chapter 17

10.8K 280 33
                                    

***

PAGOD na umupo sa leather couch si Lavender bago binuksan ang T.V sa sala. Another day of hectic business schedules. Simula ng binigay sa kanya ang buong pamamalakad ng kumpanya at mga restaurants na pagmamay ari nila ay naging busy na siya. Ni wala na siyang time sa iba pang gawain.

"Hon,"

Napaangat siya ng tingin ng may tumawag sa kanya. Nakatayo sa harap niya ang babaeng may sopistikadang aura. Nakatutok ang bilugang mga mata nito sa kanya.

"Monique." Tawag niya rito.

Tumabi sa kanya si Monique at niyakap siya sa bewang na tila naglalambing. Naintindihan niya naman ito dahil maski rito ay kakaunti na lang ang oras na naibibigay niya. Gumanti siya ng yakap at hinalikan ito sa noo.

Walang nagsalita sa kanila at tahimik lang na nakatuon ang mga mata sa TV sa harap nila. He needed this. At least by this, he can feel relax.

AT SA NAGBABAGANG BALITA. ISANG BABAE AT SANGGOL NATAGPUAN SA TABING KALSADA SA PROBINSYA NG **** SA KASAGSAGAN NG ULAN.

Ayon sa nakakita sa dalawa, naglalakad lang siya di umano sa lugar malapit sa kinaroroonan ng dalawa ng makarinig ng iyak ng sanggol.

"Nagtaka na lang ako ng makarinig ng iyak ng bata. Nung hanapin ko nagulat ako nang makita ko yung babaeng walang malay yakap yung bata." Paliwanag ng lalake na iniinterview sa balitang kanilang pinapanuod.

Pinakita rin sa balita ang lugar kung saan nakita ang dalawa at ang sanggol at nanay nito pero naka blurred. Must be to protect their identity.

Ayon pa sa nakakita, mukhang kapapanganak lamang daw ng sanggol dahil na rin sa mga bakas ng dugo sa lugar at natirang umbilical cord sa bata . Isinugod agad ang mag-ina sa pinakamalapit na hospital. Sa ngayon ayhindi pa rin nagkakamalay ang ina ng sanggol samantalang isinasailalim na ang sanggol para masuri ang kalusugan nito at masigurong walang komplikasyon---

Napatingin si lavender kay Monique ng patayin nito bigla ang TV. Her brows are knitted.

"How could let someone happened that to their child? Paano kung walang nakakita sa kanila at hindi naligtas siya at ang anak niya? Ang pabaya ng ina."

He sighed. Alam niya na kung bakit ganito na lang ito mag react.

"We don't know their situation. Pasalamat na lang tayo at ligtas ang mag-ina diba? wag mo na masyadong problemahin ang problema ng iba." Hinila niya ulit ito para yakapin. Ramdam niya ang pag-buntong hininga nito.

"I'm sorry, I'm just pissed. Hindi nila iniisip ang halaga ng anak nila... samantalang tayo---"

"Monique." He cut her off.

Kumalas ito sa pagkakayap pero bago pa ito makatayo ay pinigilan niya ito. "We can still try."

Nag-iwas ito ng tingin sa kanya. "We've tried everything and we're still trying. Pero Lavender wala pa rin talaga. Limang buwan na tayong mag-asawa pero wala pa tayong nabubuo. I don't know who's useless, me or you."

Hindi niya mapigilang masaktan sa sinabi ng asawa. Of course he's the useless one. "I'm not infertile, makakabuo din tayo." He almost sound helpless.

Hindi na ito nagsalita at tumango na lang bago siya iniwan sa sala.

He know that he's not infertile. That's what the doctor said. Kulang lang ang sperm count niya pero may chance pa rin siyang magkaroon ng anak. They will keep trying. He and Monique.

Monique is the daughter of one of their business partner. Ito ang other option ng Grandpa niya ang ipakasal sa kanya kung sakaling hindi siya makahanap ng babaeng papakasalan. And since he failed, pumayag na siya sa gusto ng Lolo niya. Hindi na mahalaga kahit hindi niya mahal si Monique. Para kasi sa kanya natututunan naman ang magmahal.

A wall in-between [QS#2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon