extra: First Year College! First Embarrassing moment?!

36 1 0
                                    

[Author’s POV]

YEBOI! Sorry po ngayon nag-update. Busy po kasi sa mga reports and assignments. Tama nga po, 2 weeks pa lang kaming pumapasok pero tambak na po ang mga gawain namin. Ganon ata talaga kapag 3rd year college na. Kailangan na talagang mag-seryoso. Hahahaha

Anyways, may ishe-share lang po ako. Natatawa ako sa sarili ko. Di ko alam na ang dami ko na palang mga draft scenes na pang-story ko. Hahahaha. Yung iba nga di ko na matandaan na ako gumawa. :D

This chapter was just an extra. Di po ito kadugtong ng chapter 10. Eto pong extra na to ay paminsan minsan lalabas. Sabi po kasi ng mga kaibigan ko ay parang ang perfect naman ng character ni Bryella kaya naisipan ko pong gumawa ng ganto para malaman niyo ang ibang kahihiyan ni Brye sa buhay. Whahahaha. Ang iba po dito totoong nangyari na kung di man sakin ay sa ibang tao na kakilala o nakita ko lang. At ang iba naman po ay gawa lang ng aking baliw na kaisipan. Hahahaha

Extra: First Year College! First Embarrassing moment?!

[Brye’s part]

“What time na? Late na ba tayo?” –Brye asked Hyuu while applying baby powder on her face and neck.

“Di pa. Kaya pa yan.” –Hyuu

“Matagal pa ba? Baka naman malate na tayo.” –reklamo naman ni Jee na sumilip sa kwarto niya. Tapos na kasing mag-ayos sila Hyuu at Jee kaya naman natatanranta na siya. Kanina lang kasi siya bumalik sa condo mula sa bahay nila.

“Sorry.” –sincere naman na sabi niya sa mga ito. Tsaka kinuha ang bag para umalis. Pang-apat na araw pa lang nila papasok sa school nila ay malelate na agad sila. (Nakakahiya!)

Pagdating sa school ay naglakad na sila papunta sa classroom nila. Bago pa sila tuluyang pumasok ay tinignan muna nila kung nagkaklase na. At tama nga ang hinala niya, dahil ng silipin niya sa salamin sa pintuan nila ang loob ay nakaayos na ng upo ang mga ito at nakaharap lahat sa klase.

“Nagka-klase na sila.” –sabi niya kila Hyuu at Jee na nasa likod niya.

“Sigurado ka? Baka naman di pa, Baka yan pa yung klase bago tayo.” –Hyuu

“I’m sure. I saw Torres and Zordilla inside.” –tukoy niya sa dalawa nilang kaklase.

“Oh pasok na tayo.” –sabi naman ni Jee

Dahil siya ang malapit sa pinto ay siya din ang mauunang pumasok. Dahan-dahan niya pang pinihit ang door knob tsaka dahan dahan ding pumasok sa loob at sa gilid dumaan papunta sa likod. Naramdaman niyang nakasunod sa kanya sila Jee at Hyuu. Sa tingin niya ay di naman sila napansin ng Instructor na nandoon dahil tuloy tuloy pa rin ito sa pagsasalita sa harap.

Okay na sana ang entrance nila kung hindi lang siya natapilok at napatili. Buti na lang ay naalalayan siya ni Hyuu na kasunod niya kung hindi ay sobra sobrang kahihiyan na ang nangyari sa kanya.

“Excuse me?!” –tila galit na tawag sa kanila ng Intructor nila. Sabay sabay pa silang humarap ni Jee at Hyuu dito. Nagulat siya ng hindi ang Intructor nila para sa subject na iyon ang nandoon sa harap kundi ay ang Instructor na nababalitaan nilang terror. “What are you ladies doing here in my class?”

(His class? This is our class!) Narinig niyang nagsisimula ng magtawanan ang mga kaklase nila kaya naman napatingin siya at dalawang kabigan niya sa mga ito. Na ikinagulat niya naman dahil except for Torres and Zordilla ay di niya na kilala ang iba pang nandoon. (VERY WRONG!!!! Pwede bang kainin na kami ng tiles na kinatatayuan naming????!!!!)

“We’re sorry, sir.” –hinging paumanhin ni Jee sa Instructor na nandoon. “We just thought this is our class.”

“Sorry, sir.” –hinging paumanhin din nila ni Hyuu tsaka na lumabas. Bago pa sila tuluyang makalabas ay narinig pa nilang tumawa ang Instructor na nandoon.

“My gosh! Maaga pa pala tayo. 9:50 pa lang.” –sabi ni Jee pagkalabas nila ng classroom.

“Wala naman kasing traffic kaya feeling ko talaga di pa tayo late.” –sabi naman ni Hyuu

“Sorry. Ang dami ko ng kasalanan sa iniyo. Kala ko kasi talaga klase na natin yon kasi nandon sila Torres. Napagtawanan pa tuloy tayo” –nakayukong sabi niya sa mga ito. “Di ko naalalang irregular student pala sila.”

Narinig niyang natatawa na ang dalawa kaya naman napatingin siya sa mga ito. “Okay lang. at least my experience na tayo. Pangit din naman kung puro perfect scene ang mangyayari satin.” –sabi ni Jee ng makita ang pagtataka sa mukha niya.

“Oo nga. Tsaka nakakatawa naman talaga yung ginawa natin. Parang si satan siguro tayo sa power puff girls kanina dahil dahan dahan pa tayo sa paglalakad.” –natatawa namang sabi ni Hyuu. “Tsaka di lang naman satin nangyari yon eh. I’m sure makaka-encounter din tayo tulad ng ginawa natin kanina.”

Natawa na lang din siya sa kahihiyang nangyari sa kanila kanina.

[Author’s POV]

Oh dabah? Nangyari na ba ito sa iniyo? Dahil sakin ay OO! At sobra talagang nakakahiya! After that incident pa nga nagtago kami ng kaibigan ko para di kami makita nung mga tao na nasa classroom paglabas nila. Whahahaha

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 16, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love and Trivia --hiatus--Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon