Chapter 5

10.7K 273 12
                                    

Chapter dedicated to @xmaeannx

*NOT EDITED*

***

Hindi mawala ang ngiti sa labi ni Jamie habang inaamoy ang isang pirasong rosas na nakita niya sa tapat ng kanyang pintuan.

Sino pa nga ba ang magbibigay nito sa kanya kundi ang masugid niyang manliligaw na si Badong. Oo, manliligaw niya na ito. Hindi naman siguro masama kung hahayaan niya itong manligaw at maging sila man kung sakali. Hindi pa naman sila ikakasal.

Bilib din kasi talaga siya sa diskarte ng binata sa kanya. Katulad na nga lang ngayon ay nakatanggap ulit siya ng rosas mula dito. Araw araw kasi siya nitong binibigyan simula ng manligaw ito sa kanya.

Pero infairness naman dito kay badong at totoong rosas ang binibigay sa kanya, kung nagkataon na peke ang binigay nito ay baka nabasted niya agad. Hehe.

Binasa niya ang sulat na nakalagay sa maliit na papel na kasama ng rosas.

Jamie,

Kasing ganda mo ang rosas na ito, sana magustuhan mo. Susunduin kita mamaya at mamamasyal tayo.

Badong

Sino ba naman ang hindi kikiligin kung makakatanggap ka ng ganito mula sa isang gwapo at mabait na lalake? Wag na lang pag-usapan ang kanyang estado.

Inaamin niya na na kahit papaano ay may nararamdaman na rin naman siya dito. Siguro, kaunting tulak na lang at baka mahulog na siya ng tuluyan kay badong.

"Hoy jamie!" Bulyaw ni aling pasing sa kanya. ito ang may ari ng compound na tinitirhan niya. "Malapit na ang katapusan, ihanda mo na ang bayad mo sa bahay. Ayaw ko ng delayed ngayon."

Napakamot siya ng ulo. Eto na naman pala ang singilan. Hay naku!

"Hindi po ba pwedeng ma delayed kahit tatlong araw? Kulang pa kasi ang pera ko."

"Ayan ka na naman. Nung nakaraan yan din ang sinabi mo. Ang tatlong araw pa naman sa iyo ay dalawang linggo. Aba'y sa mga kalandian mo madami kang pangbili sa pangbayad ng renta, Wala?" prangkang turan nito sa kanya.

Lihim niyang inarapan ito. hindi naman kasi lingid sa kaalaman niya na madalas siyang laman ng tsismis ng mga kapitbahay niya. Palibhasa inggit ang mga ito sa ganda niya. Balang araw talaga kapag umahon siya ay hinding hindi na siya babalik sa lugar na ito.

"Sige po aling pasing, gagawa ako ng paraan."

***

"Oh bakit parang malungkot ka?" Tanong ni badong sa kanya habang naglalakad sila sa may pamilihan sa bayan. Kagaya nga ng sinabi ni badong ay ito na talaga ang gagastos ngayon. mabuti na lang talaga.

"Ah eh, wala naman."

"Weh?" Lumapit pa ito lalo sa kanya. "Tignan mo nga yang kilay mo, magkadikit na." Inakbayan siya nito.

Hindi niya inaasahan ang ginawa nito pero hindi naman siya tumanggi. sino ba naman ang magrereklamo kung napakagwapo ng lalaking aakbay sa iyo? hindi nga niya masisisi ang mga babaeng napapasulyap sa kasama niya.

Mamatay sila sa inggit!

"May problema ba? Share mo naman baka makatulong ako." Dugtong pa nito.

Makatulong? Pera ang problema niya. Paano ito makakatulong kung mas mahirap pa ata ito sa kanya. may sakit ang lolo nito at marahil nauubos doon ang pera nito. Ni pambili nga ng matinong tsinelas ay mukhang wala ito.

A wall in-between [QS#2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon