Chapter 2

13.7K 326 18
                                    

Sorry for the typos and wrong grammar.
~Z

***

Bitbit ang supot ng ulam galing karindirya ay nagmamadaling umuwi si jamie sa maliit na bahay niya. Dagsaan kasi ang costumer nila dahil sa pinapatayong resort. karamihan sa kumakaen sa kanila ay ang mga nagtatrabaho sa construction site. maswerte na ngalang siya at may naitabi pa siyang pang ulam. Wala na rin kasi siyang balak mag luto kapag ganitong gabi na.

Swerte din siya at naka advance siya ng pera sa kanyang tiya. Balak niya pa man din bumili ng glutathione sa bayan. di hamak na mas epektib daw iyon kumpara sa mga sabong gamit niya kaya naman nais niyang subukan para naman pumantay na ang kulay niya.

Palapit na siya sa harap ng kanyang bahay nang makitang nakaharang ang isang lalake sa kanyang pintuan. Inaayos nito ang halos bumigay na bisikleta dahil sa kalawang. Kakamot kamot pa si kuya na nakatalikod sa kanya.

Teka, ito na ba ang kapitbahay niyang magaling sa kama? Napangiwi siya. ano ba itong pumapasok sa isip niya? tsk.

Dahil magkadikit lang ang kanilang pintuan ay nakaharang ito sa kanyang dinaraan.

Kahit madilim na ay kita niya pa din ang hubog ng katawan nito. Mas lalo siyang napangiwi. ang layo pala nito sa kanyang imahinasyon.

Kahit nakatalikod ito ay mapapaghalataan na patpatin ito at may kaitiman. Makapal din ang buhok nito at ang damit nito ay may mga butas pa.

Ano ba iyan?

Ito na ba ang kapitbahay niyang malaki daw ang T? Naku naman. Pero ika nga nila diba, 'don't judge the book by its cover' baka naman kahit patpatin ito ay malaki talaga ang T.

Napailing siya. Kung ano-ano tuloy ang kahalayang pumapasok sa isip niya.

"Excuse me, kuya." Sabi niya dito para maka daan siya.

Parang slow motion pa ang ginawa nitong paglingon sa gawi niya.

Kulang na lang ata matumba siya pagkakita sa mukha nito. Ang imahinasyon niya...
.
.
.
.
.
Parang naglaho ng masilayan ang mukha nito.

Ang inaakala niyang gwapo ay hindi pala. Bukod sa maitim na ito ay bungi pa ang ngipin sa harap at ang mata nito ay may kalakihan na namumula. Parang adik lang.

Ito na ba ang kinababaliwan ng mga babaeng naririnig niya kada gabi? Anu ba yan!

Teka, bakit parang disappointed siya? Hindi niya naman gusto ang kapitbahay niyang kamag-anak pala ni chitae.

Marahil ay nadismaya lang siya dahil iba ang nakita niya base sa mga narinig niya. Tsk. kaya pala tinatanggihan ito ng mga babaeng inayang mag-pakasal. Kahit din naman siya noh!

"Dadaan ka?" Tanong nito ng naka-ngisi pa.

"Obvious ba?" Hindi niya maiwasang tarayan ito. urgh! nakakainis talaga.

"Teka lang miss ganda." Tumayo ito. Naamoy pa niya ang katawan nitong pinaghalong pawis at sigarilyo. Kinuha nito ang mga gamit sa pag-aayos sa bike nitong kalawangin.

Tsk. Dukhang dukha!

Hindi pa man ito naitatabi ang bisikleta ng bumukas ang pintuan sa bahay nito at lumantad sa kanya ang isang lalake.
.
.
.
.
Napanganga siya... literall na nganga. Nasa langit na ba siya at may bumabang anghel sa lupa? hindi na siya magtataka kung mag liwanag ang paligid ng lalakeng nasa harap niya.

"Tapos na kuya?" tanong nito sa lalaking nag-aayos ng bike. Hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin habang nagpupunas ng basang buhok.

ngayon niya lang napansin ang katawan nito. Bagong paligo ito at walang damit pang taas tanging short lamang ang tapal sa katawan. Hindi nakaligtas kanya ang pag galaw ng mga nakakatakam na muscles nito sa katawan habang kumikilos. Kulang nalang ay ilawan niya ito para masilayang mabuti ang pag-galaw ng bawat muscles nito.

napaka-perfect ng katawan nito na animo'y hinulma ng magaling na sculpture. perpekto! lalo na ang 6 packs abs nito na parang kay sarap hawakan.

"hindi pa tapos badong, ayy naku... kung ako sa iyo palitan mo na itong bisikleta mo. nangangalawang na oh." Sabi ni kuyang kamag-anak ni chitae.

Napakamot ito. "eh wala akong pera pang palit eh."

Pagkabanggit nito ng mga katagang iyon ay parang bulang naglaho ang mga mahahalay na imahinasyon niya sa lalaking ito.

Masakit kasi sa pandinig niya ang mga salitang 'wala' at 'pera' na magkadugtong.

Tsk. gwapo nga mahirap naman. anu ba yan. sayang!

Marahil ay napansin siya nito kaya naman ay napatingin ito sa kanya. Nagtama ang kanilang mga mata at pakiramdam niya ay kinapos siya ng hininga. iba pala ang epekto ng gwapong dukha na ito.

"Pasensya ka na ah, inaayos kasi ang bike ko kaya nakaharang." Paumanhin nito.

Nag-pilit siya ng ngiti hindi dahil sa ayaw niya ito. pakiramdam niya kasi ay nawala lahat ng sense of muscles control niya sa katawan dahil sa lalaking ito.

"Sige lang," sabi niya dito. At nang tuluyan nang maitabi ang mga gamit ay napatingin ulit siya dito.

Bakit parang ayaw pa niyang pumasok? Ano ba yan.

"Ikaw pala yung kapitbahay ko?" tanong nito.

Oh syet! Kinakausap siya ng gwapong dukha na ito.

"Ah, oo." Ako lang naman ang kapitbahay mong rinig lahat ang kahalayan mo. gusto niya sanang idugtong iyon.

"Ahh," napatango ito at napakamot ng ulo. "Pasensya ka na pala minsan kung maingay ha." Nahihiyang napayuko ito.

Aba! mahiyain pala ang mokong na ito? Akalain mo yun?

"Wala yun," hindi mo lang naman ako pinapatulog ng maayos kapag may ka-sex ka!

"Badong nga pala." pakilala nito bago naglahad ng kamay.

Ano ba yuan. pang dukha din ang pangalan. Tsk. Buti nalang talaga ay gwapo ito.

"Jamie." Tinanggap niya ang kamay nito at pakiramdam niya ay nag-pipyesta na ang mga paro paro sa kanyang tiyan ng maglapat ang mga kamay nila.

Napaka-manly ng kamay nito at kay sarap hawakan... marahil masarap din itong humawak sa kung saan.

Ahh!

Napailing siya sa isipan. kung anong kahalayan na naman kasi ang pumapasok sa isip niya. Na-imagine niya na tuloy kung saan maaaring gumapang ang mga kamay nito.

"Ahem." Pekeng ubo ni kuya chitae. "Tama na yan badong! Dumidiskarte ka na naman."

Agad itong napa-bitaw sa kamay niya at napakamot ulit ng ulo.

"Ikaw talaga kuya kaloy. pinapahiya mo ako kay jamie eh." sumulyap ito sa kanya at binigyan siya ng ngiting pagka tamis tamis. Napaka perpekto ng ngipin nito na animo'y alaga sa dentista. Papasa itong endorser ng toothpase.

Hindi niya namalayan na malaki na pala ang ngisi niya sa mukha.

Chill ka lang jamie, tandaan mo, mahirap pa yan sa iyo. sermon niya sa sarili.

"Ano yang dala mo?" tanong nito ng mapansin ang supot na dala niya.

Infairness, feeling close na agad itong si kuya ha. Sa isip niya.

"Ahh, ito? Ulam at kanin. Nagtatrabaho kasi ako sa karindirya malapit sa dagat." Paliwanag niya, napatango ito. hindi niya alam kung ano ang sumapi sa isip niya pero nasabi niya na lang, "hindi ka pa ba kumaen? gusto mong sabayan ako? madami naman ito."

Wala nang bawian ito.

Isang ngiti ang pinakita nito bago sumagot ng. "Sure."

***

A wall in-between [QS#2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon