HDDL 48 - Real Father

73.3K 1.1K 96
                                    

Chapter 48

>>>Jewel's POV

"Naiinis talaga ako kay Cleo,"sabi ni Jill. Nandito kami sa apartment nila para malaman ung totoo.

"Bakit naman?"tanong ko sa kanya.

"Naturingan syang matalino, hindi man lang gumamit ng utak. Tinanggap na lang agad nya nang ganun-ganun lang?"

"Girl, don't you know na ang pinakamatalino daw na tao ang pinakatanga pagdating sa pag-ibig?"sagot naman ni Syrelle. "Mas inuuna daw kasi ang emosyon kesa sa pag-iisip"

Si Sapphire lang ang kulang sa 'min. Hindi din namin alam kung nasan.

"Kahit na. Simpleng bagay lang naman un, hindi nya kayang isipin?"naiinis pa ding sabi ni Jill.

"Naku, Jill. Wag ka magsalita dahil ganyan ka din naman minsan,"saway ni Candice.

Natameme naman si Jill sa sinabi ni Candice.

"So, what's the plan?"tanong ni Jewel.

"I think we just have to talk to Uncle Leandro and Tito Francisco. Sila naman ang involve dito,"sabi ko. Sayang naman ung pagmamatch ko sa kanila kung eto lang ang dahilan ng paghihiwalay nila.

***

Sina Candice na ang nagprisintang kausapin si Tito Francisco. Kami naman ni Syrelle ang pumunta sa bahay nina Uncle Leandro.

Pumunta agad kami sa mansyon nina Uncle Leandro.

"Nandyan ba si Uncle, Manang Caring?"tanong agad ni Syrelle pagkapasok namin sa mansyon. Sya ang mayordoma dito.

"Oo, hija. Nasa garden po sya kasama ni Ma'am Athena,"nakangiti nyang sabi. "Gusto mo bang tawagin ko si Sir?"

"Wag na po, Manang. Kami na lang ang pupunta,"tanggi ko sa kanya. Nakakapunta naman kasi kami lagi dito nina Ken. Mabait kasi si Uncle Leandro kaya lagi kami dito dati nung mga bata pa kami. Lagi yang may bigay ng mga chocolates at laruan dati eh.

dahil nga lagi kami dito dati, alam na naman ung pasikot-sikot sa bahay nila kahit na sobrang laki nitong mansyon.

Nakita agad namin na nagkwekwentuhan sila habang nagmemeryenda ni Athena.

"Hi, Uncle,"masiglang bati ni Syrelle at lumapit para humalik kay Uncle Leandro. Ganun din ang ginawa ko.

"Hi, Syrelle. Hi. Jewel,"matamis ang ngiting sabi ni Athena sa 'min. "Lika, sabayan nyo na kaming kumain ni Daddy,"

Ngumiti lang ako ng tipid sa kanya. Sa totoo lang kasi, mabigat ang dugo ko sa kanya. Hindi ko lang alam kung bakit. Wala naman syang ginawa sa 'kin pero may mali talaga sa kanya eh. Masyado syang pasweet tsaka feeling close. Napaplastikan din ako sa kanya.

Umupo ako opposite nung upuan ni Athena. Baka mahawa pa ko sa kaartehan nya.

"Anong meron sa araw na 'to at madaming nadalaw sa 'kin?"nakangiting sabi sa 'min ni Uncle Leandro.

"Kakaalis lang kasi ni Kuya Exer,"sabi ni Athena.

Tinatanong ko ba? Gusto ko sanang sabihin sa kanya. Isa pa yan sa kinakaasar ko sa kanya. Kuya sya nang kuya kay Ken pero kapag nakatingin kay Ken parang si Ken ang gumawa ng langit at lupa. Halata namang may gusto sya kay Ken pero kunwari kuya lang tawag nya. Ano un? Incest lang? Tsk. O para lang makalapit sya kay Ken. Pasensya na lang sya, mas close ako kay Ken.

"Kagagaling lang po ni kuya dito?"tanong ni Syrelle kay Uncle. Halatang hindi nya pinansin si Athena. Gusto ko tuloy tumawa nang malakas.

"Oo, hija. May mga tinanong lang,"

Hot Doctor's Destined Love(ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon