chapter 24

11.8K 296 24
                                    

Dedicated sa'yo na nagbabasa at bumoboto nito, sabayan mo na rin ng kumento at masaya na ako :)

***

"Matagal niyo na po bang alam ang sakit niya?" Tanong ng doctor kay Jamie na nakatingin sa natutulog na anak. Ito agad ang tanong nito ng makapag solo silang dalawa para pribadong mapag usapan ang tungkol sa sitwasyon ng anak niya.

Marahan siyang napatango bago pinunasan ang luhang tumulo sa kanyang mata.

"Magiging ayos lang po ba ang anak ko?"

Nakita niya ang simpatya sa mukha ng doctor. "Masyadong mahina ang puso ng anak mo, misis. Ang nangyari kanina ay mild attack lang pero maaaring delikado na sa kanya kapag nangyari ulit ito. Kailangan pa natin masuring mabuti ang puso niya kung may mga malala pang kumplikasyon, hindi natin nasisiguro kung walang butas ang puso niya. Habang maaga ay mas maganda nang maagapan."

Parang dinurog ang puso niya sa narinig. Alam niyang matagal nang may sakit sa puso ang anak sanhi ng maaga niya itong ipinanganak at nagkaroon din ng kumplikasyon ng ipinanganak niya na ito. Hindi niya matanggap nung una na sa mura nitong edad ay magkakaroon na ito ng sakit. Kung bakit sana siya na lang ang nagkasakit at hindi ang anak.

Halos lahat ng pera nila ay nauubos lang sa maintenance na gamot nito. Kaya naman doble doble ang kayod niya para lamang sa gamot nito. Dagdagan pa na may sakit din ang nanay niya ngayon.

Pinaliwanag pa ng doctor ang mga dapat gawin lalo na ang pag-iingat dahil baka atakihin ulit si Mira. Sinabi pa ng doctor na oobserbahan pa nito ang anak niya kapag nagising na ito. Kapag nagkataon makitaan ito ng butas sa puso ay kailangan ma-operahan ang anak niya... Ang problema ay kung saan siya kukuha ng pera.

***

"I already talked to the doctor. Kawawang bata."

Napaangat ng tingin si Lavender sa sinabi ni Nammie habang nag-aagahan sila sa restaurant ng resort.

Dapat ay uuwi na rin sila ng asawa niya kagaya ng mga kaibigan niya kahapon pa, pero nag request ang asawa niya na manatili pa muna rito dahil gusto pa nitong magbakasyon. Pero alam niyang ang totoong rason ay ayaw lang siya nito agad pabalikin sa trabaho. Dahil mawawalan na naman siya ng oras para dito.

"Really? why?" Tanong ni Zeke dito. Ito ang mga nag-uusap pero nakatingin naman sa kanya si Nammie. Siya na ang nag-iwas ng tingin pero nanatili pa rin ang pakikinig niya sa usapan ng mga ito.

"He said that the kid have a weak heart kaya inatake nung birthday ni Zena. Thank God nothing severe happen. Kawawang bata, nanay niya pa man lang din ang bumubuhay sa kanya. Sinabihan ko muna yung doctor na obserbahan pa ng mabuti ang kalagayan niya."

"That's good to hear, hon. Sana maging okay na sila. Where's the father by the way?"

Inirapan nito ang asawa saka napailing. "I don't know. Maybe he's enjoying his breakfast out there while his kid suffer."

"What do you mean?" Takang tanong ni Zeke dito.

Nagkibit balikat na lang ito at hindi sinagot ang mga tanong ni Zeke. Even he, wanted to ask the same pero mukhang walana namang balak pang magsalita si Nammie.

"Mom, can I visit her?" Tanong ni July sa mommy nito.

"We will visit her, later."

"How about now? I'm already finished with my food."

"Baby, not now, wala kang kasama pupunta doon. Baka ano pang gawin mo."

"Mom, I'm not June. I can manage, please. Dadalhan ko lang po siya ng pagkaen."

A wall in-between [QS#2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon