HDDL 22 - Love and Respect

175K 1.6K 113
                                    

Chapter 22

>>>Jewel's POV

"Cut it out, pet,"naaasar na sabi Ken sa kin.

"Ikaw naman kasi, Ken eh. No kissing on your first date,"nakangisi kong sabi sa kanya.

Nandito kami sa loob ng bahay kasi hinila ko sya. Gusto ko lang syang pagsabihan at the same time asarin. Kasi naman, kung hindi ko sila tinawag kanina, malamang naghalikan na talaga sila ni Cleo. Not that I'm jealous or anything. Ang kaso kasi, masyadong mabilis ang lalaking 'to. Baka imbes na maging maganda ang kakalabasan ng love story nila, maudlot pa.

"We did more than that,"mahina nyang sabi pero narinig ko pa rin kahit na malakas ang music sa labas.

"Ano un?"kunwari hindi ko narinig. Gusto ko lang iconfirm nya sa kin ung hinala ko na may kung anong nangyari sa kanilang dalawa. Hindi ko lang matukoy kung ano, kelan at pano.

"Wala. Sabi ko, bumalik na tayo sa labas, pet,"

Hindi na ko nakakibo kasi nauna na syang lumabas. Hindi pa ko nalabas agad dahil may nagsalita sa likod ko.

"You and your matchmaking project again, my dear,"

"Mom!"gulat na sabi ko. Alam nya ang mga kalokohan ko. At lagi din nya akong pinapaalalahanan. As if naman masyadong delikado ginagawa ko. I'm just helping them, right?

"I'm just warning you,"

"Alam ko po. Just trust me on this. I know what I'm doing,"I said sweetly at her.

Mom just rolled her eyes before going back to the party.

Bumalik na rin ako sa party. Sayang lang at ung dapat na kadate ko, inuna pa ung business conference sa Japan. Bahala sya sa buhay nya. Manlalalaki ako. I smiled at my own naughty thought.

***

>>>Sapphire's POV

Kanina pa ko nababagot dito. Bakit ba kasi pumunta-punta pa ko sa party na 'to. Hindi ko naman talaga gusto ang mga party na tulad nito eh. Un kasing pervert na un eh. Tapos iiwan lang din pala ako sa mesa. Kung hindi ka ba naman makukunsumi.

Napagpasyahan kong pumunta na lang sa pool area. Nasa gilid lang un ng mismong pinagdarausan ng party. Halos walang katao-tao sa parteng ito pero mula dito, kita naman ang nagaganap na kasiyahan.

Nakita kong kasayaw ni Blake si Cleo. Halatang nahihiya si Cleo kahit na nakikipagtawanan ito kay Blake. Si Blake naman, kumikislap ang mata.

Napabuntong hininga ako. I'm a little bit jealous. Not because I like Blake. Nagseselos at naiinggit ako dahil alam kong totoo ung pinapakita ni Blake kay Cleo. Hindi tulad ni...

I shook my head to clear off my mind. Hindi na dapat balikan pa ang nakaraan.

Napabuntong hininga na naman ako at iniwas ang tingin sa kanila. Pagkatapos, tinutok ko ang paningin sa pool. Ang ganda tignan nung pool. It looks magical because of the moon and the lights surrounding it.

Dati, katulad ako ng iba na naniniwala sa fairy tale at umaasa na totoo ang magic. Sino bang may ayaw ng 'happy ever after'? Halos wala di ba? Dahil un naman ang gusto ng mga tao, maging masaya. Iba't ibang klase nga lang. At ako ung isa sa mga gusto ng 'happy ever after' kasama ng isang taong mahal ko. Pero unti-unti ung nasira at nakalimutan.

"Amazon princess, nakailang buntong-hininga ka na ah?"

Napalingon ako sa nagsalita. Nagulat pa ko na nandito na naman 'tong perv na 'to.

"Wala kang pakialam. Bumalik ka na lang nga dun,"I snapped at him. Panira ng moment 'to eh.

Pero imbes na bumalik, tumabi lang sya sa kinauupuan ko.

Hinayaan ko na lang sya dahil wala namang saysay makipagtalo dito. Isa pa, masyadong nakakaubos ng energy makipag-usap sa kanya dahil namimilosopo pa sya.

Ibinalik ko na lang ang atensyon sa party. Si Doc Exer na pala ang kasayaw ni Cleo. They looked perfectly together and I can see that there's something between them.

"She's really beautiful,"bulong ng katabi ko. Tinignan ko sya pati ang tinitignan nya. Si Cleo pala ang tinutukoy nya.

"May gusto ka kay Cleo?"hindi nakatinging tanong ko kay Blake.

"Wala,"sagot ni Blake.

Napatingin ako sa kanya.

"Wala kang gusto sa kanya?"tanong ko.

"Wala. It's because I think I'm in love with her,"matapat nyang sabi. Nandun na naman ung kislap ng mata nya habang nakatingin kay Cleo.

Pagkatapos, bumaling sya sa kin. I was greeted by his handsome face. Mas lalong syang naging gwapo dahil sa tama ng ilaw sa mukha nya.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at para akong pinangangapusan ng hininga habang nakatingin sa mukha nya.

'What is this? What is happening to me?'sigaw ng isip ko.

***

>>>Cleo's POV

Hindi ako makatingin ng diretso kay Exer habang nasaway kami. Hindi ko pa rin makalimutan ung nangyari, rather ung muntik nang mangyari. That moment brought back the memory of the fateful night months ago. The emotions I felt when I was at Exer's arms brought pleasurable sensations to my whole system.

"It wouldn't hurt if you look at me, kitten,"naaliw na sabi sa kin ni Exer na napapitlag sa kin. Sa tapat kasi ng tenga ko sya nagsalita.

Hindi ko sya pinansin at nanatili lang akong nakayuko.

Hinawakan nya ung ilalim ng baba ko at itinaas ito. "Better,"sabi nya na nakatingin nang diretso sa mata ko.

Hindi ko kaya ung intensidad ng tingin nya kaya iniwas ko ung tingin ko. Nakita ko si Ate Krystal kasayaw ung asawa nya. They look so in love with each other. Ang ganda pa rin ni Ate Krystal kahit na umbok na umbok na ung tyan nya. Kabuwanan na nya kasi.

Ipinakilala sa kin ni Exer kanina ang mag-asawa. Natuwa ako sa kakulitan ni Ate Krystal. She's so bubbly.

Napabuntong hininga si Exer. "Bakit ayaw mong tumingin sa kin?"

"Nahihiya ako,"sabi ko nang hindi nag-iisip. Nag-init tuloy ung pisngi ko dahil sa sinabi ko.

Natawa ng mahina si Exer. "Look at me,"

Hindi ako sumunod kaya hinuli na lang nya ung tingin ko.

"Wala kang dapat ikahiya. We did more than that,"nakangisi nyang sabi.

"Exer!"bulalas ko at nahampas sya sa dibdib.

Tumawa sya nang malaka kaya napatingin ung ibang nasayaw sa min. Gusto ko na tuloy lumubog sa kinatatayuan ko.

"Sorry,"nakangiti pa rin nyang sabi. Pero maya-maya nagseryoso din sya at hinawi ung ilang buhok ko na tumabing sa mukha ko.

Halos rinig ko na ang tibok ng puso ko sa lakas ng kabog nito.

"Cleo, I know you can also feel the sexual tension between us,"sabi nya at tinakpan ng daliri nya ung bibig ko. Akma kasi akong kokontra. "Wag ka nang makipagtalo. There is one thing I'll promise. Hindi ko ipipilit ang mga bagay na iyon sa 'yo. I respect you, kitten,"masuyo nyang sabi at niyakap ako habang sumayaw kami.

Gusto kong maluha sa mga sinabi nya.

"Pero syempre, I'll give in if you ask me 'to,"pilyo nyang sabi. Kinurot ko lang sya na ikinaigtad nya.

We stayed like that for a moment. Until one pair caught my attention, or specifically, one person caught my attention.

I stiffened. Agad akong binalot ng takot pagkakita sa nakangisi nyang mukha. Kahit alam kong hindi un para sa kin, iba pa rin ang pakiramdam ko.

"What's wrong?"tanong ni Exer nang mapansin nyang nanigas ako.

Hindi ko magawang ibuka ung bibig ko.

Bakit kailangan kong makita sya ulit?

A/N:

Sino kaya un? Kung sinong makatama, sa kanya dedic ng next chappy.... ^___^

>>>tnx for reading... ^___^

---till next time... ^___^

Hot Doctor's Destined Love(ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon