chapter 25

12.8K 372 58
                                    

UNEDITED

***

Makailang ulit nang nagpalipat lipat ang tingin ni Lavender sa bintana ng kotse niya pabalik sa mga papel na hawak niya.

He took another deep breath before returning the two piece of paper in the folder. Hindi pa rin siya makapaniwala sa nakasulat doon.

Positive.

The DNA result of him and Miracle is positive. Dalawang DNA result ang nakuha niya mula kay Zeke galing sa magkaibang doctor at parehong positibo ang resulta.

Magkahalong tuwa at takot ang nararamdaman niya ngayon. Tuwa sa kadahilanang maaaring totoo ang nakalagay sa mga resulta at takot din dahil hindi niya alam kung ano ang gagawin ngayon maaring anak nga niya si Mira. He could do another test just to prove it and see for himself.

Pero credible ang mga doctor na nag test dahil ito rin ang kinuha ni Zeke ng mangailangan ito ng tulong. Pero alam niya na hindi niya na kailangan pang patunayan pa, because deep down in his heart he can feel it. Ramdam ng puso niya ang katotohanan.

Natatakot din siya sa gagawin ni Jamie. May rason ito kung bakit hindi nito sinabi sa kanya ang katotohanan. At kasalanan niya iyon. Kasalanan niya kung bakit ito na mismo ang lumayo sa kanya, siya ang nagtaboy dito sa pag-aakalang ginamit lang siya nito.

Paulit ulit na bumabalik sa isipan niya ang sakit sa mga mata nito nang araw na pinagtabuyan niya ito.

Napamura siya saka napahilamos ng mukha at muling tumanaw sa labas ng kanyang kotse. Nasa tapat siya ng bakuran kung saan nakatira si Jamie at si Mira. Halatang kapos ang mga ito sa buhay.

Gustong gusto niyang suntukin ang sarili sa tuwing naiisip ang paghihirap ng anak samantalang siya ay nagpapakasarap lang sa buhay.

Halos lumundag ang puso niya nang makita si Mira na lumabas sa kahoy na gate, napatingin pa ito sa kotse niya bago naglakad paalis. Napaisip siya kung saan ito pupunta dahil alam niyang kanina pa umalis si Jamie para magtrabaho.

Tatlong araw na rin siyang nagmamasid lang sa mga ito. Madalas niyang nakikitang umaalis si Jamie at naiiwan lang si Mira. Hindi niya alam kung papaano nakakaya ni Mira mag-isa sa bahay ng walang kasama. Siguro ay sanay na ito. Ngayon niya lang ito nakitang lumabas simula ng magmatyag siya sa lugar na ito.

Bumaba siya ng sasakyan at sinundan si Mira na pakanta kanta pa habang naglalakad. Paminsan minsan ay may pinupulot pa ito sa daan at sinisilid sa bag na lagi nitong dala.

Gustong gusto niya nang tawagin ito pero kinakabahan din siya sa maaaring maging reaksyon nito kapag nakita siya.

Iilan lang ang mga bahay sa lugar na ito at magkakalayo pa ang distansya kaya hindi na siya nagtaka na malayo ang nilakad nito bago huminto sa tapat ng isang tindahan. Napahinto rin siya sa likuran nito.

"Pabili po!" Kinatok pa nito ang hawak na barya sa tindahan ng paulit ulit. "Pabili po!"

"Oo saglit!" Sigaw ng nasa loob bago may sumilip na matandang babae sa tindahan. "Oh, milagring, ano ang bibilhin mo?"

Napatingin sa kanya ang matanda kaya napalingon din sa kanya si Mira. Lumakas ang kabog ng dibdib niya ng magtama ang kanilang mga mata. Now he knows why he always felt like this everytime he see her round eyes. Kaya pala napaka-gaan ng loob niya rito.

Napangiti ito ng makita siya at hindi niya na rin mapigilang hindi mapangiti.

"Teka po! kilala ko po kayo ah!" Sigaw nito at tinuro pa siya. "Kayo po yung tito ni April."

"Ah, o-oo, ako nga iyon." Lumapit pa siya rito at nginitian din ang nagtatakang matanda na papalit palit ang tingin sa kanilang dalawa.

"Sabi ko na po eh!"

A wall in-between [QS#2]Where stories live. Discover now