Chapter 7

9.6K 225 10
                                    

***

"Goodmorning." Masayang bati ni Jamie sa kasintahan ng lumabas ito ng kwarto at pupungay pungay pa ang mga mata.

Kakatapos niya lang maghanda ng almusal nilang dalawa. Pakiramdam niya tuloy ay parang mag asawa sila sa ganitong setup. Kakalipat lang kasi nila nitong linggo sa bagong apartment na malapit sa kanilang mga trabaho. Oo magkasintahan sila pero hindi ibig sabihin niyon ay sa iisang kama na sila natutulog. mabuti na lang at dalawang kwarto pala ang nakuha ni badong na nilipatan. ito ang magbabayad ng upa samantalang hati naman silang dalawa sa kuryente, tubig at pagkaen. Ok na sa kanya ang ganoong setup dahil malaking tipid.

Malaki naman ang respeto sa kanya ni badong kaya mukhang hindi siya mahihirapang pakisamahan ito.

"Ang aga mo naman nagising, mahal." Inaantok pa itong lumapit sa kanya at hinalikan siya sa noo.

Aba't kahit bagong gising itong boyfriend niya ay ang bango parin. Siya ata ang dapat magpigil na hindi ito mahalay.

"Syempre dahil maaga ang pasok nating dalawa. Kaya kung pwede po ay maupo ka na at kakaen na tayo."

"Wala ata akong ganang pumasok ngayon." Nakangusong sabi nito na umupn sa tabi niya.

"Bakit? Masama ba ang pakiramdam mo?" Sinipat niya kung mainit ang katawan nito na hindi naman.

Umiling ito. "I don't know. Nakakasawa na kasi yung pagmumukha ng boss ko."

"Ano ka ba. Trabaho yan kaya dapat magtyaga ka." Sermon niya dito.

Wag naman sanang tamarin ito sa pagtatrabaho at baka masesante ito. Tiyak na siya ang gagastos sa lahat. Kung mangyari man iyon ay hindi siya madadalawang isip na iwanan si badong.

"Mahal, pano kung lumipat na lang kaya ako ng trabaho?"

"Ano naman?" Tanong niya dito.

Nagkibit balikat ito. "Sabi ni lolo subukan ko daw mangisda para ma-experience ko naman."

"Ano? Experience ka diyan? Hindi na nga kalakihan ang sahod mo ngayon at balak mo pang lumipat sa trabahong mas mababa ang kikitain."

"Marangal naman iyon ah?"

"Marangal naman nga, ang punto ko lang yung kikitain mo. Diba dapat maghanap ka ng mas may mataas na sahod. Mahirap ka na nga, mas lalo ka pang maghihirap." Walang prenong sermon niya dito. Hindi niya kasi maintindihan ang punto ng kasintahan.

Plano nitong mag iba ng trabaho, para ano? Para sa experience lang? Aba!

Saglit na natahimik ito marahil ay nakukuha na ang punto niya.

"Wala naman sa akin kung maliit o malaki ang sahod. Ang mahalaga ay masaya ako sa gagawin ko." Mayamaya ay sabi nito.

Napaawang ang bibig niya. Ano ba naman ang katwiran nitong si badong. " sa kagaya nating mahihirap hindi na natin iintindihin kung masaya ba tayo o hindi sa ating ginagawa. ang importante ay mabuhay tayo sa pang araw araw. Kaya kung ano man yang iniisip mong pag papalit ng trabaho ay wag mo nang gagawin. tandaan mo, dalawa tayong naninirahan dito at kung magpapalit ka ng trabaho ay pati ako mahihirapan."

Napayuko ito. "So you mean, Jamie, kung sakaling maghirap ako ay iiwan mo ako?"

Walang kakurap kurap na sinagot niya ito. "Oo."

***

Praktikal... siya ang uri ng taong praktikal at mas pinapairal madalas ang isip kesa ang puso. Kaya naman paninindigan niya ang sinabi kay badong na kung sakaling maghirap ito lalo ay iiwan niya ito.

Ilang pamilya na ang nakita niyang nagkasira sira dahil sa usaping pera. Hindi mabubuhay ng simpleng pagmamahal lamang ang isang pamilya. Sa pera parin talaga iikot ang lahat.

Hindi na nila napag usapang muli ang bagay na iyon. Pasalamat na rin siya at malinaw na kay badong ang pwedeng mangyari kung sakali. ayaw niyang maging plastik dito. Totoo naman na may pagtangi siya dito pero mas nauuna pa rin sa pagdedesisyon ang kanyang isip.

Araw ng lunes ngayon at wala siyang trabaho dahil sarado ang karindirya ng kanyang tiya, may aaskasuhin daw kasi itong mga papeles.

Naabala siya sa paglilinis ng kuko ng makarinig ng katok sa pinto. Sigurado siyang hindi si badong iyon dahil kusa lang naman itong papasok. wala naman silang inaasahang bisita... o baka naniningil, wag naman sana.

Binuksan niya ang pinto at halos mapanganga siya ng makita ang lalaking nasa labas. Gwapo ito... hindi lang gwapo, ubod ng gwapo. Matangkad ito at mestisuhin, dagdagan pa ang porma nito na nakadagdag sa lakas ng dating nito. mukhang mayaman at amoy mayaman.

Pero sino ito? Naligaw ba ito sa mumunting tahanan niya.

"Ah a-ano po'ng kailangan niyo?" medyo nautal pa siya ng magtanong dito. Kakaiba naman kasi ang aura nito at talagang nakakalambot ng tuhod... parang nung unang beses niya lang nakita si badong. Speaking of badong, may boyfriend na nga pala siya. Dapat ay mag behave siya.

"Hi, uhm... is this where lavender live?" tanong nito.

Shet! Inglisero.

"Lavender?... ahh si badong." Lavender nga pala ang totoong pangalan ni badong. Naalala niya pa kung gaano siya natuwa ng malaman ang tunay na pangalan nito. ang cute kasi. "Oo, bakit?"

"I'm his friend, Zion. Nandyan ba siya?"

friend? Grabeh! may ganitong kaibigan ang dukha niyang nobyo? Hindi ata nabanggit sa kanya ni badong ang tungkol sa bagay na ito.

"Wala, nasa trabaho pa siya."

"Ow, can I wait for him in here?" Tanong nito. hindi pa man siya nakakasagot ay pumasok na ito. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng kaba. Kahit naman gwapo at mukhang matino't mayaman ito ay kailangan pa rin niyang mag ingat. "Hey don't look at me like that." Sabi nito nang mapansin ang pag aalangan sa mukha niya. "Hindi naman ako masamang tao, sa gwapo kong ito?" Ngumisi pa ito.

"Kaibigan ka ba talaga niya?" Nagdududang tanong niya dito. Malabo kasing ganito ang mga kaibigan ni badong, si kuya kaloy pwede pa. Tignan mo naman kasi 'mukhang mayaman ito... o baka naman kagaya lang ito ni badong na feel mag ingles minsan.

"Yup." Kampanteng umupo ito sa kahoy ng upuan sa sala. "Can I have some juice? Nauuhaw na ako eh."

Aba't makapal pala ang mukha nitong mokong na ito. Utusan ba naman siya? Pero marunong din naman siyang tumanggap ng mga bisita kaya agad siyang nagtungo sa kusina na nasa gilid lang din ng sala at kinuha ito ng tubig. Wala silang juice eh.

"Tubig lang ang meron kami." Iniabot niya dito ang tubig na hindi malamig.

"You drink water from faucet?" Nakangiwing tanong nito ng makitang galing sa gripo ang tubig na binigay dito.

Aba't pasalamat nga ito at hindi siya sa poso kumuha.

"Yan lang ang meron kami."

Imbis na inumin ay inilapag lang nito ang baso sa mesa. "Nevermind." Inilibot nito ang paningin sa maliit nilang bahay at bumulong na hindi niya narinig. "I can't believe he can live in this like of place."

Magtatanong pa sana siya ng bumukas ang pinto at pumasok si badong na mukhang hinihingal pa.

"Zi." Tumingin ito sa kanya bago ulit sa kaibigan at nag senyas ng kung ano.

Tumango naman ang bisita bago tumayo at lumabas. Bago lumabas si badong ay lumingon muna ito sa kanya.

"Mag-uusap lang kami."

Paalam nito bago isinara ang pinto. agad na sinilip niya ang mga ito sa bintana at nakita niyang sumakay ang mga ito sa kotse... sa isang magarang at mamahalin na kotse.

Nakaalis na ito ay nakatulala pa rin siya.

Isa lang ang napagtanto niya... may isang mayaman na kaibigan si badong, ang dukha niyang boyfriend."

***

A wall in-between [QS#2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon