chapter 2: Bryella Ann Hernandez?

97 2 0
                                    

Chapter 2: Bryella Ann Hernandez?

[Brye’s POV]

“Guys, may pupuntahan ba kayo after class?” –tanong ni Bryella kila Jiminnah at Hyoraine habang naglalakad sila papunta sa susunod nilang klase.

“Wala naman, bakit? –Hyoraine

“Want to join us?” –Bryella

“Us? Sinong kasama? And where?” –Jiminnah

“Si ate Lyn. Naisipan kasi naming magpagupit sa Makati.” –Bryella

“Magpapagupit lang kailangan sa Makati pa talaga.” –Jiminnah said then smiled.

“You know naman what ate Lyn’s purpose.” –nasabi na lang ni Bryella at tsaka ngumiti.

“Sa ginagawa ba ni ate Lyn di pa siya nahahalata ni kuya Dawn Jay?” –tanong ni Hyoraine.

“I don’t know.” –sabi ni Brye at nagkibit balikat.

“Hay naku, ewan ko ba naman kasi diyan sa pinsan mo Brye kung bakit nagpapaka-stalker diyan kay kuya Dawn Jay.” –mataray na reklamo ni Hyoraine habang napangiti na lang si Bryella sa katarayan ng kaibigan. Di rin kasi lingid sa kaalaman ng dalawang kaibigan na inaalam ng pinsan niya ang lahat ng may kinalaman kay Dawn Jay at palihim pa. Kahit siya ay di maintindihan kung bakit ganun ang pinsan niya dahil sa tuwing tinatanong niya ito kung may gusto ba ito kay Dawn Jay ay isang ngisi lang ang sagot nito sa kanya.

“Hay naku din Hyuu, wag mo na ngang isali sa init ng ulo mo si ate Lyn and kuya Dawn Jay. Pati hayaan mo na si ate Lyn gwapo naman si kuya Dawn Jay at magaling pang mag-guitar.” –Jiminnah

“But he’s so mataray and suplado naman.” –Hyoraine

“Just like you friend.” –pang-aasar niya kay Hyoraine

“Excuse me! I’m not mataray kaya.” –pagtatanggol ni Hyoraine sa sarili.

“Yeah right! The snob dancer lang pala.” –sinabayan niya pa yon ng mahinang tawa.

“Tama na nga yan guys. Hayaan mo na si Hyuu, Brye. Mainit lang talaga ulo niyan.” –nasabi na lang ni Jiminnah habang tumatawa.

“Ganyan ka Jee! Tumatawa ka naman. Huwag niyo na ngang paalala yang snob dancer na yan. Naalala ko lang yung ewan na lalaking yon eh.” –reklamo pa rin ni Hyoraine.

“Sino namang ewan na lalaki? Pati di ka pa ba sanay na snob dancer ang tawag sayo dito sa school?” –Bryella

“Nah! Of course I’m used to it. It’s just that…” –Hyoraine

“Then why?” –Jiminnah

“I’m sorry guys, I’m just so irritated because of Jeison. He keeps on calling me snob dancer every time we bumped to each other.” –Hyoraine

Nagulat sila ni Jiminnah sa sinabing pangalan ni Hyoraine. “Jeison? You mean Jeison Lawrence Martinez?” –tanong niya dito.

“Yeah. He already knows that I’m a snob but he keeps on bothering me.” –Hyoraine

“Baka siguro na-challenge din siya sayo. Parang kay Brye.” –Jiminnah

“You’re right Jee. I heard from my cousin that Jeison loves challenges.” –kumpirma niya. Dahil nasabi rin dati ng pinsan niya na mahilig ito sa mga bagay na nakaka-challenge kaya isa rin daw iyon sa mga dahilan kung bakit siya nito gustong ligawan.

Napansin niya ang lalong pagsama ng aura ng kaibigan. (U-oh! I think I said too much). “I really hate him!”

Pagkasabi ni Hyoraine nun ay nakita naman ni Bryella na papasalubong sa kanila si Jeison. Ngumiti lang ito sa kanila ni Jiminnah at sumaludo naman kay Hyoraine. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya kay Jeison o maasar dahil lalo niyang nasiguro ngayon na curiosity lang kaya ito lumapit sa kanya. Pero on the second thought parang natutuwa na rin siya dahil sa nakikita niya di lang pagka-challenge kung bakit nito kinukulit ang pinsan niya.

Love and Trivia --hiatus--Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon