HDDL 13 - Return

213K 2.1K 123
                                    

Chapter 13

"Ahmmm. Sya ung kwenento ko sa 'yong lalaki nung gabing 'yon,"kagat-labing pag-amin ko.

"What?!!"bulalas nya.

Napangiwi ako sa halos pasigaw nyang sabi.

"Aray, Candice. Ang sakit sa tenga. Baka may magising ka pang mga tulog na,"reklamo ko sa kanya.

"Bakit may gising bang ginigising pa?"sarcastic na sabi nya.

"Oo, nagtutulug-tulugan,"nakangising sagot ko. Gusto ko lang idivert ang usapan.

"Che! Nilalayo mo ang usapan. Panong nangyaring ang isa sa pinakahot doctor ng bansa na si Dr. Exer Fuentes ay ang lalaki nung gabing un?"napakamaywang nyang sabi.

Hinila ko muna sya kasi nakatingin na sa min ung guard ng subdivision.

"O, ano?"impatient na sabi nya nung medyo malayo na kami sa guard house.

"Hindi ko rin alam. Basta nagulat na lang ako na sila pala may-ari nung hospital na un,"

"Eh pano yan? Nakakailang kaya un. Tapos iniwan mo pa sya nung umagang un,"

"Tinanong nga nya ako agad dun eh. Pero pinakiusapan ko na wag na naming ungkatin ang nangyari,"

"Ay sayang naman,"parang hinayang talaga sya pagkasabi nun.

"At bakit sayang?"nagtatakang tanong un.

Nag-angat sya ng tingin. Tapos ung itsura nyang nanghihinayang, naging mapanukso. "Sayang hindi ka na makakaisa pa,"

Biglang nag-init ung pisngi ko sa sinabi nya. Naalala ko na naman kasi ung 'gabing' iyon. Nahampas ko tuloy sya nang wala sa oras,"Puro ka kalokohan,"

Humalkhak sya. "Pero, girl. Kung ganun lang talaga kahot ang pagbebentahan ko ng napasexy kong katawan, sana ako na nagvolunteer na pumalit sa pwesto mo,"

"Bakit? Kaya mong sumayaw?"

"Sabi ko nga kasi sa 'yo. Ikaw lang may keri nun sa 'ting apat. Bakit pa ko magvovolunteer kung nandyan ka naman?"nakangisi nyang bawi. Hindi kasi marunong sumayaw si Candice. Sabi nga ni Jill, parehas kamay daw ang paa ni Candice.

"Nahahawa ka na kay Jill. Nagiging lukaret ka na rin,"

"Hindi kaya. Iba ang level nung babaeng un,"sabi nya. Tapos bigla syang huminto kaya napahinto na rin ako. Nandito na pala kami sa apartment namin. Papasok na dapat ako nang pinigilan nya ako at seryosong nagsalita.

"Cleo, alam ko na kahit anong pangungumbinsi mo sa sarili mo, naaapektuhan ka pa rin ng nangyari nung gabing yun. Hindi ko sinasabing tama un pero masaya ako na si Dr. Fuentes ang lalaking un. Hindi dahil hot sya kundi dahil alam ko kung gano sya kabuting tao. Maswerte ka dahil sya ang nakita mo nun. At nakita ko kung pano ka naging aligaga nitong mga nakaraang bwan pagkatapos nung nangyari. Something happened between the two of you. It's beyond that 'act' itself. Hindi mo siguro un napapansin o hindi mo pa ina-acknowlege. Pero kung ano man ang mangyari sa mga susunod na mga araw, tandaan mong nandito lang kami,"seryosong sabi nya.

"Alam ko. Thank you,"sinserong sabi ko.

"Ang hirap namang maging maganda, nahirapan tuloy akong irehearse sa isip ko ung payo kong iyon,"nakangising reklamo nya.

"Anong connect ng pagiging maganda mo sa payong kaibigan mo?"natatawang sabi ko.

"Ewan ko rin. Basta meron,"

"Tara na nga. Antok lang yan,"yaya ko sa kanya.

Pagpasok ko sa room namin, nanatili lang akong gising kahit na pagod na pagod ako. Iniisip ko ung sinabi ni Candice na beyong that 'act' itself. Ano kayang ibig sabihin nya dun?

Hot Doctor's Destined Love(ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon