chapter 21

10.9K 334 51
                                    

***

"Nay, may sakit po ba kayo?" Tanong ng anak ni Jamie na kanina pa nakatingin sa kanya. Hindi maikakaila ang pag-aalala na makikita sa bilugang mga mata nito.

"Wala anak, pagod lang siguro si nanay."

"Ganun po ba?" Lumapit ito sa kanya at hinalikan siya sa pisnge na siyang ikinangiti niya. "Ayan, nay, pagod pa rin po ikaw?"

"Medyo na lang. Isa pa nga baka mawala na ang pagod ko."

Nilambing naman siya ng anak. Ito talaga ang nakakapag bigay sa kanya ng kasiyahan sa kabila ng kanilang sitwasyon. Wala na siyang mahihiling bukod sa mapabuti ang kalagayan ng kanyan anak.

"Nak, ihatid muna kita kay lola Silvia mo ha? Hindi na kita isasama sa trabaho ngayon."

Agad na nawala ang ngiti sa mukha ng anak at napalitan ng pagtataka. Ayaw niya lang naman mag krus ang landas nito at ang ama. Siya nga ay tinanggi nito na kilala, tiyak na mas masakit sa kanya kung pati ang anak niya ay hindi rin nito matatanggap. Mabuti nang hindi nito malaman na may anak ito sa kanya. lalo na't may sarili na rin itong pamilya.

"Bakit po, nay? Ayaw ko po maiwan kay lola, sesermunan na naman po niya ako sa tamang pagligo at hindi niya rin po ako papayagang maglaro kapag hapon. Sama na po ako sa inyo, Nay. Maglalaro daw kami nila July. May bago silang laruan na sasakyan, pahihiramin daw po niya ako. Nay, sige na po." Ngumuso pa ito at nagpaawa.

"Pero anak---"

"Agad po akong babalik at hindi magpapa-pawis. Tsaka po nay, sabi po ni July punta raw po ako sa birthday ng kapatid niya. Madami pong handaan at cake dun. Pwede po ba akong pumunta?"

Nang makumpirma niya kay Che na totoo ang sinasabi ng anak na nakakalaro nito ang anak ng may ari ng resort na nagkataong kaibigan ni Lavender ay mas lalo siyang nangamba. Malaki ang posibilidad na makita ni Lavender si Mira.

"Hindi ka pwedeng punta sa party na iyon."

"Bakit po? Sabi po ng nanay ni July, pwede daw po. Gusto nga niya po kayo makilala." Pagdadahilan pa ng anbj.

"Mira, kapag sinabi ko na hindi pwede, hindi pwede. Hindi mo ba ako naiintindihan? Kailan ka pa natutong suwayin ako? Iyan ba ang natutunan mo sa pakikipag kaibigan mo sa kanila?"

Sunod sunod ang ginawa nitong iling pero mababakas sa mukha ang matinding lungkot. Parang dinurog naman ang kanyang puso pero tama lang ito. Balang araw maiintindihan din ni Mira ang dahilan kung bakit niya ito gustong ilayo sa sariling ama.

"Sorry po, Nay." Namumuo na ang luha sa mata nito kaya agad itong yumuko. Kilala niya na ang anak. Alam niyang mahirap dito kapag pinag-babawalan niya ito sa mga bagay na gusto nito pero mas pipiliin nitong sundin siya para hindi siya magalit dito. Ganito ito ka maunawain na anak.

Napabuntong hininga siya.

"Ganito na lang, isasama kita ngayon para makapag laro kayo ng kaibigan mo, pero hindi ka pwedeng pumunta sa party. Pero hayaan mo, ibibili naman kita ng spaghetti kapag pumunta ako ng bayan sa linggo. Gusto mo ba yun?"

Napaangat ito ng tingin sa kanya na wari'y tinitimbang ang alok niya. Pero mababakas pa rin sa mukha nito ang panghihinayang.

"Ano, Mira? Payag ka na ba?"

"Sige po... pero nay, dalawang spaghetti po bilhin niyo ha?"

***

"Che, nakita mo ba ang anak ko? Kakaen na kasi kami wala pa siya." Tanong niya sa kasamahan ng oras na ng break niya sa trabaho.

Inabala niya ang sarili sa pagtatrabaho para malayo ang isip niya sa mga problema. Lalo na't alam niyang nasa iisang lugar lang sila ng dating nobyo. Kung siya lang ang papapiliin ay ayaw niya nang makita pa ito.

A wall in-between [QS#2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon