Chapter 8

9.2K 234 3
                                    

***

"Mahal, hindi mo nabanggit sa akin na may mayaman ka pa lang kaibigan." Sabi ni jamie kay badong habang sinasaluhan niya ito sa pagkaen. hinatiran niya kasi ito ng pagkaen sa trabaho at naisipang sabayan na ito.

Ngayon niya lang naisipang ungkatin ang bagay na iyon dahil kagabi lang ito umuwi pagkatapos ng isang araw na hindi bumalik matapos pumunta ang bisita nito. Hindi niya naitanong agad dito dahil mukhang pagod ito at nagsabi ito na pumunta ng manila dahil biglaang tawag ng trabaho.

Saglit na natigilan ito sa pagsubo. "Si zion? Hindi mayaman yun."

"Hindi? Eh mukhang mayaman eh, ang gara pa ng kotse. Tapos mahal, inglisero pa."

"Driver ang trabaho nun at napadaan lang sa bahay. Nasanay lang siguro sa among banyaga kaya napapadalas ang pag ingles."

Ngek! Yun naman pala ang dahilan, akala pa naman niya ay mayaman talaga ang lalaking iyon. Tsk.

"Akala ko pa naman mayaman, sayang." bulong niya.

"Sayang? Bakit sayang." Narinig pala nito ang sinabi niya at mukhang hindi nagustuhan base sa pagkakakunot ng noo nito. "Nanghihinayang ka ba na akala mo nakakita ka na ng mayamang lalake na ipapalit sa akin?"

"Huh? Hoy badong hindi ganoon ang iniisip ko." Kahit naman na mukha siyang pera ay wala naman siyang balak na iwan ito ng dahil lang sa nakakita agad siya ng iba. "Nanghihinayang lang naman ako kasi akala ko ay pwede ka niyang matulungan na makahanap ng mas magandang trabaho."

Saglit na natahimik ito at tinignan lang siya ng mariin bago bumuntong hininga. "Akala ko kasi ipagpapalit mo ako sa iba na mayaman."

Pinitik niya ang ilong nito. "Ang drama mo mahal, mag artista ka na lang kaya ng mapakinabangan ko ang gandang lalake mo?" Biro niya dito.

Ngumiti naman ito. "Ayaw ko nga, baka mahirapan ka kapag marami na ang maghabol sa akin."

***

Abala sa trabaho si Lavender nang tinawag siya ng isa sa mga kasamahan niya.

"Hoy fontanilla! May naghahanap sayo."

Nagtatakang sinundan niya ang tinuturong tao ng kasamahan. Wala naman kasing pupunta sa trabaho niya maliban kay Jamie na kilala na rin naman ng mga kasamahan niya. Unless...

"Bro."

He frowned. Bakit nandito si zion?

"Why are you here?" Tanong niya agad dito. "May nangyari na naman ba?"

Bahagyang tumango lang ang kaibigan. "This time I don't think he's faking it."

Gumuhit ang pag aalala sa mukha niya. ito na nga ba ang sinasabi niya, sadyang makulit lang talaga ang lolo niya.

"Let's go." Nagpatiuna na siya rito.

"Hoy badong!" Tawag ng kasamahan niya ng makitang aalis siya. "Tatakas ka na naman ba sa trabaho? Gusto mo talagang masesante ano?"

Tuloy tuloy lang siya at hindi man lang pinansin ang kasamahan. Samantalang ang kaibigan niya ay nagawa pang kumaway sa mga ito.

Sa lalim ng iniisip niya ay hindi man lang niya namalayan nasalubong niya si jamie at tawag siya nito.

Agad siyang sumakay sa kotse ng kaibigan. Nagtatakang hindi agad nakasunod sa kanya si zion, akmang baba sana siya ng bumukas ang pinto sa backseat at pumasok si jamie.

"A-anong ginagawa mo dito?" Tanong niya dito.

"Nabanggit sa akin ng kaibigan mo na nasa hospital daw ang lolo mo, nag-aalala lang ako para sa kanya at sayo. Sasama ako."

Shit. Naloko na. "Pero---" Tututol pa sana siya sa pagsama nito ng pumasok na si zion sa driver's seat.

"Let's go?" Nakangising tanong nito bagn pinaandar ang sasakyan.

Lagot na. Mukhang wala na siyang magagawa kundi ipaalam kay jamie ang totoo. At pagkatapos nun ay bahala na.

Buong byahe ay tahimik lang siya maski si jamie ay ganoon din at mukhang malalim din ang iniisip. Mabuti nang ganito kesa magtanong ang kasintahan sa kanya dahil hindi rin naman niya agad masasagot iyon.

Nakarating sila sa pribadong hospital sa manila kung saan na confine ang lolo niya.

Tahimik lamang na sumusunod ang dalawa sa kanya pero huminto rin ang mga ito nang pumasok na siya sa private room kung nasaan ang lolo niya.

"Gran." Tawag niya sa matandang lalake na nakahiga sa hospital bed. Sa itsura nito ay mahahalata ang panghihina ng katawan nito. Looks like this is real this time.

"Iho," tawag din nito sa kanya. Nilapitan niya ito at hinalikan sa noo.
"What happened?"

"Heart attack." Simpleng sagot nito at sinubukan umupo kaya agad niyang inalalayan nito.

"Gran, I told you to be careful. Hindi mo alam kung gaano ako nag-alala sa iyo. Ngayon pa lang iniisip ko na na itigil itong kalokohan mo. You need me by your side gran."

"You know my conditions, Apo. May maipapakilala ka na ba sa akin? Ikaw lang naman ang hinihintay ko bago ko ipasa sayo lahat ng trabaho at makapag pahinga na ako."

He sighed deeply. Wala naman talaga siyang planong pumayag sa kundisyon ng kanyang butihing lolo kung hindi lang ito mapilit.

At first he just took it as a fun challenge. Pareho kasi silang mahilig magbiro ng kanyang lolo sa mga bagay bagay. Wala raw itong balak ibigay ang mana niya kung hindi siya makakatagpo ng babaeng gusto nito, a woman who will never look into a status of a man. Hindi masisilaw sa pera at higit sa lahat ay mamahalin siya kahit mahirap siya.

When he said yes he thought it was easy. Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa kanya? But of course his Lolo put a little--well big challenge for him. kaya nga nasa ganitong set up ang buhay niya ngayon. At totoo ngang nahirapan siya sa paghahanap ng ideal woman ng lolo niya para sa kanya. Kahit gusto niya nang sumuko ay hindi na pwede dahil umasa sa kanya ang lolo niya at ayaw niyang biguin ito lalo na't lumalala ang sakit nito.

"Meron na po." Sagot niya dito na pinag-isipan niya naman talaga.

Nakita niyang kumislap ang mata nito at saka ngumiti. "Really? Can I meet her now?"

Alinlangan man ay tumango siya sa hiling nito. Kung papatagalin pa niya kasi ang ganitong sitwasyon ay baka lumala lang ang kondisyon ng kanyang Lolo.

Lumabas siya ng silid at hinanap ang kasintahan. Nakita niya si jamie na nakaupo lang sa labas mismo ng silid ng lolo niya at naghihintay.

It's really true that he have feelings for her. Diba nga ay balak niya na talaga itong ipakilala agad sa lolo niya dati? But this past few days he's starting to doubt something. Unti-unti niya kasing nakikilala pa lalo ang ugali ng kasintahan.

Pero nandito na ito, wala nang atrasahan. Saka na lamang siguro siya mag-iisip ng susunod na hakbang kapag bumuti na ulit ang lagay ng kanyang Lolo.

"Jamie," tawag niya dito kaya napatayo agad ito.

"Kamusta ang lolo mo?"

"He's fine. Gusto ka raw niyang makilala."

"T-talaga? hindi ba nakakahiya? Ganito pa man din ang itsura ko." Bahagya pa nitong inayos ang buhok at damit.

"Wag kang mag alala, he won't judge you."

Nagtatakang tumingin lang ito sa kanya saka tumango.

Pagkapasok nila ay agad ngumiti ang kanyang Lolo nang makita si Jamie.

"Gran, si Jamie po, girlfriend ko."

"Magandang hapon po." Lumapit ito sa lolo niya saka nag mano. "Kamusta na po ang kalagayan niyo?"

"I'm fine iha, I'm glad to finally met you. Mukhang hindi nagkamali ang apo ko sa pagpili."

***

A wall in-between [QS#2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon