simula nung nalaman mo un. Siguro naman nabawasan na kahit papano yang emo side mo. You have to do this to prove to yourself that you're stronger than you think you are,"

"Pero kasi,"sabi ko sa kanya. Hanggang ngayon kasi, masakit pa din. Tama ba ang desisyon ko na hiwalayan na lang sya o tama ung sinabi ni Exer na dapat hindi ako nagdesisyon para sa 'ming dalawa? Sinabi din kasi ni Candice na sa 'kin na basta basta na lang ako nagdedesisyon nang hindi pinag-iisipan ang lahat.

It's been a hell week for me without Exer. Nung isang araw lang ako bumalik sa trabaho dahil na din pinilit ako ni tatay na bumalik na dito. Hindi ko nga alam kung ano trip nun ni tatay eh. Bigla na lang kasi nya akong niyakap nung isang beses at parang maiiyak-iyak sya. Sinabi nya din kung gano nya ako kamahal at kung gano sya kaswerte sa 'kin. Sabi pa nya, maswerte daw ang lalaking mamahalin at magmamahal sa 'kin. Asikasong-asikaso nya din ako nung nandon ako hanggang nga nung isang araw, pinaalis nya ko sa bahay. Kelangan ko daw magtrabaho na at huwag magmukmok sa bahay. Ang weird lang talaga ni tatay.

"Wala nang pero pero. Nandito na tayo kaya hindi ka na pwedeng magback out. Tandaan mo, nandito din sa Sapphire dahil na din gusto ka nyang tulungan,"paalala nya sa 'kin. Naguilty naman ako bigla. Ayaw kasi talaga ni Sapphire sumali dito kaya lang napilitan sya dahil na din sa 'kin, sa 'min ni Exer. "Dito ka muna, may aayusin lang ako sa labas. Dito mo na antayin ung mag-aayos sa inyo. Maya-maya siguro nandito na din si Sapphire. Medyo malelate daw sya dahil hindi nya maiwanan si Fibbie dahil may sakit,"

Fibbie is Sapphire's daughter. Sa apartment na namin sya nakatira kasama ung Mama ni Sapphire. Hindi ko akalain na may anak na pala si Sapphire. Wala kasi syang sinasabi sa 'min. Bale nung mga araw na wala ako, doon nya pinakilala Fibbie. We instanly love the child kahit na sobrang daldal at hindi talaga nawawalan ng energy. Madaming tanong lagi at kahit ano din itanong mo sa kanya, nasasagot nya. Matalino at bibo sya kaya nakakatuwa.

Naiwan ako na nakatitig lang sa salamin. Kaya ko na kayang makita si Exer nang hindi umiiyak? I miss him terribly. I felt like my heart was ripped off inside my chest.

Pero kailangan kong gawin 'to. I just pray that I won't hug or kiss him when I see him later because that's all I want to do with him right now.

***

>>>Exer's POV

"Handa ka na ba sa gagawin mo mamaya?"nakataas ang kilay na tanong sa 'kin ni Jewel. Kanina pa ko nandito sa venue ng fashion show nya.

"Of course, pet. I can't wait to hold her in my arms. Kung hindi dahil sa 'yo, hindi ko kailangang magtiis nang ilang araw,"sarcastic kong sabi kay Jewel.

"Cut it out, Ken. Hindi lang naman hold ang gagawin mo kaya magtiis ka dyan. Being celibate for a few days can be good you know. And besides, you both deserves this. Aba, ikaw, naging girlfriend mo na sya nang hindi mo man lang sya nililigawan nang maayos. At sya, hinayaan ko lang syang marealize nang konti ung pagdedesisyon nya nang basta-basta,"nakapameywang pang sabi nyang sabi sa 'kin.

"Fine. Fine,"sabi ko na lang sa kanya. Hahaba pa kasi ung sermon nya kung hindi ako sasang-ayon. I just miss my Cleo that's why after I learned the truth, I want to tell her right away. But I guess, Jewel's right. Cleo and I rushed things out in our relationship.

Naalala ko tuloy ung usapan namin ni Tatay Francisco nang araw na iyon.

>>>start of Flashback

"Hindi sa pinapaalis kita, hijo. Pero parating na ang anak ko. Ayokong abutan ka pa nya. Alam mo naman na ang tunay nyong kaugnayan hindi ba?"Tatay Francisco said. May binili lang daw sa palengke si Cleo kaya wala sya dito. In fact, I saw her leaving earlier so I took the opportunity to talk to Tatay Francisco. It's that brat's fault kaya hindi ko pwedeng makausap ang mahal ko.

"Iyon nga po ung ipinunta ko ho dito. Hindi po ako magtatagal. Kayo po talaga ang gusto kong makausap. Isang importanteng bagay po ang kailangan nyong malaman,"

Naguguluhan ang itsura nya sa sinabi ko pero agad din syang nakabawi. "Sa tingin ko, hindi na iyon importante. Kailangan nyong maghiwalay ni Cleng. Makakali---"

"Kayo po ang tunay na ama ni Cleo,"I blurted out. Halatang nagulat sya sa sinabi ko.

"Anong ibig mong sabihin? Si Elena ko ang mismong nagsabi sa 'kin na hindi ako ang ama ni Cleng. Imposibleng nagsinungaling sya,"

"Pasensya na po pero iyon po ang totoo,"I said seriously without breaking our eye contact.

Tinitigan nya ako nang mataman. "Sumunod ka sa akin,"

Dun kami humantong sa isang kubo na medyo malayo sa bahay nila.

"Anong sinasabi mo na anak ko si Cleng?"may bahid na galit na sabi nya sa 'kin. "Kung sinasabi mo lang yan para maging kayo ng anak ko, sinasabi ko sa 'yo, ako ang makakalaban mo,"

I told him what Uncle Leandro told me. Nung una, ayaw pa nyang maniwala, I even offered a DNA test. Pero nang sabihin ko ung huling hiling ni Tita Elena, doon na sya naniwala. I guess his heart always know how his partner feels and think.

"Ang aking Elena.."naiiyak na sabi nya pagkatapos kong ikwento sa kanya ang lahat. "Kaya pala pinilit nya na ako ang mag-alaga kay Cleng,"

Hinayaan ko syang isipin lahat ng sinabi ko. I know how difficult it was for him because all things he know about his wife are completely the opposite. Tita Elena only wanted to bring utmost joy to the one she loves in exchange for her own life. I think that was a true love meant to her. You go beyond what your love needs.

Nang mahimasan sya itinaas nya ung kamay nya sa 'kin at ngumiti. "Malaki ang pasasalamat ko sa iyo at sa Uncle mo ang bagay na 'to. Maswerte ang anak ko na ikaw ang minahal nya. Sa tingin ko, pinagtagpo kayo ng tadhana para ipagpatuloy ang pagmamahalan na hindi natupad nina Elena ko at ni Leandro. Ipinapaubaya ko na si Cleng sa 'yo pero hindi ibig sabihin nun, sasaktan mo na sya. Hindi din maaaring may mangyari na sa inyo habang hindi pa kayo kasal,"

Tinanggap ko ung pakikipagkamay nya pero gusto kong mapangiwi. Una pa lang, sumablay na ako. Cleo and I made love for a couple of times. But still, I love her and I intended to put a ring on her finger. "Makakaasa po kayong hindi ko sya sasaktan,"

Hindi ko na sinagot pa ung tungkol sa huli nyang sinabi. I might slipped that we already did it.

***End of Flashback

***

"Ken, be ready. Magsisimula na ang show. Tandaan mo, sa dulo pa mangyayari ang sorpresa natin kay Cleo kaya wag na wag mo syang yayakapin o hahalikan during the show. Maliwanag?"

"How many time do you intend to tell it, pet? Ever since you pulled this plan, you say it every once in a while,"

"I'm just making sure you'll follow my instruction,"she snorted.

"Exer! Be ready! You're next!"sigaw ng floor director na nagpatigil sa 'min ni Jewel.

At the end of this night, Cleo will be back in my arms.

>>>tnx for reading... ^___^
---till next time... ^___^


Comments please ^___^

Hot Doctor's Destined Love(ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon